***Kathryn's POV
Bago pa sya makahakbang ng isa ay tumayo ako kaagad. "Joke yon diba?" Naluluha akong humarang sa harap nya.
Iniwas nya ang tingin sa akin at timingala ulit.
"Daniel.. j-joke yon, diba?" Pag-uulit ko pero hindi pa rin sya sumasagot. "A-alam kong n-nagbibiro.. ka.." Nanlambot ang tuhod ko ng magtama ang tingin namin.
"I'm serious." Determinado ang boses na saad nito.
Napaiyak kaagad ako sa simpleng salita nyang yon. "Makikipagbreak ka na?" Sana bawiin mo.. sana bawiin mo, please.. tatanggapin kita ulit, bawiin mo lang yon.
"Oo." Seryosong aniya. "Tapusin na natin 'to."
Hindi ko na kinaya. Napaupo ako dahil sa panlalambot ng aking tuhod. Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko. Ang sikip ng dibdib ko at parang hindi ako makahinga.
Masakit.
"P-please.." Umangat ako ng tingin kay Daniel na lumuhod bigla sa harap ko at mabibigat ang paghinga. "D-don't.. don't be like this, Kath." Nahihirapang tugon nya habang nakatitig sa mukha ko.
Napahagulhol ako lalo. "M-mahal mo ko diba?" Mahal nya ko eh. Mahal nya ko!
"Mahal kita." Siguro nagkamali lang ako ng pandinig kanina na gusto nya ng makipagbreak sa akin. Siguro na mali lang sya. Hindi talaga sya makikipagbreak. Mahal nya ako at alam kong hindi nya ako kayang iwan!
"B-bakit.. bakit ka nakikipagbreak?" Pumiyok ako. Hinang hina na ako para makapagsalita pa.
"Mahal kita.." Hinawakan nya ang pisngi ko. "Fvck.. God knows how much I love you!" Pinunasan nya ang nagbabanyang luha sa kanyang mata. "Tangina. Kung pwede lang Kath. Kung pwede lang. Matagal na kitang tinanan. "
"Bakit ka makikipagbreak?"
"Mahal kita."
"B-bakit ka makikipagbreak?"
"Mahal kita.."
"Anong dahilan?"
"Mahal kita..."
"Daniel, ano nga kasi ang dahilan mo?!" Napasigaw na ako sa sobrang inis. Inis na may pagkahalong pagkalito. Gusto kong malaman! gusto kong malaman kung bakit nya gustong tapusin 'to! gusto kong malaman yung dahilan nya! "Sabihin mo sakin! May karapatan akong malaman kung ano ang dahilan mo! May ginawa ba akong masama?! Sabihin mo! Sabihin mo at baka sakaling maayos ko pa 'to!"
"Fvck!" Napamura sya ng malutong. "Tangina, basta mahal kita!" Napatayo sya kaya napatayo din ako.
Hindi ko sya makapaniwalamg tiningnan. "Mahal mo ko.." Umiyak ako sa harap nya. "Mahal mo ko.. pero ayos lang sayong tapusin natin 'to?"
"Hindi mo kasi naiintindihan.." Tila nahihirapan ng pagpapaliwang nya.
Biglang uminit ang ulo ko. "Pwes, ipaintindi mo!" Sigaw ko sa pagmumukha nya. "Ipaintindi mo para maintindihan ko! Ipaintindi mo para naman may alam ako! Ipaintindi mo lahat sakin Daniel! Girlfriend mo ko! Girlfriend mo ko eh! Girlfriend mo ko pero bakit parang wala akong alam sayo?"
"Hindi ko kayang sabihin sayo ang dahilan kasi ayaw kong mawala ka sakin." Sinsero nitong saad. "I don't want to loose you, Kath."
"Sa t-tingin mo.." Hindi na ako makahinga ng maayos dala ng pag-iyak ng husto. "Sa tingin mo, sa ginagawa mo ngayon hindi ako nawawala sayo?"
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...