37. Kyxis

1.1K 25 0
                                    

***

Kathryn's POV


K I N A B U K A S A N


Dahan dahan kong kinapa ang cellphone ko na nasa table na katabi lang ng kama ko. Nakapikit kong hinanap yun gamit ang kamay ko. Nang mahanap ko na ay dali daling kong kinuha kasabay ng pagdilat ng isa kong mata.

5:00 am.

'Tss. Aga ko namang nagising.'

Kahit tamad na tamad akong bumangon ay bumangon pa rin ako. Binuksan ko ang ilaw bago ako magstretching.

"Goodbye, Ashton Mansion." Naiusal ko habang hinihikab pa.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Yung maleta ko ay nakapatong sa kama dahil don ko yun nilagay kagabi bago ako matulog. Maayos naman na at malinis kaya hindi ko na kailangang mag-alala.

"Sa wakas! Makakauwi na ako!" Sigaw ko habang nakangiti. Pero may parte sa katawan ko na malungkot. Bakit ka naman malulungkot Kath?? Tsk.

Dali dali kong kinuha ang towel at saka pumasok sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay agad din naman akong nagbihis ng damit. Inayos ko lahat ng gamit ko at muli ko pa iyong chineck kung saka sakaling may naiwan. Nang masiguro kong wala ng naiwan ay saka ako umupo sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko at napagdesisyunang itext si Julia.

Compose message.
To: Julia

Uyy! Sabay tayong pumasok nila Cristine.. antayan tayo sa gate..

SENT!!

Inilapag ko ang cellphone sa tabi ko bago sinimulang patuyuin ang aking buhok. Aaminin kong mamimiss ko itong bahay na 'to. Lalo na sila manang at Mrs. and Mr. Ashton kahit pa na sabihin mong panandalian ko lang silang nakilala.

Hindi ko mamimiss si Daniel. Tss. Araw araw ko naman yung makikita eh.

~BZZTT! BZZTT! BZZTT!~

Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang nagvibrate yon.

One message from Julia.

'Gising na sya? Aga pa ah.'

Message received.
From: Julia.

Sige! Namiss ka naming bakla ka!

Hahahaha! OA..

Compose message.
To: Julia

Ganon? Pano ba yan.. di kita namiss..

Pangaasar ko pa sa kanya.

Message received.
From: Julia

Gaga! Pinagpalit mo na kami ah!

Compose message.
To: Julia

Wag ka ng OA. Kita na lang tayo.. para di ka na magtampo, sige.. namimiss ko na rin kayo.

Ibinaba ko na ang cellphone ko at hindi ko na yon tiningnan. Nakakatamad magpipindot pindot ngayon. Magkikita naman kami eh, at saka mangungulit lang naman yun.

Pinagpatuloy ko ang pagaayos ko sa sarili ko ganon na din sa mga gamit ko.

Nakakapagod din ang paninirahan ko dito ah.. di din biro yung pinagdaan ko..

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon