47. Danger.

1.1K 25 0
                                    


***

Kathryn's POV

"Nay, ako na po dyan." Prisinta ko kay nanay bago kinuha ang mga bitbit nya. Palabas na kasi kami sa grocery store. Ang saya nga eh! Ang daming binili ni nanay at tatay kaya ang dami naming stock ngayon. Tsk tsk! Umaasenso talaga eh!

Pagkalabas namin ay madilim na ang langit. Wala pa namang dumadaang sasakyan dito mismo sa grocery. Maglalakad ka pa ng kaonti bago mo marating yung sakayan. Keri yan! Malaki naman yung muscles ko!

"Kaya mo pa ba, nak?" Nakangiting tanong sa akin ni tatay habang buhat buhat ang isang karton. Nakangiti naman akong tumango. Hindi kasi ako makasaludo dahil may hawak ang dalawa kong kamay.

Nakasunod lang ako sa likod nina mama at papa. Tiningnan ko silang dalawa. Buhat ni papa ang karton sa balikat nya, habang ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ni mama. Si mama naman ay may bitbit sa isang kamay habang ang isa ay nakahawak kay papa. Ang sweet! Nakakainis 'tong magulang ko ah, lakas makateenager!

Hindi ko namang mapagkakaila na mukhang bata pa yung mga magulang ko. Parang magkasing-edaran sila nina tita Kylie at tito Dave. Kaya nga sa kanila ako nagmana eh. Magaganda at gwapo ang lahi. Hihihi. Siguro ay gwapo at maganda yung mga magulang ng mga magulang ko. Hindi ko pa kasi sila nakikita. Ang alam ko lang kasi, si tatay ay tinanan si nanay. Dahil nga sa ayaw pumayag ni lola na makipagrelasyon sya sa isang dukha. Yeah.. mahirap si nanay habang si tatay ay mayaman. Pero hindi yun naging hadlang sa love story nila. Kaya nagdesisyon silang magpakalayo at bumuo ng sariling pamilya.

At heto kami ngayon. Stay strong kahit hindi ko pa nakikita sina lola. Sa side na lang ni papa ang may kamag-anak kami. Dahil kay mama, patay na sina lolo at lola ko doon.

Hay! Erase na nga sa love story ng magulang ko. Nakakalanggam na kasi sa pwesto ko eh.

Hindi namin naiwasang dumaan sa madilim na daan. "Anak, dito ka sa tabi namin ng nanay mo." Saad ni tatay kaya naman sinunod ko. Alam ko namang nag-aalala lang sa akin si tatay. Pinagitnaan nila ako habang tinatahak namin ang madilim na lugar na yon. Walang masyadong dumadaan kaya nakakatakot. Mukhang dito madalas maganap yung mga rape. Bakit ba naman kasi ang dilim dito banda?

Habang naglalakad ay biglang may sumulpot na nakaitim na mga lalaki sa harap namin. Nanlaki ang mata ko at napahinto kami nina tatay. Agad na binitawan ni tatay ang buhat nya ng palibutan kami ng limang nakaitim na lalaki. Shete..

"Anong kailangan nyo?" Tanong ni tatay bago kami itago sa kanyang likod. Kahit hindi ngayon ang panahong dapat na magbiro ako, pero sasabihin ko lang na ang astig ng tatay ko ngayon.

"Yung anak mo. Payag ka?" Alam kong nakangisi ang lalaking nagsalita kahit na may takip ang kanyang bibig.

"Anong kailangan nyo sa anak ko?" Takang tanong ni tatay.

"Wala ka ng pakealam don."

"Anak.. pagbilang kong tatlo, tumakbo ka na ha? Humingi ka ng tulong." Bulong sa akin ni nanay. Tiningnan ko naman sya. Nakatingin lang sya sa likod ni tatay. Hindi mababakasan ng takot ang mga mata nya. Yung totoo? Ang wierd ng mga magulang ko ngayon. Ganito ba talaga sila kapresko kapag may kaharap na panganib?

"Pero nay.."

"Sumunod ka na lang, nak. Di ka namin kayang mapahamak ng nanay mo."

Kahit na labag sa loob ko. Sumunod ako kanila tatay. Alam ko namang mas alam nila ang mas makakabuti sa akin. "Tumawag ka ng tulong Kath. Iligtas mo ang sarili mo."

"Nay, paano naman po kayo?" Nag-aalala ng tanong ko. Lalo na nung magsimula na syang magbilang.

"Isa.." seryosong bilang ni tatay.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon