3. How They Meet Part 2.

1.6K 38 2
                                    


***

Kathryn's POV

"AHHHHH!!! BASTOS KA!! MAGBIHIS KA, BILISAN MO!!"sigaw ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"SH*T!" rinig ko namang sigaw nya at ang pagtakbo nya sa kung saan man.

Goshhh!! yung mata ko huhu! Waaah! Sino ba namn kasing hindi magugulat kung makakita ka ng isang lalaking nakatopless at tanging tuwalya lang ang pantakip nya sa ibaba diba? Grabe!!! Yung pandesal nakalantaddddd. Ayyyy lande hahaha. Pero grabe talaga!! tapos yung buhok nya pa basa! Oh diba? sya na HOT...

"Who the f*ck are you?!" Sigaw ng lalaki kanina. Wow ha! Murahin daw ba ako. Wag kayong ano, nakabihis na sya ng black V-neck tapos jeans. Gwapo nya tingnan sa suot nya. Pero yung masama nyang tingin ang nakapagpigil sa aking magsalita. Para na naman tuloy akong napipi ng wala sa oras..

"Hoy!!! kapal neto! Wala kang karapatang murahin ako! Ako nga dapat ang magmumura at magalit eh! Babae ako baka nakakalimutan mo!! Susulpot ka na nga lang bigla sa harap ko, ng wala pang damit! ha! Bastos ka!" Sigaw ko din pabalik sa kanya. Ha! Akala nya ha? Anong sa tingin nya sa akin? Hindi ko sya lalabanan? Porket, gwapo sya? ganon na lang yon? Saan naman ang hustisya para sa amin?

"I don't care about your feeling damn ugly lady! Your the f*cking one entered my room first! And you're saying that you have a right to get mad instead of me?! How dare you!" Napalunok ako ng di oras dahil sa sinabi nya. Hindi dahil natatakot ako sa kanya, kundi dahil mapapasabak ako neto sa English-an. Anak ng ano naman kasi.. sa dami dami ng makakaharap, yung englishero pa?

" Uhmmm.. ehhh... Ano yes--- ayyy! hindi! no pal---- ayyy! oo! Yes!" Matapang na sabi ko sa kanya. Nakita ko namang kumunot ang noo nya at lalong nanlisik ang kanyang mga magagandang mata huhuhu, nakakatakot ung titig nya parang papatay!. Hindi nya siguro naintindihan yung sinabi ko sa kanya kahit naman ako eh di ko rin naintindihan. Pero wag kayo! Marunong akong mag english sadyang tanga nga lang minsan. Kasalanan ko ba yon? Pilipinas kaya 'to, hindi ito USA para mag-english, english ako. Isa pa, nakakanose bleed ang magenglish ng magenglish.

"What the f*uck, Do you mean?!" Kailangan talaga sa bawat magsasalita sya may word na f*ck eh noh. Nakakaintindi naman ako ng maayos na english sentence, ang effort nya dahil nilalagyan nya pa ng bad words. Sya lang ang kilala kong ganyan.

"Pwede ba? wag ka ngang magmura?!"

" And who are you to tell me what should I do?! Your just nothing! Your not even rich!" Sabi nya sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa. Ouchhhhhh! shaket nun ah! Ipamukha daw ba sa akin eh. Ano bang pake neto? Ano naman sa kanya? Kung tingnan nya ako ay para akong isang germs. Sarap sapakin ng gwapo nyang mukha.

"Edi sorry okay? Sorry!" Kahit labag man sa kalooban kong sabihin yan, kailangan ko talagang gawin iyon para makaalis na dito at hindi na makita yang impaktong mukha ng lalaking yan. Nabibwisit lang lalo ako sa kanya. Nakakainis na nakakabwisit! Gwapo nga, napakaano naman ng ugali!

"Tss. Stupid." Sabi nya sabay labas ng kwartong iyon. Syempre sumunod ako palabas pero hindi ko sya sinundan nung nakalabas na ko ng condo nya. Ang galing nya din para tawagin akong stupid? Eh ano namang itatawag ko sa kanya? Sino ba sya? Makasabi syang tanga, parang kilala na nya ako ah? Porket ba sa kanyang kwarto yon, gaganyan-ganyan na sya?

Tatawagan ko nga muna si Julia. Nag aalala na yun, panigurado.

"Hello Bes?"

[GODDDDDDDD HELLO KATHRYN! AYOS KA LANG BA HA?! MAY NANGYARI BA SAYONG MASAMA?! PUPUNTAHAN NA B-----]

Pinigilan ko na sya bago pa mabasag ang eardrum ko sa lakas ng sigaw nya. Napaka OA nya po. Ang sakit sa tenga ng sigaw nya, gabing gabi na din kaya. Nakakapambulabog sya ng tao eh, lakas kasi ng boses.

"OA lang Bes? Ayos lng ako ano ka ba. At wag mo na kong puntahan kasi pauwi na ko"

[Hayyyy, buti naman kung ganon. Kundi konsensya ko pa kapag may nangyari sayo eh.]

"Haha oo nga pala, sila nanay ayos lang ba?"

[Ay naku! wag kang mag alala. Tulog na yung mga yun. Tinawagan ko sila kanina at sinabi ko na pauwi ka na at mauna na silang matulog.]

"Thank you Juls! Sige bye bye na."

[Sige! Ingat ka !muahh muahh! lab you!]

"Hahaha! oo ghe, lab you too."

Pagkababang pagkababa ko ng cellphone kong Nokia na di keypad (pinag ipunan ko yan wag nyong apihin huhuhuhu.) tumakbo na agad akong pababa.

Pagdating ko sa ibaba, dumeretso agad ako sa sakayan. Mahirap maghanap ng sasakyan, gabi pa naman, hayyy. Buti na lng may pamasahe pa ako kundi... NGANGA.. kahit puros malas ang nangyari sakin ngayon, may isa pa rin namang swerte, nahanap ko yung pera ko, isang daan pa naman yon. Makakabili din ako ng ilang choco-choco nyon.

Maya maya pa eh nakasakay na rin ako at di din nagtagal nakauwi na din ako sa amin. Tama nga si Julia, tulog na sila nanay at tatay. Kahit wala pa ako sa mismong bahay namin, tanaw na tanaw ko dito yung bahay namin na nakapatay na yung ilaw kaya madali kong nasabi na tulog na ang aking mga magulang.

Binuksan ko ang pintuan ng dahan dahan para hindi magising sila tatay at buti naman eh success! Tahimik akong umakyat papunta sa aking kwarto at success naman din. Oo! May kwarto ako wag nyo kong apihin ang sama ninyo sa akin. ~T_T~ dalawa lang din naman ang kwarto sa bahay eh, nag-iisa lang din naman akong anak. Saka, hindi naman kami gaanong mahirap. Yung sakto lang, hindi kasi kami umaabot sa puntong nagdidildil sa asin. Ang sisipag kaya ng mga magulang ko. Ang swerte ko nga sa kanila.

Maglilinis muna ako bago ako matulog. Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin, humiga na ako sa kama ko. Banig lang ho yung sapin kung tatanungin nyo, hahaha, kama na lang para mas magandang pakinggan hahahaha. Malamig din kayang humiga sa banig. Try nyo, masarap kayang matulog dito.

"Sino kaya ung lalaking yon? Kung makapag salita akala mo kung sinong mayaman eh." bulong ko sa sarili ko bago ako nakatulog.

_____________________________________________________________________________________

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon