40. Lost and found.

1.1K 27 0
                                    

***

Kathryn's POV

Pagpasok pa lang ni Clyre ay usap-usapan na sya. Kaklase ko sya, means, kaklase nya din ang SHAYDON. Nakadaan na ang tatlong subject at nandidito ako ngayon sa cafeteria, nakamasid sa kanya at sa girlfriend nya.

"Uy mga bakla, simulan nyo ng maghanap ng heart donor." Rinig kong sabi ni Genemy. Kahit na nagtataka ako kung ano ang ibig nyang sabihin, hindi ko magawang alisin ang paningin ko kanila Daniel na masayang nagkekwentuhan kasama si Clyre

"Huh? Baket?" Tanong ni Sofia.

"Mukhang may puso ditong nawawasak eh." Sagot ni Genemy.

"Ayy, oo nga. Martir lang ang peg." Sabi ni Cristine.

"Isama nyo na din pati ang kabaong, baka matuluyan na 'to."

Ano bang pinagsasabi nila?

Tiningnan ko sila Julia ngunit mabilis nilang iniwas ang kanilang mga paningin. Nababaliw na ba ako kung sasabihin kong ako ang pinatatamaan nila sa mga sinasabi nila? Naloloka ako dito. Baka trip lang talaga nilang sabihin yon.

Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain. Hindi ko na tiningnan ulit sila Daniel. Masyado ng masakit.

Pinagpatuloy na rin nila Genemy ang pagdadaldalan nila. Kung ano ano ang mga pinaguusapan nila, hindi ko naman maintindihan. Siguro kasi, sa iba nakasentro yung isip ko?

"Kath? Pinatatawag ka ni Ma'am Tuazon, may importante daw syang sasabihin." Natigil ako sa pagsubo nang may sunulpot na kasing edad ko sa harap ko.

"Sige." Sabi ko bago tumayo. Huhuhu, kahit na gutom na gutom pa ako, kailangan kong puntahan ang adviser ko. Mukhang importante kasi talaga. Baka kapag hindi ako pumunta, ibagsak ako non. "Nasan ba si ma'am?" Tanong ko. "Nasa office nya."

Hinarap ko sina Genemy para sana magpaalam. Tumango naman sila kaya umalis agad ako. Sinabihan pa nila ako ng 'wag daw muna ako magpakamatay', ' marami pa daw lalaki dyan', trip din nila eh noh?

"Bakit kaya?" Habang palakad ako papunta sa office ni ma'am, hindi ko maiwasang isipin kung bakit nya ako pinatawag. Ano kayang dahilan nya? Siguro... O.MY.GHOD.! Siguro sasabihin nyang may bagsak akong subject?! Tapos mawawala yung scholarship ko?! Waaaah! Wag naman sana!

OA Kath. Hindi pa nga kayo nakakapagtest eh, kaya wala pang grades.

"Ma'am?" binuksan ko ang pinto ng office ni ma'am pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses. Nakita ko naman sya sa table nya, mukhang kanina pa ako inaantay. Pinapasok ako ni ma'am kaya pumasok ako. "Bakit nyo po ako pinatawag?" Tanong ko kaagad.

"Ms. Salvador, ang totoo nyan, hihingi sana ako ng favor sayo." Saad ni ma'am.

"Ano po yon?"

"May bago kayong classmate diba? Si Ms. Zamora. Alam mo namang malapit na ang test, gusto ko lang naman na mahabol nya ang mga lessons. Wag kang mag-alala, matalino naman si Ms. Zamora eh, kaya hindi ka mahihirapan."

Waaah! Bakit ako ma'am? Alam nyo bang may problema ako sa kanya? huhuhu! Parusa 'to!

"Ayos lang ba sa iyo yon Ms. Salvador?"

"Y-yes po ma'am."

May magagawa pa ba ako?

***

"Hay, ang tagal nya naman." Kanina pa ako nagaantay dito sa loob ng library, nakakatakot dahil gabi na din at ako na lang ang mag-isa, nagpresinta kasi ako na ako na lang ang mgasasara nito, dito ko kasing mapiling mag-aral kasama si Clyre. Mas komportable ako dito eh. Sila Julia naman ay umalis na. Natatawa pa ako sa reaksyon nila nung sinabi ko na tuturuan ko si Clyre.


That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon