***Kathryn's POV
1 oras na akong nag aantay dito sa school. Napapagod na din akong mag hintay. Pupunta pa ba sila? Pumunta ako gaya ng sabi ni Daniel. Akala ko naiintindihan na nila yung kalagayan ko kaya nya ako pinapunta dito. Pero pinagtitripan nya lang pala ako.
"Haha. Umasa ka kasi," sabi ko sa sarili ko sabay punas ng tumulong luha galing sa mata ko. Ayaw kong umiyak ng dahil lang dito pero tuwing sumasagi sa isip ko si nanay at tatay... at ... at ang pangarap naming lahat. Lumulubog yung puso ko. Feeling ko hindi ko na matutupad yung pangarap nila sakin. Ang sakit lang sa pakiramdam. Mukhang ako na lang talaga ang gagawa ng project na ito. Kahit mahirap, kakayanin ko. Ang drama ko no? Ganyan talaga eh..
Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad palayo sa school. Sa tuwing naiisip ko na hindi nila ako sinipot, sumasakit yung dibdib ko. Ganito pala yung pakiramdam ng pinaasa? Tho hindi naman ako pinaasa tungkol sa LOVE pero pinaasa ako tungkol sa project. Pareho pa rin yun.
Habang naglalakad ako pakiramdam ko may sumusunod sakin. Kaya binilisan ko na lang yung lakad ko dahil masama ang kutob ko dito. Unti unti na din akong nakakaramdam ng takot. Ayaw kong lingunin kung sino ba ang sumusunod sa akin dahil ayaw kong makita yung pagmumukha nya. Pero narinig ko yung footsteps nya na papalapit sa akin kaya lalo kong binilisan. Pero naririnig ko din na bumibilis yung footsteps nya.
God!! ako nga talaga yung sinusundan nya!! Ano ng gagawin ko ngayon?! Magsisimula na sana akong tumakbo kaso nahawakan nya yung braso ko. Nagulat ako syempre pero hindi ako makasigaw kasi tinakpan nya yung bibig ko gamit yung panyo. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Malay mo yung panyo may halong pampahilo katulad ng napapanood ko sa TV.
Wala na akong choice kundi lumaban kung gusto ko pang mabuhay. Hinawakan ko yung kamay nyang nakahawak sa bibig ko. Pinaikot ko yun hanggang sa makawala na ako sa kanya. Pinaikot ko pa yung ng isang beses kaya nakatalikod na sya sakin habang sumisigaw. Pinulupot ko yung paa ko sa binti nya para siguradong hindi sya makawala.
"Ahhhh! Shit!!! Ang sakit!!" nabitawan ko din naman agad sya nung narinig ko ng maayos yung boses nya. Naitulak ko sya palayo sakin kasi nasaktan ko sya. Baka... baka magalit sya sakin tapos gantihan nya ako sa school.
"L-l-lester?" Oo si Lester yung muntik ko ng balian ng buto kanina. Malay ko ba na sya pala yun dahil ginulat nya ako. Hindi pa rin sya tapos kakadaing ng masakit dahil nakikita ko yun sa expression ng mukha nya. Mukhang napuruhan ko nga sya ng sobra. Eh sa ginulat nya ako eh!
"Uyy. Ayos ka lang ba? Hindi ko sinasadya.. patawad.."
"G-grabe ka. Hindi ko akalain na marunong ka palang lumaban." sabi nya nung nakarecover na sya sa sakit. Inayos nya naman yung damit nya na medyo nagusot dahil sa kanina bago sya humarap sakin.
"Sorry. Hindi ko naman alam na ikaw yun eh."
"Ang sakit nun ah! Buti pala hindi kita binuhat kundi mas malala pa yung inabot ko.." medyo natatawa pa ako sa reaksyon nya ngayon kasi hindi pa rin sya makapaniwala. Hahaha. Di naman kasi talaga kapani-paniwala na yung binubully sa school na hindi marunong lumaban eh lumalaban sa labas ng school.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit mo ko sinusundan?"
"Remember yung usapan?" Oh. So yung about dun pala. Medyo bumalik yung inis ko sa kanila dahil pinagintay nila ako sa wala. Medyo naging seryoso din yung reaksyon ko nun kaya nagulat si Lester sa inasal ko. Ngayon nya lang kasing nakita akong ganun kaseryoso. Kadalasan kasi mukha akong katawa-tawa o di kaya kaawa-awa. Di ko sya masisisi kung nagulat sya nung makita nya yung ganito kong side.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...