***
Kathryn's POV"Ano ba?! Tingnan mo nga yung dinadaanan mo!"
"Sorry, sorry.."
Ayysst! Andami ko ng nababanggang tao. Nandidito ako ngayon sa hallway.... tumatakbo. Hinahanap ko kasi si Daniel. Matapos kong malaman lahat kagabi, gusto ko syang makausap kasi gusto kong magpasalamat sa kanya. Kaso hindi ko sya makita kanina pa. Inagahan ko yung pagpasok ko para hindi ako maabutan ng maraming tao kaso naabutan pa rin ako. Kaya marami akong nababangga. Napakabig deal naman sa kanila kapag nababangga ko sila, parang may sakit ako na pwedeng makahawa kung makapandiri sila kapag nasasangga ko yung katawan nila. Mga mayayaman nga naman oo. Ang layo ng ugali ni Julia sa kanila.
Back to the topic na nga lang. Hinahanap ko pa rin hanggang ngayon si Daniel. Ang hirap hanapin nung lalaking yun! Saang lupalop ba sya nagtatago?!
Sa di kalayuan naman eh nakita ko si JC na naglalakad kaya hinabol ko sya. Nung naabutan ko na sya, hinawakan ko yung braso nya para makaharap sya sakin. Pagkaharap nya sakin, medyo nagulat pa sya pero tinaasan nya rin ako ng kilay sabay tingin sa kamay kong nakahawak sa braso. Shit!! Saka ko lang narealize yung ginawa ko!! napatingin ako sa paligid at tama nga ang hula ko. Nakatingin silang lahat sakin na para bang may ginawa akong krimen. Lalo na yung mga babae. Ano pa bang aasahan ko? Hinawakan ko lang naman ang isa sa member ng SHAYDON na pinakasikat at pinakakinatatakutan sa buong campus.
"Close na tayo? Agad agad?" Tanong nya sakin sabay smirk. Napaka talaga neto eh.
"Hindi noh! Ano... hinahanap ko lang si Daniel." medyo hininaan ko lang ang boses ko para hindi marinig ng iba. Marami ang nagbubulungan tungkol sakin pero di ko na lang pinansin. Hindi naman sila ang pakay ko eh. Kahit ang sasama ng tingin nila na parang gusto na nila akong mamatay sa kinatatayuan ko ngayon, tinanong ko na kaagad si JC para makaalis na din ako dito.
"Anong kailangan mo kay Kyle?" Kyle? Ahhhh yun yung second name ni Daniel. Nakalimutan ko. Hindi naman kasi sya masyadong tinatawag sa Kyle eh.
"Magpapasalamat lang ako..."
"Bakit ka naman magpapasalamat sa kanya? Tinulungan ka ba nya?"
"Basta! Ang dami mong tanong. Saan na ba kasi sya?" ang kulit din nitong si JC. Kitang mamamatay na ako dito dahil sa mga titig ng fans nya tapos tanong pa sya ng tanong.
"Woooyyy, Remember kung sino ang kinakausap mo." sabi nya na naman sabay smirk. Eh nang aasar lang 'to eh!
"Oo na po... Asan na po ba kasi si Daniel?"
"Yan. Dapat ganyan. Hahaha nasa Dark Sky Building."
"Sige. Salamat."
Pagkatapos kong malaman yun kay JC. Tumakbo na ako kaagad. Mamaya ko na haharapin yung mga fans nya. Pustahan naghahanda na sila ng pwedeng gawin para ipahiya ako.
Habang papunta ako sa Dark Sky Building, hindi ko maiwasan ang mapag isip. Bakit sya nadodoon? Ang alam ko, yun yung office ng presidente/Dean ng school which is sir Ashton. Well, anak naman sya ni sir Ashton pero ang sabi nila, hindi ka daw pwedeng pumasok doon kapag hindi ka importante. Kaya mga importanteng tao lang ang nakikita ng mga taong pumapasok doon. Malaking building ang DS. Nakahiwalay sya sa mismong school. Puros black and white yung building na yun. Nakakatakot talaga yun lalo na kapag gabi, dagdagan mo pa na Dark Sky yung pangalan ng building na yun.
Pagkatapak ko pa lang sa building parang gusto ko ng bumalik. Nakakatakot! Ang lamig ng hangin dito tapos ang tahimik pa. Take note! Umaga ngayon ha! Umaga! Naglakad na lang ako ng mabilis. Dulo pa daw yung pinakamain office ni sir kaya malayo pa ako. Bakit kasi ang layo? Natatakot na tuloy ako. Nung malapit na ako, nakita ko namang may lumabas sa isang kwarto na siguro ay yung office na. Pagtingin ko sa lumabas, si Daniel pala. Teka? TEKA!! SI DANIEL NGA!!
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...