12. Now I know...

1K 26 0
                                    


***

Kathryn's POV

1 linggo......

1 linggo na akong nabubully....

Walang may balak tulungan ako kasi natatakot sila kay Daniel..

Alam ko namang si Daniel yung may dahilan kung bakit ako nabubully. Kahit hindi sya mismo ang nangbubully sakin, alam kong sya ang nag uutos. Iba yung sa kanya, pero syempre, iba din doon sa ibang fans girl nya. Mas mabuti pa yun kasi iba daw kapag si Daniel na mismo ang mangbubully sayo o yung SHAYDON. Kasi hindi mo daw kakayanin.

Sa loob ng isang linggo... hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ako tinulungan ni Daniel doon sa mga lalaking muntik na akong sagasaan. Kung bakit nya ako pinigilan na sugurin sila. At hindi ko din alam kung ano bang meron doon sa mga lalaking yun... kung bakit ayaw nya akong padaanin doon.. Oo na! Assuming na ako... pero kasi hindi mo maiiwasang isipin yon eh.

Hayssst tama na nga! Baka nagkataon lang talaga.

BTW, nandidito ako sa likod ng school. Yung parang garden. Naging favorite spot ko na din 'to eh. Dito ako pumupunta kapag hindi ko na kaya yung mga pangbubully nila. Si Julia? Wala sya eh. Sumunod sya sa mga magulang nya. May aasikasuhin lang daw sya doon. Hindi ko sinasabi sa kanya yung mga nangyayari sakin dito. Baka kasi mamaya, lumipad sya pabalik dito sa pilipinas. Knowing her...

Aalis na sana dapat ako ng may narinig akong biglang nagsalita..
Hinanap ko yung boses at may nakita akong isang tao na nakasandal din sa isang puno.
May kausap sya sa cellphone nya,  pero kilala ko yung likod na iyon! Kay DANIEL IYON!!

Pero bakit sya nandidito??

Nacurious naman ako bigla kaya lumapit ako para makinig sa pinaguusapan nila. Hindi naman sya tsismosa ako ha? Nacurious lang ako..

"Yeah.. I don't want to.... I want a strong one......tss.... I don't want to waste my time with them...... money??......... I don't need that
..... I have more..... bye." ano naman kayang pinaguusapan nila. At sino yung kausap nya?
Makaalis na nga baka mahuli nya pa akong nakikinig. Tsk.

"Are you listening?" Kakasabi ko lang eh. Nahuli agad ako.

"H-h-a-a? H-hindi a-h!!" Ba't ako nauutal? Baka mahalata nya ko!

Inirapan nya lang ako at naunang umalis na. Hooooo! akala ko mahuhuli ako. Buti na lang, hindi nya ako naisipang saktan. Mukhang bad mood pa naman sya.

Bumalik na lang ako sa room ko kasi magsisimula na din naman ang klase. Syempre habang papunta ako sa room, may nambubully sakin. Hindi ko na lang sila pinapansin para hindi na din lumaki ang gulo..

Sakto naman pumasok na din si Sir Allies. Teacher namin sa science. At syempre, huli na namang pumasok ang SHAYDON. Tss. Duga nga eh! Pinapabayaan lang sila!

Tuloy tuloy lang silang pumasok sa room. Tss. Mga walang modo talaga. Pinagpatuloy na rin naman ni Sir yung tinuturo nya. Pero itong katabi ko? Hindi na naman nakikinig. At yung katabi nya.... nilalandi na naman sya kaso wala talagang pakealam etong isa. Kawawa naman si Cherry. Crush na crush pa naman nya si Daniel.

Sakto namang nagpa quiz si Sir.
Kaso hindi ako nakinig! Nakatulala kasi ako dito sa dalawa eh!

Bakit ngayon pa?! Kung kailan talaga hindi ako nakinig? Huhuhu. Ano ng gagawin ko?

Pinasa na ni Sir yung mga tanong. Nang napasa na lahat, sinimulan na din namin ang pagsasagot. Lahat sila nagsasagot na sa papel nila habang ako nakatulala lang sa hawak kong papel. Pakshet!! Ang hirap ng mga tanong!! Matalino ako, oo.
Pero kapag hindi ako nakinig, wala talagang pumapasok sa utak ko. Hindi din ako nagbasa kagabi kaya wala na talagang pag asa.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon