***
"MAGPALIT KA! ANO BA YANG SUOT MO?! YUNG BINILI NATIN YUNG SUOTIN MO! BILIS!"
Pasensya na po kayo. Nakataas na po yung red flag nya. Ewan ko ba dito, meron ata to ngayon at kanina pa naiirita sa mga pinagsusuot ko. Ano ba kasing problema nya sa suot ko??
"Julia! ano bang problema dito sa suot ko? Normal naman ito ah?"
"Anong normal? Nasisiraan ka na ba? long sleeves tapos pantalon? Sasayaw ka bes!! Mag-aaudition ka para sabihin ko sayo! Hindi ka mamamalengke!" Grabehan naman si Julia. Laitin daw ba yung suot ko eh.
At tama yung nabasa nyo. Ngayon na yung audition sa dance club at pati na rin sa ibang club. Pinayagan ng school ngayon na wala munang pasok para sa mga clubs.
At required din ang kahit anong gusto mong suotin! Kaya itong magaling kong kaibigan, pinapasuot ako ng mga damit na nakakasuka! Pramis! Para atang makikita yung kaluluwa ko sa mga pinagpipili nya eh!
Nakabihis na kasi sya kaya ako yung ginugulo nya. Nakasuot sya ng white na spaghetti strap tapos pinatungan nya ng blazer na hanggang dibdib. Nakashort din sya at parang nakarubber shoes pero mas bongga tingnan yung sa kanya kasi may heels. Nakabraid sya tapos nakalight make up. Ang ganda nya in short. Bagay na bagay sa kanya ang maging dancer.
"Ito! Ito ang susuotin mo! Kaya bilis magpalit ka na!!" Sabi nya sabay taas sa damit na nahanap nya. Literal akong napanganga. Seryoso sya!! Ang ikli ng short na yun!
"Magsa-cycling ka sa loob para di ka makitaan kaya wag kang masyadong OA. Hindi din naman ganoong kaiksi to eh!"
Wala na din akong nagawa kundi ang isuot iyon.
Pagkatapos kong isuot yun, lumabas na din ako kaagad. Humarap sa akin si Julia at ngumiti. Umirap na lang ako.
"Edi mas bagay!"
Nakablack na sando ako ngayon na medyo maluwang. Malamig din sya sa katawan kasi cotton yung tela. Short na white ang pang ibaba. Nakablack na cycling naman ako sa loob kaya medyo komportable. Tapos checkered na jacket na pinulupot sa bewang ko. Pinasuot nya din ako ng black na boots.
Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin ng kwarto nya. Napangiti ako na konti. Nagmukha ulit akong dancer. Namiss ko na din yung pagsasayaw!
"Matunaw yung sarili mo dyan ah!" Inirapan ko na lang sya at umupo sa kama nya. Ang sabi nya kasi, mas maayusan nya daw ako kapag nandidito kami sa bahay nila. Wala din dito sila tita nung dumating kami. Nasa business yun panigurado.
Tiningnan ko yung wall clock. 6:00 na. 7:00 yung start. Matagal tagal pa.
"Huy! Hindi mo aayusan yang sarili mo? Ayusan mo na dali! Para makita ko na yung SHAYDON!" Napairap agad ako sa kanya. Ganoon ba sya kabaliw sa SHAYDON?
"Ba't ka ba baliw na baliw sa kanila ha? Wala namang masyadong espesyal sa mga yun." Sabi ko sabay suklay ng buhok ko. Iipitan ko na lang ito ng braid banda sa gilid, medyo...... as in medyo kinulot ko ng kaunti yung buhok ko para mas maganda tingnan.
"Anong wala? Para sabihin ko po dyan sa kokote mo na sobrang espesyal sila! Hindi lang dito sa bansa natin kundi sa ibang bansa din! Napansin mo naman dba? Ang daming nagkakandarapa sa kanila na mga babae. Ang dami pa nilang pagmamay ari. Tapos may mga utak din sila lalo na si Daniel. Kinakatakutan din ang SHAYDON sa lahat. Kaya nga nung nalaman ng school na babalik na sila, dahil almost 1 year silang nawala, hindi na magkadaugaga yung mga babae. Kahit mapalalaki eh. Ngayon, sabihin mo sakin kung hindi pa ba sila espesyal nyan?"
"Bakit ba kasi sila kinatatakutan? Akala mo naman papatayin sila ng mga yun kapag binangga nila eh." Sabi ko kay Julia na hindi nakatingin sa kanya. Nakaupo sya sa kama nya at nakatingin sa akin. Nakikita ko din naman kasi sa salamin. Malaki yung salamin nya sa kwarto eh.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...