"MANAAAAAAAAAAAANG!!! AYON HO SYAAAAAAAAAA!" Tamad na tamad kong pinanood ang mga maids na kumakaripas ng takbo simula kanina pa para lang mahabol ang isang bata. Na hanggang ngayon ay hindi pa nila nahuhuli. "Jusko kang bata kaaaaa! Keylux please stop! Kapag talaga ikaw nahuli ko-- nakuuuuuu! Nanggigigil ako sayo eeeh!" Palihim kong itinakip ang aking kamao sa aking bibig para makatawa ng hindi nahahalata ng babaeng nakapameywang sa harap ko at mukhang stress na stress na.
Pero hindi gumana ang pagpapanggap ko dahil nahalata nya pa rin iyon. Lumipat sa akin ang tingin nyang iritang irita. At mas lalo pa syang nairita nang makita ang ginagawa ko. "Anong tinatawa-tawa mo dyan ha, Daemiel? Prenteng-prente ka dyan ah! Eh kung tumulong ka kaya sa paghuli sa makulit na batang yon! Kayo talagang dalawa- ughhh! Nanggigigil na koooo!" Naipikit ko ang isa kong mata dahil sa kaingayan nya. "Nae-stress na kooooo! Hoooo!" Padabog syang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Ramdam ko ang paglubog ng couch dahil sa biglaang pag-upo nya. Natatawa ko syang pinagmasdan.
Lomolobo na ang kanyang pisngi sa sobrang inis. Halos mamula na din ang kanyang mukha dahil kanina pa sila nagtatakbuhan. Pawis na pawis sya kahit na malakas ang aircon dito sa loob. Napasmirk na lang ako. Hindi talaga sya uubra kay Keylux kahit kailan.
"You need to relax.." payo ko. Tiningnan nya ako ng masama at inihinto ang pagpapaypay sa sarili. Pinihit nya ang kanyang katawan paharap sa akin.
"Alam mo ikaw! Alam mo namang ikaw lang nakakapagpatino doon sa batang yon pero bakit di mo kami tinulungan?! Walang hiya kang bwiset ka!" isinangga ko ang aking braso nang simulan nya akong hampasin ng throw pillow. Natatawa ako habang pinagmamasdan ang inis na inis nyang mukha.
"I'm a prince, you know.. it's not my job." Kaya nga nandidito sila manang kasi sila ang aasikaso kay Keylux, sya lang talaga ang nagpapahirap sa sarili nya.
Hininto nya ang paghampas sa akin. Inirapan nya ako bago umayos ng upo. "Anong tingin mo sa akin katulong? Hell, sa pamilya natin, ako lang ang prinsesa nyo." Mataray nyang sagot. Nagkibit-balikat ako.
"Yes, you're a princess. Pero dahil dyan sa stress mong mukha, nagmumukha ka ng katulong."
"It is because I'm doing my job as her ate!" depensa nya. Nakaturo pa sa hangin ang kanyang kamay. "And you! Kapatid ka din nya pero hindi ko dama." umirap sya sa akin.
"Let Keylux enjoys life, Kate. He's too young. Kapag lumaki na sya, hindi na nya magagawa ang mga ganyang bagay."
"You have a point." Kumalma sya pagkatapos. "Okay fine, you win this time."
"Palagi naman akong nananalo.."
"Ha! Yabang ah? Excuse me, natatalo din po kaya kita minsan!"
"Dahil pinagbibigyan kita non."
"Wow naman! Napakahangin mo naman! Di ka bagay maging prinsipe, chupi!"
"Matalino lang talaga ako, Kate. Admit that.."
"Anong tingin mo sakin di matalino? Isang kaltok gusto mo?"
"Hindi ako nagsabi nyan.."
"Shut up, Klyx. Susumbong talaga kita mamaya kanila dad!"
"Go on.. palagi ko namang kakampi si dad."
"Shut up with your kayabangan!"
Ngumisi na lang ulit ako sa kanya bago buksan ang television namin. Sobrang laki ng television dito sa loob ng palasyo. Kaya madalas 'tong pagtripan ni Keylux eh.
"Kuyaaaa! Why they keep on following me?!" Tiningnan ko ang maliit na bulilit na humarang sa pinanonood ko. He is five years old pero ang dami na nyang alam. I swear. "Am I a criminal?" nakangusong tanong nya sa akin.
Napatingin ako kay Kate ng maibuga nya ang kanyang iniinom bago tumawa ng malakas. "Hahahaha! Laughtrip kang bata ka!"
Ngumuso sa kanya si Keylux. "Why? What's funny, ate?" masungit nitong tanong pero nakanguso pa rin.
Umiling-iling si Kate bago tumingin sa mga maids na nakatayo lang banda sa gilid. Nakahilera sila at nakayuko. Nginitian sila ni Kate. "Maraming salamat po, pwede na po kayo ngayong magpahinga." agad na nagsialisan ang mga katulong nang sabihin iyon ni Kate. Yumuko muna sila at nagpaalam bago umalis.
Somehow, I like this palace. Wala kasing ilangan ang mga tao dito sa loob. Close kaming lahat dito. Yun kasi ang gusto ni mom. She don't want them to treat us super special. Ang gusto nya lang ay iyong sakto lang. May paggalang pero walang ilangan.
"You're not a criminal, kiddo.." Ginulo ko ang buhok nyang nakaayos. Kahit na ilang laro na ang nalaro nya, napapanatili nya ang sarili nyang malinis. "Kaya ka nila hinahabol kasi ang baho mo na. You need to take a bathe. Malapit ng dumating sila dad, aalis tayo after non." Sabi ko kahit na hindi naman talagang totoong mabaho na sya.
Naaawa na din kasi ako kay Kate. Kanina pa sya habol ng habol pero wala namang napapala. Ako lang ang nakakapagpaamo kay Keylux. Ako lang ang sinusunod nya maliban kanila mom and dad. Hindi sya masyadong attach sa ibang tao pero madali syang pakisamahan. Ewan ko lang kung bakit hindi gumagana si Kate sa kanya. Sila ang madalas na magkaaway dito sa loob.
"Okay, kuya!" Bumalik ulit ang sigla nya. Ngumiti sya sa akin ng malawak bago ako halikan sa pisngi. "I'll go upstair. Bye kuya! Bye ate, bleeeh!" Natawa ako nang dilaan nya muna si Kate bago kumaripas ng takbo papunta sa itaas. Pigil na pigil naman ang isa dito sa sarili bago pa sya tuluyang mainis.
"Yung batang yun talagaaa! Nakakasubok na sya ah!"
"He's just a kid. Calm your ass, Kate
""Yeah, whatever."
Napailing na lang ako bago ulit bumalik sa panonood. Paulit-ulit kong inililipat ang channel dahil wala akong makitang magandang palabas. Paulit-ulit lang kasi ang nakikita ko sa news. Nakakasawa na rin.
"Malapit na namang magpasukaaaan!" Nanlulumong reklamo ni Kate. "Back to hell na namaaaan!"
Napailing na lang ako. Obviously, Kate is a lazy ass.
"Kung ayaw mo ng pumasok, edi huminto ka." ke-simple lang eh.
"Duh! Prinsesa ako 'no!" Obvious naman. "Saka mahal ko yung school naten! Ang nakakainis lang.. YUNG PAMUMUNO MO!" Muli na naman nya akong pinalo.
What did I do this time?
"Alam mo, Klyx.. ang gwapo mo sana eh.. matalino. Pero may sapak ka sa utak! Wala kang kwenta mamuno! Kung ano-anong patakaran ang pinatutupad mo na wala namang kinalaman sa school!"
Ginulo ko ang buhok nya. "I do that for the sake of many." Uhm.. perhaps.
"Sake of many?! Baliw ka ba?! Eh dahil nga don maraming umiiyak eh!"
"Kaya ko nga yon ginawa eh. Para matuto maging matapang."
"Pwe! Panget mo! Hindi naman ganyan sina daddy ah!"
Excuse me? Haha. Sa pagkakaalam ko malandi si dad noon.
"Alam mo Klyx.. sobrang maling paglaruan ang puso ng isang tao." Pangaral nya sa akin. "Kapag talaga dumating ang panahon na babaliktad ang mundo mo, makikita mo talaga.." Binato ko sya ng throw pillow kaya nagsimula na naman syang magsisisigaw.
"It doesn't concern me anymore." Paulit-ulit nya ng sinasabi sa akin yan.
Mali ba talagang paglaruan ang pag-ibig kung mabuti naman ang pakay mo?
__________________________________________________________________________________________________
Here's their full name..
Klyx Daemiel Ashton.
Kate Dexryn Ashton.
Keylux Devon Ashton.
And yes.. Magkakapatid sila. Mga anak sila ni Kath and Daniel.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...