***A few days later..
Kathryn's POV
"Tagal mong nagbakasyon bruha ka! Almost three days? Anyare?" Bungad agad ni Genemy pagkapasok ko sa room.
"Wala naman.."
"Hoy Kath! Alam mo bang hindi kami mapakali dito kakahanap kung saan saan ka nagsusuot?! Akala namin kung ano na ang nangyare sayo. Kung hindi pa sinabi sa akin ni tita na nasa mabuti kang kamay, baka nalibot na namin 'tong buong pilipinas! Kaya may utang ka sa aming kwento!" Nakapameywang na sigaw ni Julia sa harap ko.
"Oo na, oo na." Pagkasabi ko non ay pinalibutan agad nila ako ng upuan. Excited lang? "Naospital kasi ako kaya hindi ako nakapasok. At wag nyong subukang sumigaw." Pangunguna ko, dahil panigurado kong sisigaw sila, sasabayan pa nila yan ng kalampog at tayo. Ang o-oa eh.
"Anyare ba sayo?! Bakit ka naospital?! Sinong nagdala sayo don?!" Mahinang sigaw ni Cristine. Bakas sa mga mata nila ang pagaalala kahit takpan nila yon ng kunyaring galit-galitan.
"Mahabang kwento."
"Edi simulan mo ng ikwento ngayon!"
"Tinatamad pa ako eh," kitang kita ko kung paano sila manlumo. Hay. Matitiis ko ba 'tong mga 'to? Isa pa, namiss ko din sila. Wala kasi akong nakausap maski isa sa kanilang lahat nung nasa ospital pa ako. Kaya naiintindihan ko kung ganito ang reaksyon nila. "Pero may nalaman ako.." pambibitin ko. Dali dali ay inilapit nila ang kanilang mukha sa mukha ko kaya napaatras pa ako ng kaonti. Creepy. "Lumayo nga kayo sakin!" Mahinang sigaw ko.
"Hindi." Sabay sabay nilang saad. "Sabihin mo na." Pagpupumilit nila.
Napabuntong hininga ako bago nagsalita. "Hindi pala shota ni Daniel si Clyre.."
"Eh ano nya yon? Asawa?"
"Hindi rin.. kapatid nya si Clyre."
"Paano nangyari yon? Ang buong akala ko ay nagiisang anak lang si Daniel? Paano sya nagkaroon ng kapatid? Isa pa, halos magkasing-edad lang sila." Naguguluhang sabi ni Sofia. Nagkibit balikat lang ako. "Hindi ko rin alam."
"Yun lang ba ang sasabihin mo?" Intriga ni Julia. Bigla namang nanlaki ang mata ko bago ko itinulak ang mukha nyang sobrang lapit. "Aish!"
"Namumula ka Kath." tukso ni Genemy. Waaa! Paano ko na sila tatakasan ngayon? Sasabihin ko ba sa kanila? Pero, tutuksuhin lang nila ako ng tutuksuhin. Maiingay pa naman ang mga bunganga ng mga 'to. Nakakatakot sabihan ng sikreto! "W-wala 'to. Mainit lang." Palusot ko, pero mukhang hindi umubra sa kanila dahil pinaningkitan nila ako ng mata.
"Sabihin mo na, may nangyari noh? Ano yon?"
"A-ano kasi.. ano.. diba may program ngayon? Tara, punta na tayong gym!" Nagmadali agad akong tumayo at naglakad paalis. Naramdaman ko namang sumunod sila sa akin. Nakahinga ako ng maluwang nung hindi na sila nagtanong pero nandodoon pa rin ang nagtataka nilang tingin. Sasabihin ko din naman sa kanila na nililigawan ako ni Daniel. Pero hindi pa ngayon dahil hindi pa ako sure kung totoo yung sinabi nya. Umalis kasi sya nang matapos ang paguusap namin. Kinabukasan ay binisita nya ako pero sandali lang, tapos hindi na nya ako binisita non. Si Clyre na lang ang dumadalaw sa akin, maski kasi ang SHAYDON ay hindi na din nagpakita.
"Paano yan Kath? Hindi ka nakapagpractice, edi hindi ka nyang sasayaw mamaya." Sabi ni Julia pagkaupo namin sa bench sa gym. Madami dami na din ang tao. Excited silang lahat dahil nga sa SHAYDON. Ngayong araw ding 'to ay wala kaming pasok. Yun ang sabi ng Dean. "Oo, kaya mo naman na yon eh." Nakangiting saad ko. Ngumuso naman sya.
"Nakakainis ka kasi eh! Wala ka tuloy mamaya. Halos oras oras pa naman ay may number ang dance club, tapos hindi tayo kumpleto. Pangit non!" Kaya siguro wala si Daniel at ang SHAYDON dahil inaasikaso nila ang numbers ng dance club. First time ito kaya dapat ay bongga. "Paguran pa kaya yung pagpapapractice dahil gusto ng SHAYDON ng perfect! Paulit-ulit kami alam mo ba yon?"
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...