30. Base

1.3K 37 5
                                    

***

Kathryn's POV

"Gaga talaga nung Cherry na yun eh! Sasampalin ko talaga sya ng bonggang bongga kapag nagkita kami! Naku! Wag lang syang magpapakita sa aking bruhilda sya! Ilalampaso ko talaga yung mukha nyang puno ng kolorete sa magaspang na pader parang mukha nya lang, MAGASPANG!"

"Maghunos-dili ka nga Genemy, dinaig mo pa si Kath eh. Tingnan mo nga sya oh, tulog pa rin tapos ikaw sumasabog na dyan sa galit."

"Eh basta! Kakatayin ko talaga yang Cherry na yan! P*@$% sya! Mamatay na syang gaga sya!"

"Tama na nga yan Genemy, baka magising pa si Kath eh."

Nagising ako dahil sa narinig kong ingay. Hindi ko maimulat ang mata ko dahil ang bigat pa rin ng aking pakiramdam, pero alam ko kung kanino galing ang mga boses na yon. Unti unti kong inimulat ang aking mga mata para masilayan ko sila. Tumambad agad sa akin ang mga nag aalalang mukha. Gusto kong matawa pero alam kong seryoso sila ngayon eh. Kakatouch.

"Mga gaga! nagising tuloy sya!" pangaral ni Sofia kanila Genemy na hindi na maipaliwanag ang mga mukha dahil parang paiyak na sila habang nakatitig sa akin. Nakahawak pa sila sa kanilang bibig para mapigilan 'kuno' ang kanilang hikbi. Pigil na pigil na ang tawa ko ngayon dahil sa reaksyon nila, pero mahal ko pa ang buhay ko dahil baka tuluyan ako ng mga to kapag ginawa ko yon. Ang o-oa po nila.

"Kath! Kath! Ayos ka lang? Masakit pa ba yung mga sugat mo? Gusto mo bang kami na lang ang maggamot sayo? O gusto mong dalhin ka na namin sa Hospital? Ano Kath? Sagot Kath!" Tuloy tuloy na tanong sa akin ni Julia habang niyuyugyog ako.

"Teka lang, masakit!" Daing ko kaya napabitaw sya sa paghawak sa magkabilang braso ko at napatigil din sa pagyuyugyog sa akin. "Paano ko masasagot yung mga tanong mo eh sa dami non." Saad ko kay Julia pero sumimangot lang sya sabay punas ng luha nya. Sunod namang lumapit si Genemy habang nakakagat sa kanyang labi at pilit pinipigilan ang kanyang luha. Seriously? Bakit ang o-oa ng mga kaibigan ko?

"Kathy... ayos lang ba ang pakiramdam mo? Kailangan mo ba ng yakapsul at kisspirin mula sa akin?" Tanong nya sabay punas ng tumulong luha mula sa mata nya. Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya napatawa ako ng malakas dahilan para kumunot ang kanilang mga noo. Grabehan ang pag-aalala nila sa akin! Abot hanggang langit! "Guys.. ang sabi ni Nurse Car sa katawan nya lang daw sya napuruhan ng husto.. hindi naman ako nainform na pati pala sa utak meron." Napatigil ako sa kakatawa dahil sa sinabi ni Cristine na nakatahan na din ngayon. Hindi naman ako baliw eh! Nakakatawa lang talaga yung mga itsura nila. "Nurse Car?" Tanong ko sa kanila na nakaupo na sa kama kung saan ako nakahiga. Umayos na din kasi ako ng upo kaya nakaharap ako sa kanilang apat na nakatingin sa akin.

"Sya yung Nurse dito. Sya yung nag-alaga sayo habang w-wala k-kami." Sabi ni Julia bago sya umiyak ulit. Alam ko namang nag-aalala sila sa akin pero kung makaiyak sila, akala mo pumatay ng tao eh. "Uy Juls! Nyare sayo? Sa inyo pala. Bakit kayo iyak ng iyak?" Tanong ko sa kanila pero patuloy pa rin sila sa pagiyak. Ganito ba nila ako kamahal?

"Sorry Kath.. wala kami kanina. H-hindi ka namin naipagtanggol. Kung n-nandodoon lang sana kami..*sobs* w-wala ka sana ngayon dito at hindi ganyan ang lagay mo." Paghingi ng tawad sa akin ni Sofia na sinang-ayunan naman ng tatlo. Sinisisi ba nila ang sarili nila?

"Guys.. ayos lang, okay? Wag nyong sisihin ang sarili nyo. Ayos na ako, medyo masakit pa ng konti ang katawan ko pero ayos na." Pagpapahinahon ko sa kanila na tumalab naman. Ngumiti ako sa kanila para ipakita na ayos lang talaga at wala silang kasalanan. Napangiti naman sila at medyo gumaan naman din ang kanilang pakiramdam. Ayaw kong sisihin nila ang sarili nila dahil ako naman talaga ang may kasalanan. "Kapag nakita ko talaga yang p%@&$  Campus queen na yan, dodoblehin ko ang ginawa nya sayo!" Galit na saad ni Cristine kaya pinigilan ko muna sya.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon