39. Confused

1K 25 0
                                    


***

Kathryn's POV

Nakakunot ang noo naming tiningnan si Julia matapos nyang pumasok at dere-deretsong umupo sa tabi ko. Ganon din ang reaksyon nila Genemy at ng iba pa naming kaklase. Maliban sa SHAYDON na hindi ko sigurado kung napansin ba nila si Julia dahil wala naman silang pakealam sa paligid nila.

Pagkaupo nya sa upuan ay bahagya syang yumuko. Kinakalikot ang mga daliri na animo'y hindi mapakali. Nagtaka kaming apat sa iniasta nya. Isang oras syang nawala matapos magpaalam na magbabanyo tapos ganito namin sya makikita pagbalik. Balak ko na nga sanang puntahan sya kaso hindi ako pinayagan ng prof kanina dahil may activity.

Nagpapakiramdaman kami nina Cristine kung sino ang unang magsasalita. Masyadong tahimik si Julia at wala man lang lumabas na salita sa bibig nya simula pa kanina. Ano ba ang nangyari sa kanya sa banyo? Wala namang masamang nangyari diba?

Nag-aalala kami ng sobra sa kanya. Higit na ako dahil ako ang bestfriend nya. Gusto kong magtanong kung bakit ngayon lang sya pero hindi ko magawa dahil alam kong may mali. Bihira sya maging ganitong katahimik kaya nasisiguro kong may nangyari. Hindi pa kami nakakarecover kay Julia nang biglang bumukas ang pinto at niluwal non si Diego. Prente syang lumapit sa SHAYDON. Umupo sya sa tabi ni Daniel at nakisalo sa pag-uusap ng kanyang kagrupo. May nangyari kaya? Bakit sila halos sabay na pumasok?

"Wag mong ipakitang mahina ka. Hindi ka ganito, Julia." Mahinahon kong bulong sa kanya habang dahan dahang hinihimas ang likod nya. Nag-angat sya ng tingin at ganoon na lang ang gulat namin ng makita syang mugto ang mata na halatang galing lang sa matinding pagiyak! "Jusko! Ati! Nyare sa iyong fes?! Ang tyaka mo na day!" Mahinang singhal ni Genemy na dali daling lumapit kay Julia at yakapin ito. Nilinga ko ang paligid kung may nanonood ba sa amin pero laking pasasalamat ko dahil may kanya kanya silang ginagawa at pawang hindi kami nakikita. Tinuon ko na lang ulit kay Julia ang paningin ko.

"Ang sakit para sa aming kaibigan mo na makitang kang ganito.." malungkot na saad ni Sofia. Tiningnan sya ni Julia at umiling iling.

"W-wag.. k-kaya ko." Mahina nyang sabi sabay kalas ng yakap kay Genemy at pinunasan ang kanyang luha.

"Anong nangyare teh?" Nagaalalang tanong ni Genemy. Hindi ko na sya nakitang umiyak. Huli lang nung iniwan sya nung boyfriend nyang hindi ko naman nakita. Pasalamat din yung lalaking yun at hindi kami nagkakilala.. kundi, bawat pagkikita namin, may bangas sya sa mukha. Tumingin sa akin si Julia at naiintindihan ko kung ano ang ibig sabihin ng tingin nyang yon. "Mamaya.. ikekwento ko sa inyo.. lahat." Aniya sabay ngiti pero patuloy pa rin sa pagpupunas ng luha.

Masaya ako ngayong nagtitiwala na si Julia sa taong nakapaligid sa kanya. Alam kong magkekwento sya kanila Genemy. Gusto kong ikwento nya yung nakaraan nya kahit na masakit. Pero ang ipinagtataka ko, bakit sya umiiyak? Tulad nga ng sinabi ko.. huli ko syang nakitang ganitong umiyak ay nung iniwan sya ng nobyo nya.. hindi kaya..

No..

No way..

***

Maagang kaming pinadismiss ng prof kaya may oras pa kami para magkwentuhan. Niyaya agad kami ni Julia sa likod ng school. Umupo kami sa damuhan at pumusisyon ng pabilog. Lahat kami ay nakaharap at naghihintay kay Julia na magkwento. Hindi pa gaanong gabi at hindi pa naman uwian kaya hindi pa kami makalabas sa school. Nandito kami para pakinggan ang kwento ni Julia. Walang masyadong tao sa pwesto namin at tahimik sapat na para maging komportable kaming lima. Muli ay tumulo ang luha nya. Niyakap naman agad sya ni Cristine, inabutan ng pamunas ni Genemy at hinagod ni Sofia. Hinayaan lang namin syang umiyak. Napangiti ako dahil sobrang swerte kong nakahanap ako ng bagong kaibigan.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon