***Kathryn's POV
Napapikit ako ng mariin habang nakatingala sa kalangitan. Madilim na sa labas at unti unti ng dumarami ang mga bituin.
Pero hindi non napapagaan yung loob ko.
"Zack.." Humarap ako sa kanya. Nakapamulsa lang sya at hinihintay akong magsalita.
Kanina matapos nyang kumanta, hinila ko sya palabas. Hindi ko kaya 'to. Kaibigan ko sya at ayaw kong makasakit ng tao.
"Zack.. sorry.." Sinserong sabi ko sa kanya. Gusto ko pa nga sanang lumuhod kung pwede lang. "Sorry Zack.. sorry.." Naiiyak ako. Naiiyak ako para sa kanya. Bakit ba kasi ako pa?
Lumapit sya sa akin. "It's okay.." Pinunasan nya yung luhang tumulo sa mata ko. "Hindi mo kasalanan kung ikaw ang nagustuhan ko."
Napailing ako. "Pero nasasaktan kita.."
"Di mo kasalanan na ikaw yung minahal ko Kath." Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "Sya pa rin, tama?"
Tumingin ako sa mata ni Zack. Nakangiti sya pero sakit yung makikita mo sa mata nya. At nasasaktan din ako kapag ganon. "Zack.." Wala akong masabi kundi yung ang pangalan nya. Natatakot ako na makapagsabi ng salitang makakasakit sa kanya.
"He's very lucky to have you." May binulong sya pero di ko narinig. "Alam mo bang masakit para sa akin na nakikita kang nasasaktan?"
Biglang lumambot yung mata ko. "Zack.. please.. wag mo ng pahirapan ang sarili mo.." Naiiyak na talaga ako!
"Oh, it looks like you're rejecting me, again?" Halaaa?! Bakit may again? Nireject ko ba sya dati?!
"We can still be friends." Mabuting kaibigan si Zack. Sobra. Ayaw ko yung maapektuhan. Ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin. Napakaswerte kong naging kaibigan ko sya. At kapag nawala sya, pagsisisihan ko talaga yon.
Ngumiti sya ng malungkot. "Hindi talaga ako mananalo sa kanya pagdating sayo." Sabi nya sa mahinang boses. "Pero mananalo naman siguro ako sa kanya sa ibang laban."
Bigla nya akong hinila sa isang yakap. Nagulat ako doon. "I love you." Sobrang lungkot ng boses nya at nasasaktan ako doon. "But this battle is not mine." Lumayo sya sa akin.
Tiningnan ko sya. "I'm sorry Zack.. napakabuti mong kaibigan. Sa totoo lang, kung walang Daniel, siguro ikaw ang nagustuhan ko. Pero merong sya eh." Malungkot na sabi ko. "Hindi ko alam kung paano mo ako nagustuhan.. akala ko nung umalis ka, ginawa mo yon para makalimutan ako. Hindi mo deserve ang masaktan kaya hinihiling ko na sana.. sana.. sana mahanap mo na yung tao para sayo."
Nagkibit balikat sya bago malakas na bumuntong hininga. "Sa tingin ko, matagal pa bago mangyari yan," Ngumiti sya. "Mahirap kang palitan."
Zack naman! Wag mo akong paiyakin!
"Ipaglalaban pa ba kita kay Daniel?" Nakangiting tanong nya sa akin.
Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya bago sunod sunod na umiling. "Please Zack.. please ayaw ko ng gulo. Ayaw kong magkasakitan kayo. Nakikiusap ako, kung ano man ang pinagaawayan nyo, sana itigil nyo na. Ayaw ko kayong masaktang dalawa.. Kasi nasasaktan din ako eh."
"Alright," Lumapit sya sa akin. Nagulat ako ng bigla nya akong halikan sa noo. "Salamat sa mga araw na pinaramdam mo sa akin na masayang mabuhay," Tiningnan nya ako sa mata. "Hindi ka mawawala dito." Sabay turo nya sa dibdib nya. "At saka, tungkol sa hiling mo, susubukan ko.. susubukan kong pigilan ang itinakdang mangyari."
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...