***
Third Person's POV
Nakasakay na sa kotse ni Daniel si Kath. Pinaandar nya naman agad ito dahil gabi na din, masyado silang napasarap sa kanilang 'date'.
"Alam mo, hindi naman pala masama sayo ang ngumiti." Biglang sabi ni Kath habang nakatingin kay Daniel. Tiningnan lang sya saglit ni Daniel bago ibalik ang tingin sa daan. Napabuntong hininga na lang si Kath bago umayos ng upo at tumingin sa labas. "Gwapo, gwapo, sungit masyado. Tsk tsk." Bulong nya ngunit narinig naman iyon ni Daniel. Sa di malamang dahilan ay napangiti sya, hindi nya lubos maisip na mapapasaya sya ng babaeng kinaiinisan nya.
"Gusto mo bang malaman kung bakit hindi ako ngumingiti palagi?" Tanong ni Daniel kay Kath ngunit ang kanyang tingin ay nasa daan pa rin. Kunot-noong tumingin si Kath sa kanya. "Bakit naman? Dahil nahihiya ka?"
"No.."
"Trip mo lang?"
"No.."
"Di ka sanay?"
"No.."
"Eh ano?"
"Dahil palagi ko ding nakikita yung mukha mo." nakangising sabi ni Daniel. Nagets naman agad iyon ni Kath kaya halos umusok ang ilong nya dahil sa pagkabanas kay Daniel. Buti na lamang ay nakapagtimpi sya.
"Ahh, kaya pala! Kaya pala napangiti kita ngayon! Napatawa pa nga eh! Pasalamat ka nga, dahil enjoy na enjoy ka kanina at dahil yun sakin!" Pagmamalaki ni Kath kay Daniel. Tumingin si Daniel kay Kath na ngayon ay nakataas ang kilay sa kanya. Ngumiti sya dito at halos malaglag na ang puso ni Kath doon. "Ayy, shete!" Bulong ni Kath bago iniwas ang tingin kay Daniel. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya dahil sa ginawa ng binata.
'Simple lang pero nakakainlove.'
"I know.. nakapagpasalamat na din naman ako ah." sabi ni Daniel bago ipark ang kanyang kotse dahil nakarating na sila sa kanyang mansyon. "But still, hindi lang naman ikaw ang unang babaeng nakapagpasaya sa akin." saad nya pa bago lumabas ng kotse nya.
'Ouch.' bulong ni Kath sa sarili. Pero humabol pa rin sya kay Daniel. Nakita nya itong papasok na sa loob ng kanilang mansyon kaya dali dali nya itong hinabol. "Atlis, kahit hindi ako ang una, ako naman ang pangalawa!" Nakangiting sabi ni Kath ng mahabol na nya si Daniel at sinabayan nya pa ito sa paglalakad. "Hindi din ikaw ang pangalawa." Sambit ni Daniel. "Edi pangatlo! Oh, sure na ako doon!" sigaw ulit ni Kath, napailing na lang ng ulo si Daniel dahil sa kakulitan nya.
"Sir Kyle!"
"Manang.. bakit po kayo nagmamadali?" Tanong ni Daniel kay manang Marcy na nakatayo sa kanilang harapan at malaki ang ngiti nito. "Nandidito na po kasi ang bago nyong bantay!" Masayang banggit ni manang ngunit hindi iyon kinakitaan ng interes ni Daniel.
Ayon sa napagkasunduan ni Kath at ni Kylie, dalawang araw lang syang mamamalagi sa bahay nila at pagkatapos noon ay may bagong bantay na ang papalit sa kanya.
Akmang aakyat na si Daniel ng biglang nagsalita si manang. "Hindi mo ba sya kikilalanin, iho?" Tanong ni manang kay Daniel. Tumingin si Daniel sa kanya bago bumuntong hininga.
"Manang, look. I'm not a kid para magkaroon pa ng bantay. Why do mom still thinking that I can't take care of myself?" halatang may pagkahalong inis na tanong nito. Medyo nagulat naman si manang Marcy dahil sa inasal ni Daniel ngunit napangiti din agad ito.
Nung si Kath kasi ang magbabantay sa kanya ay hindi man lang sya nakitaan ng pagkainis, pero ngayong iba na, inis na inis na sya. "Kahit man lang silipin mo?" Tanong ulit ni manang. "I'm not interested." Walang emosyong wika ni Daniel kaya naman napabuntong hininga na lang si manang.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...