Part 9.2. Is Real.

1.2K 24 1
                                    

***

Kathryn's POV


"Ano ng real score sa inyo?" Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti. Nakatingin ako sa mga kaibigan kong kunot na kunot ang noong nakatingin sa akin at tila inip na inip na sa paghihintay ng sagot ko.

"Ha?" Parang baliw kong tanong kahit na narinig ko naman ang tanong nila. Napaface palm sila sa akin.

"Gustong gusto kitang batukan gaga ka." Inis na saad ni Cristine.

Napanguso ako. "Ano ba kasi yon?" Nakangiting tanong ko.

"Baliw na 'to.. tinatanong kung ano yung tinatanong natin pero kung makangiti wagas." Sabi ni Cherry. Napanguso ulit ako sa pangalawamg pagkakataon. Masama na bang ngumiti ngayon?

"Yung totoo Kath? Anong nangyari kagabi?" tanong ni Sofia.

Umiling ako. "Walang nangyari kagabi ah.."

"Kagabi bago kami pumasok sa kanya-kanyang kwarto, nakita kong pumunta si Daniel sa kwarto mo. Nagising ako ng alas dose, pero naririnig ko pa rin ang boses nya mula sa kwarto mo kaya alam kong hindi pa sya nakakauwi. Yung totoo? Anong kababalaghan ang ginawa nyo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Julia. Anong.. Talagang straight to the point?!

"Ano bang kadumihan yang naiisip mo Juls?! Virgin pa ko!" Depensa ko sa sarili ko. My ghad! Kilala ko sya eh! Alam kong may ibang bagay ng tumatakbo sa isip nya. Ay hindi lang pala sa kanya, sa kanila!

"Mabuti na ang sigurado bakla.." Napapatangong sabi ni Genemy. Siningkitan nya ako ng mata. "Sa modernong panahon ngayon, hindi imposibleng ginawa nyo na yon." Umirap sya sa akin. Huhu.. Bakit hindi nila ako pinaniniwalaan?

"Malaki ba Kath?" Biglang tanong ni Cristine. Napanganga ako sa gulat sa naging tanong nya.

"Ano bang--!"

"Nasukat mo ba?"

"Pwede ba tigilan--!"


"Nagkasya ba?"


"Mali ang iniisip--!"


"Masarap naman ba ang first time?"




ASGFDJKL! T***! BAKIT ANG DUDUMI NG ISIP NILA?! PUTEK! ANO BA YON? TAENA! MALING MALI ANG MGA INIISIP NG MGA 'TOOO!


"NAKAKADIRI KAYOOO!" Sigaw ko. Napahinto naman sila kakatanong at sabay sabay na tumawa. Tingnan mo, matapos akong pagtripan, tatawanan ako ngayon.

"Haha, pero seriously.. kayo na ba ulit?"

Napayuko ako habang namumula ang aking pisngi. Nakagat ko na naman ang labi ko. Hindi ko alam kung anong meron sa amin. Wala naman syang sinabing liligawan na nya ako o ano. Malabo ang namamagitan sa amin pero ang gaan ng pakiramdam ko. Kahit na wala kaming label, feeling ko akin na sya ulit dahil sa nangyari kagabi.

Pero wag kayo ah! Totoong virgin pa ako! Nag-kiss lang naman kami non eh. Wala kaming ginawang kaanuhan kagabi hindi katulad ng iniisip ng mga babaeng 'to.

"Nag-kiss kayo 'no?" agad na nanlaki ang mata ko sa naging tanong na lumabas sa bibig ni Julia. Pinanlakihan ko sya ng mata pero ginaya nya lang din ako. "Oops, wag kang magsisinungaling sa amin. Kilala kita Kath." Pagpigil nya sa akin ng akmang magsasalita na ako.

Wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanila ang nangyari. Pero hindi lahat ah! Lalo na dun sa part na ano.. na ano.. basta yung medyo sensitive! Lalo lang kasi nila akong aasarin eh!

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon