***
Kathryn's POV
Dali dali akong sumakay ng elevator papunta sa 15th floor. Pucha naman kasi eh, ba't ba kasi sa pinakadulo ko pa nahulog yon? leche. Kung sa bungad lang yon, hindi sana ako maghihirap. Akala ko pa naman, mag-eenjoy ako sa paglilibot dito, pero dahil sa isang daang yon, napalitan lahat ng pag-aalala. Bakit ba kasi sa lahat ng mawawala, yun pa? Pwede namang yung kendi ko na nasa bulsa ko. Kahit piso lang yon, mabigat pa rin para sa kalooban kong mawala yon. Kasi naman eh!
Habang nagiintay ay di ako mapakali, alam kong mukha na kong tanga dito pero kasi eh, kailangan ko yung makuha. Isang daan na nga lang laman non ipagkakait pa sakin diba?
Kagat-kagat ko ang kuko ko habang naghihintay na bumukas ang elevator. Palakad lakad din ako sa loob. Daig ko pa ngayon ang nanay na hinahanap ang nawawalang anak sa sobrang pag-aalala.Maya maya pa eh bumukas na din ang elevator kaya dali dali akong lumabas dun upang hanapin kung saan ko ba nahulog yon. Pagtingin ko sa relo ko, SHIT!!!! 9:00 na ng gabi. Pustahan tayo oh, hinahanap na ko sa amin nito. Ayaw ko pa namang pag-alalahanin sina nanay at tatay, baka hanapin pa nila ako. Ayaw ko silang lumabas sa gabi. Masyado ng delikado sa panahon ngayon. Sana lang ay makahanap ako ng lusot neto. O di kaya si Julia, sana masave nya ako. Sana lang talaga..
Habang naglilibot ako may natapakan akong isang bagay at pagtingin ko naman, yung wallet ko pala! Waah! huhuhuhuhuhu! THANK YOU LORD! buti naman at walang kumuha.
'Tanga mo talaga, puro mayayaman dito tapos iisipin mong kukunin nila yang pipitsugin mong pitaka'
Tse!!!!! Manahimik ka dyan konsensya, susulpot ka na nga lang at magsasalita, yung masasakit pa talaga.
Hinalikan ko pa ang wallet ko sa sobrang tuwa. Paulit-ulit din akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil tinupad nya yung wish ko. Nakakatuwa talaga! Aalis na dapat ako kaso pagtingin ko sa paligid , sobrang nakakamangha. Ibang iba ito sa mga palapag sa ibaba. Siguro dito naka-in ung mga kabusiness partner ni Sir Ashton. Sobra talaga nilang yaman, at sobra pang bait.. sila na! Sila na talaga!
Pero sa dami ng pintuan dito sa floor na ito, isa lang ang napukaw ng atensyon ko. Yung kulay Black and white na pintuan. Lahat kasi ng pintuan dito eh color gold kaya sya lang yung naiiba, maski nga yung mga pintuan sa ibaba gold din eh. Kahit iba ang nasa posisyon ko, mamangha talaga sila sa pintuan na yon. Kahit ganoon lang kasimple ang kulay nyon, magandang maganda talaga sya. Mararamdaman mo kung gaano kahalaga ang taong naka-in don, mararamdaman mo din ang kapaangyarihan non. Kung meron nga bang ganon.
Lumapit ako sa pintuang yun kaso natatakot akong buksan baka kasi mamaya may pinapatay sa loob tapos kukunin yung laman nila tapos ibebenta huhuhu! ayaw ko pang mamatay!!
'Isa kang dakilang OA, sa tingin mo pagkakainteresan nila yang katawan mo?'
Ouchhhhh! leche ka talagang konsensya ka alam mo yun? anshaket kaya. Kasama ka sa pagkatao ko, pero grabe ka sa akin.. ginaganyan mo na ako? Ang sama mo na..
Kaso dahil sa isang dakilang makulit ako at nacucurious ako kung ano bang meron sa loob, sumandal ako sa pintuan at tila pinapakinggan kung may patayan bang nagaganap. Kaso bilang isang dakilang malas na tao ngayong araw na 'to, pagkasandal na pagkasandal ko eh biglang bumukas ang pintuan kaya ayun! nakahalumpasay ako sa sahig ngayon. Ang galing.. ang galing galing. Sobrang malas ko.
"Aray ko p****!!!!" sigaw ko pagkabagsak ko sa sahig. Leche ansakit, malay ko ba naman kasing hindi nakalock yung pinto diba? Ansakit tuloy. Di ko kasi muna chineck eh. Yan tuloy napala ko! Ughh! Ang malas malas ko talaga!
At tila kinareer ko na nga talaga ang pagiging malas ko ngayong araw na toh. PAANO BA NAMAN KASI YUNG PINTUAN BIGLANG SUMARA. Mygosshh! goodbye world ko na ba ngayon? huhuhu!
Lord, kung saka sakaling mamamatay po ako ngayon kayo na pong bahala sa pamilya ko, sa kaibigan ko , sa mga--------'Ikaw na!!! Ikaw na ang reyna ng ka- OA- an'
Ano ba naman yan! nakakatatlo ka na ha? isa na lang, masasapak na kita. Ayyyy tanga, pano mo nga pala masasapak amg konsensya.
"Wow!!! Ang ganda dito." lumabas kaagad sa bibig ko nung nakarecover na ako sa nangyari sa akin. Sobrang ganda dito sa loob, ibang iba sa iniisip ko. Puros black and white ang makikita mo dito at sobrang lawak pa, ito atang sala nila eh buong bahay na namin.
"Wow grabe!! Ang ganda ganda dito." bulong ko sa sarili ko habang ineexamine yung mga gamit sa loob ng condo na toh. Ang ganda, itsura pa lang, mamahalin na.
Sino kayang nakatira dito? Siguro, sobrang yaman neto. Pumasok din kasi kami sa isang condo, pero ang pinasok namin ay yung may pintuan na gold. Tanda ko pa kung gaano kalawak yon, kung ilang gamit ang naroroon. At kung gaanon yon kamahal. Pero ibang-iba 'to sa isang yon, kung sobrang lawak na kasi non, dinoble ang lawak non para dito sa kwartong 'to. Kung gaano karami ang gamit don, dinoble din ng dami para dito. At kung gaano kamahal ang mga gamit don, triple ang mga halaga ng gamit dito. Nakakamangha, ang ganda ganda. Para bang isang prinsipe ang nakatira dito. Kung hindi ako nagkakamali, isang napakaimportanteng tao kay Sir Ashton ang nakatora dito. Para ipasadya nya pang iba ang sa kanya. Nakakatuwa dahil marunong talagang magpahalaga si Sir ng isang tao.
Kaso habang nag eexamine ako biglang may sumulpot na lalaki mula sa banyo. Natuon sa kanya ang atensyon ko. At talaga namang nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa kanya. Kasabay ng aking pamumula. Napamaang pa ako dahil sa gulat, napipi ako at biglang nawalan ng boses. Natulala pa ako saglit at hinahanap ang sapat na salita. Napaatras ako ng isa.. at ng isa pa bago mabilisang tumalikod at
dagliang tinakpan ang mga mata ko."Ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!! Bastos ka!!!! magbihis ka bilisan mo!!!!!!" Sigaw ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.
_____________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...