***Kathryn's POV
Nang makaipon na ako ng lakas ay agad akong nagpumilit na kumawala sa bisig nya. Laking pasasalamat ko ng magtagumpay ako. Kinakabahan, namumula kong hinarap sya na prenteng nakatayo at dereksyong nakatingin sa akin. Ngunit pinagsisihan ko lang ang paglingon ko sa kanya. Para akong isang manyak na pinapasadahan ng tingin ang kanyang katawan. Napapalunok at nanlalaki ang mata.
"This body is all yours baby, but stop staring like.. like that." Napatingin ako kay Daniel ng magsalita sya. Nakatingin sya sa akin at kalmadong nagsasalita. Pero parang nahihirapan sya sa bawat salitang binibitawan nya habang nakatingin sa kabuuan ko. "Ang hirap magpigil." Naging husky ang boses nya sa huling sinabi.
Nanlaki naman ang mata ko sa kanyang rebelasyon. "Anong bang pinagsasabi mo?" Natataranta kong tanong.
Umiling sya bago lumapit sa akin. "Nothing.." hinalikan nya ako sa noo bago tumalikod at pumasok sa isang pinto. Sa walk-in closet nya.
Nang mawala na sya sa harap ko ay saka lang ako nakalanghap ng hangin. Para kasing nawala yun kanina! Napapapikit kong tinuon ang kanyang kama. Dahan-dahan akong umupo doon habang iniintay na matapos sya. Sa isang iglap lang, nawala yung gutom ko. Nakita ko lang yung abs-- este si Daniel, nawala bigla.
"Hey," napaangat ako ng tingin kay Daniel na nakatayo sa harap ko habang pinupunasan ang kanyang ulo ng twalya. Nakajeans na sya na black tapos long sleeves na navy blue na tinupi nya hanggang siko. Simple lang pero ang gwapo nyang tingnan. Bakit ba masyado akong pinagpala at naangkin ko ang lalaking 'to? Aaminin kong hindi din naman ako masyadong mabait dati, pero grabe ang pagpapala sa akin ng Diyos. "Hindi ka pa pala bumaba?" Umupo sya sa tabi ko kaya medyo umurong ako.
"Inaantay kita." Nakangiti kong saad habang nakatingin sa mukha nya.
Itinabi nya ang twalya matapos iyong gamitin. Kinuha nya ang kamay ko bago iyon paglaruan. "Namiss mo ko agad?" Nakangisi nyang saad. Napaismid naman ako dahil don.
"Aakyatin ba kita dito kung hindi?" No use na din naman kung tatanggi pa ako.
"So clingy baby," hinila nya ako sa isang yakap. Dahil hindi ko yon napaghandaan, bumagsak tuloy ako sa dibdib nya. "But I like it."
Napairap na lang ako habang nangingiti. Nakasandal pa rin ako sa dibdib nya at paniguradong hindi nya nakita ang aking pagirap. Ang dating seryosong Daniel na kilala ko, sobrang sweet pala? Ang dami na nga naming kinikilig kahit nakapoker face sya, lalo pa kaya kapag naglambing na, magtatalon-talon ka talaga sa tuwa.
***
Nagpalinga-linga ako sa loob ng office ng aming Dean. Ang alam ko si Sir Dave ang Dean ah, bakit kaya nagiba? Matanong ko nga si Daniel mamaya.
Nakaupo ako sa chair na nasa tapat ng table ni Dean. Wala pa sya sa office. Kaya inaantay ko na lang. Katulad ng sinabi ni Daniel, dumaan muna kami dito sa Ashton High bago ang date namin kuno. Hinatid nya ako dito sa loob at sabi nya ay aalis daw muna sya. Hindi naman nya sinabi kung saan, hindi din naman ako nagtanong. Goodluck na lang sa kanya kapag may nakakita sa kanyang palaboy-laboy sa school.
Mabuti na nga lang dahil lahat ng estudyante ay nasa kanya-kanya ng classroom nung pagdating namin. Kundi, mahihirapan kami sa pagpasok. Sabi pa naman nila Julia, inaabangan daw talaga nilang lahat ang pagbabalik namin.
Pero syempre, dahil nga sa gwapo ang boyfriend ko at matagal na syang sikat. Pustahan kapag may nakakita sa kanyang estudyante na nagpapalaboy-laboy doon sa labas, dadami yon at dudumugin sya. Baka nga pati teacher eh makiosyoso din. Iba din ang kamandag non eh. Hindi nga lang sila makalapit kay Daniel dahil natatakot sila dito. Pero kung makatitig naman ang iba eh akala mo hinuburan na sya sa utak nila.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...