70. He's back.

891 18 0
                                    


***

Kathryn's POV



"Uy gurl, sabay ka na sa akin."


"Sis, dito ka na lang."


"Sa kotse ko na lang ikaw Kath."


"Ako na maghahatid sayo."


"Samahan na kita pauwi."


Napangiti ako ng palihim at pilit pinipigilan ang pagtawa dahil sa tuwa. Nakakatuwa ang mga itsura nila, naguunahan pa talaga sila sa pagsasalita at bawat isa sa kanila determinadong makuha ang sagot ko kung kanino ako sasabay.

"Hindi na.."

"Hindi ka namin maiiwan dito ng wala kang kasama." Nagaalalalang sabi ni Cristine.

"Tama sya, Kath. Pumili ka na lang kahit sino sa amin," saad ni Sofia.

Umiling ako. "Magpapasundo ako kay lolo." Ngumiti ako sa kanila.

Kita ko namang medyo nawala yung pagaaalala nila.

"Sige, dito na lang muna kami. Sasamahan ka naming maghintay." sabi ni Julia kaya napatingin ako sa kanya.

"Sige na, umalis na kayo." Pagtataboy ko. Pero mukhang mahirap mapapayag ang mga 'to. "Guys, hindi naman ako lumpo diba? Kaya ko na 'to. Baka nakakalimutan nyo kung ano ang kayang kong gawin?"Natatawang sabi ko.

Nagkatinginan naman silang lima bago ibalik ang tingin sa akin. "Oh sige," Pagsuko ni Cherry.

"Text mo kami Kath ha?"

Tumango ako habang nakangiti. "Sige ba," Sumakay agad sila sa kanya-kanya nilang mga kotse.

"Wag ka munang magpapakamatay gurl ha!" Sigaw ni Genemy kaya natawa ako.

"Sira! Hindi ko gagawin yon!" Paano ko sya makikita ulit kung magpapakamatay agad ako? Babawiin ko pa nga sya eh..

Pinanood kong umalis ang mga kotse ng mga kaibigan ko. Nang hindi ko na iyon matanawan, nagsimula akong maglakad palabas ng school.

Nagsinungaling ako. Kaninang umaga, tumanggi ako kanila lolo na magpahatid. Alam nilang gusto kong mapagisa kaya pinayagan nila ako. Ewan ko lang kung may sumususnod ba sa aking tauhan ni lolo, pero alam ko namang may tiwala sya sa akin.

Gusto ko lang talaga mapagisa muna. Simula kahapon, hindi pa ako nakakapagisip ng maayos. Hindi ko pa nakakausap ang sarili ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nararamdaman ko.

Gabi na kaya madilim na ang kalangitan at malamig na ang simoy ng hangin. Marami ding sasakyan ang dumadaan. Gabi na kasi ng matapos ang practice. Marami din kasing mga estudyanteng pasaway kaya natagalan kami.

Si Clyre naman, hindi ko na talaga sya nakita pagkatapos ng paguusap namin sa CR. Siguro ay nagpakita lang sya sa akin para kausapin ako. Sana makita ko sila sa Graduation. Kahit na sinabi na nyang hindi sila makakapunta. Sana pumunta sila, sana nandom sya. Gusto ko syang makita sa huling pagkakataon. Pero alam kong imposible. Mamaya na ang alis nya. At malapit na ang Graduation kaya imposibleng makapunta pa sya kahit na gustuhin ko.

Gusto ko mang puntahan sya sa mansyon, alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin. Hindi ko kayayanin na panoorin syang lumayo sa akin. Natatakot ako na kapag nakita ko ang mukha nya, magmumukha na naman akong mahina.

Gusto kong maging malakas. Katulad ng dati. Kasi nung malakas ako, nakilala ko sya. Baka kapag naibalik ko ang ganong Kathryn, magkita ulit kami.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon