44. I Love You.

1.3K 30 6
                                    


***

Katsumi's POV

"Ah, Boss," tawag ko. "Boss." Tawag ko ulit. "Bossing!" Pangatlong tawag ko pero wala pa rin. "Taena.."

"Nung problema mo, Luixon?" Kalabit sa akin ni Lester. Napakamot naman ako ng ulo bago ituro si bossing na nakaupo sa swivel chair nya. Nandidito kami sa kanyang office sa school, tumatambay. Akala ko pa naman, magiging masaya yung pagtambay ko dito, nakakaboring pala dahil walang inatupag si Daniel kundi ang kanyang cellphone. "May pagkaadik na din pala si Daniel sa cellphone ngayon? Bakit hindi ko alam?" Takang tanong ni Lester. "At ngumingiti pa... baka naman magshota sila nung cellphone nya." Saad nya habang sinisilip pa ang mukha ni Daniel. Kunot-noo ko syang tiningnan bago binatukan. "Aray!"

"Kahit kailan, ang tanga mo Hoelin!"

"Ano na namang ginawa ko?" Tanong nya habang hinihimas ang kanyang ulo. Napangiwi na lang ako. "Aish!"

"Ang ingay nyo." Seryosong saad ni Seth habang nakacross-arm pa.

"Sya kasi eh!" Sumbong ni Lester. Bigla ay tumaas ang isa kong kilay sa sinabi nya. "Anong ako?!"

"Tama na.. kayong dalawa talaga.. tsk tsk." Pag-aawat ni JC sa aming dalawa ni Lester. Binigyan ko sya ng masamang tingin, nagkukunyari naman syang hindi nya nakita.

"Ano ba kasing nangyari dyan kay Daniel?" Tanong ni Lester. Tanga talaga.. hindi pa rin magets? Ang alam ko ay nandodoon sya nung maging magshota si Kath at Daniel ah?

"Katext si Kath malamang. Si Kath lang naman ang makakapagpangiti ng ganyan sa kanya eh." Sabat ni Diego. Isa pa 'to, porket nakakaporma na ulit sya doon sa ex nya, ang gaganda ng ngiti. Muntimang.

"Wala pa bang ibang binibigay na misyon si tito sa atin, Kyle?" Tanong ko at sa wakas ay tumingin naman sya! Pero hindi na sya nakangiti. "Wala pa." Sabi nya bago ibalik ang tingin sa kanyang cellphone. Hindi ba sya napapagod kakapindot? "Bakit hindi mo na lang sya tawagan?" Suggest ko dahil nagpapakahirap syang magpipindot-pindot dyan kung pwede namang tumawag. Atlis yon, hindi sya mahihirapan. Talino mo talaga, Katsumi. Tsk tsk.

"Bawal. May klase sya." Okay, matalino ka pa rin. Haha.

"Inlove na inlove ah? Ganyan ka pala mainlove?" Asar ni Diego kay Daniel. Tiningnan naman sya nito bago nginisian. Tangna, nagiba nga 'to!

"People change.. especially when they are inlove." Aba! Gumaganyan na si bossing! Bago 'to ah! Pero.. napaisip ako bigla. Paano na yung misyon? Paano na si Kath? Masyadong maganda ang ngiti ni Daniel para sirain ko, pero kailangan ko syang paalalahanan. Ang sekreto nila ang dahilan kung bakit ayaw nyang magkagirlfriend noon.. maaari kasing mapahamak si Kath.

"Daniel, paano yung misyon?" Tanong ko, o more like ay pagpapaalala ko. Ang kaninang nakangiti nyang labi ay biglang nawala. Sabi ko na nga ba eh! dapat hindi ko na lang sinabi! Bumalik na naman tuloy yung seryosong nyang tingin. Napahinto din sya sa pagpipindot at napatingin ng deretso sa mata ko. Napalunok ako dahil sa seryosong nyang mukha. "Pinapaalala ko lang, wag mo naman akong patayin sa sama ng titig mo." Kinakabahang pahabol ko. Narinig ko namang tumawa sina Lester sa aking tabi. Taenang yan! Nagawa pa nila akong tawanan?! Ibinalik ko na lang ang buo kong atensyon kay Daniel. Napailing sya bago ilapag ang cellphone sa kanyang mesa.

"I will protect her, no matter what." Nasa malayo ang paningin ni Daniel habang nagsasalita. Nakapahalumbaba at bahagya pang nakakunot ang noo. "Walang pwedeng lumapit, humawak, mang-angkin sa pagmamay-ari ko. Dahil kapag nangyari yon, papatayin ko sila.. nang walang pag-aalinlangan."

"Pero Kyle, paano yung Dark Guild? Baka nakakalimutan mo na sila ang pinakaproblema natin. Bumalik ako dito para ibigay ang impormasyong nakalap ko mula sa Lambord. At dadating ang panahon na pupunta tayo doon.. na iiwan mo si Kath, kung hindi mo sasabihin sa kanya ang lahat, masasaktan mo sya, Kyle." Saad ni Diego.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon