Part 4.2. Is it nice?

981 24 3
                                    

***

Daniel's POV




Isang bar ang napiling puntahan nila Zack na pagtatambayan namin. Hinayaan ko na lang na sila ang mamili. Itong bar na napili nila ay desente. Kahit naman ako ang namamahala dito, hindi ko naman maiaalis ang mga negosyong tulad ng bars. Dito din kasi ako nagsimula. Well, isa din ito sa mga dahilan kung bakit kami nagkakilala.


Mabuti na lang dahil iba 'tong bar na napili nila. Hindi kasi katulad sa ibang bar na malayo palang ay rinig na rinig mo na ang mga wild na tugtugan. Dito sa bar na 'to, may mga tugtog pero iyong masarap pakinggan. Maayos din na nakaset ang mga upuan at ang dim na light ay bumagay sa theme ng bar na 'to. I salute the owner of this bar. Kung sino man sya, maganda ang pagkakagawa nya.


Hindi mo nga mahahalatang bar 'to kung hindi lang mga alak ang siniserve nila.


Busy-ing busy sa pag-uusap ang mga kasama ko sa table namin. Nakailang alak na ang naorder namin pero hindi pa rin sila natatamaan.


Nakatulala lang ako sa isang tabi habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.


So far naman wala pang nakakapansin sa amin. Mabuti na nga iyon. Namiss ko din kasi ang buhay na ganito. Yung buhay ko dati. Yung hindi pa ako nakakahawak ng ganito kalaking responsibilidad.


Mayamaya pa, biglang may nagsalita mula sa mini stage sa ibaba. Sa taas kami nakapwesto. Nakaupo ako banda sa may railings kaya konting paling lang ng ulo ko, kita ko na ang mga nangyayari sa ibaba.


Madilim ang ilaw sa mini stage kaya hindi kita ang mukha ng nagpeperform. Pero sa hubog ng katawan nya, isa syang babae.



"Good morning.." Bati nito sa lahat. Napatigil ang ilang kalalakihan ng magsalita sya. She has a sweet voice kaya nakaattract sya ng iba.



"Sino yon?" Usisa agad ni Lester. Umiiral na ulit ang pagkababaero sa loob ng ilang taong pananahimik.


"Wow.. sexy.." Sabi ni Katsumi na nakasilip na rin pala.


"Ligawan mo!" Pang-aasar ni JC kay Lester.


Matagal na napatitig si Lester sa babae. Nakakunot ang noo nito na parang pinipilit nyang tingnan yung mukha ng babaeng nasa ibaba. Napailing ito mayamaya bago ngumisi. Tumingin sya sa akin bago kumindat.


"Wag na.." Nakangising sabi nito habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay pero lalo lang syang ngumisi. "May Cherry na ko sa Pilipinas eh." Nakatingin na sya kay JC habang sinasabi yon.


Hindi ko na lang pinansin ang kabaliwan ng isang 'to.


"Wow? Magpapakatino ka na bro?"



"Oo."



"Wow naman.. Ang isang Lester Jack Hoelin na napakababaero at hindi na virgin ay magpapakatino na dahil lang sa isang Cherry Mortel?"



"Pakyu. Virgin pa ko ulul."



"Kunwari totoo pero hindi."



"Tangina mo, JC Lythe Lim."




Napatigil sila sa paghaharutan ng biglang kumanta ang babae sa stage.




~Now playing..~
(Stay With Me BY: SAM SMITH.)



Guess it's true, I'm not good at a one-night stand
But I still need love 'cause I'm just a man
These nights never seem to go to plan
I don't want you to leave, will you hold my hand?



That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon