27. ZackDaniel

1.3K 25 6
                                    

***

Kath. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Kaya mo yan! Matapang ka diba? Sisiw lang sayo yan! Pero langya! Hindi ko mapigilan yung sarili kong kabahan! Ikaw ba naman, makakaharap mo yung Ashton, anong gagawin mo? Kinakabahan ako, baka kasi mamaya kaya ako gusto makita ng mama ni Daniel dahil ipapakulong nya ako, o di kaya gagawin nya akong yaya ng anak nya. Pero hindi naman ata ganon yon eh. Sa unang beses naming pagkikita, mabait naman sya sa akin. Para ngang anghel. Ewan ko lang kung saan nagmana  itong si Daniel dahil may pagkademonyo yung ugali nya.




Nandidito ako sa loob ng kwarto nya sa condo nya. Nasa labas sya dahil nakahanda na sya at ako na lang ang hindi. Inayos ko ang sarili ko para hindi ako magmukhang pulubi sa harap ng mama nya. Hoooo! Ewan ko pero hinihiling ko na sana magustuhan ako ng mama nya.




Tumingin ako sa salamin. Nakadress akong sleeveless, peach ang kulay sa ibaba at white naman sa itaas. Para syang long back pero long din naman sa harap, pero yung style pawave wave. {Multimedia}




Nakamake up ako pero light lang. Ayaw ko ng masyadong makapal dahil magmumukha akong clown. Nakalugay yung buhok ko pero medyo kinulot ko sa ibaba. Ayan! Ready na ko!




Pagkalabas ko sa kwarto ni Daniel, nakita ko syang nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Napatingin sya sa dereksyon ko kaya tumayo na sya. Wala ano anong pinatay nya ang tv bago tumungo sa pintuan. Ano ba 'to si Daniel! Hindi man lang ako sinabihan ng maganda! Choss.




Sinundan ko lang sya hanggang sa makapasok kami sa elevator. Pinindot nya yung down papunta sa lobby. Nasa pinakadulo nga pala yung condo nya kaya matagal pa kaming makakababa. Tumingin na lang ako sa harap. Kinakabahan pa rin ako pero hindi ko pinapahalata kay Daniel. Kunghari cool, baka kasi mamaya pahiyain nya ako sa harap ng magulang nya eh. Subukan nya lang! Hindi na sya sisikatan ng araw!





"Nagmukha kang tao." Napalingon agad ako kay Daniel ng magsalita sya. Huh? Ako ba ang kausap nya? Nakaharap kasi sya sa harap eh. Hindi naman sya sa akin nakaharap. Pero ako lang naman ang tao dito bukod sa kanya. Imposible namang may nakikita sya na hindi ko nakikita.




"Ano kamo?" tanong ko. Baka kasi guni guni ko lang na nagsalita sya.




"Nothing." Ihhh? Bakit ayaw nyang ulitin? Sasabihin lang naman ulit yung sinabi nya kanina eh.




"Huyy, ano nga kasi???" Pangungulit ko pero hindi nya ako pinansin. Hanggang makarating kami sa parking lot, hindi nya pa rin inuulit yung sinabi nya kanina. "Daniel! Ulitin mo na kasi!" Huminto sya kaya huminto din ako. Tiningnan ko yung sasakyan nya. Pati ba naman kotse ang gwapo din. Nagmana sa may ari eh.




"Get in." Utos nya bago umikot papunta sa driver seat. Napakagentle man talaga nitong si Daniel eh! Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto! Pero syempre, hindi muna ako papasok hangga't hindi nya inuulit yung sinabi nya kanina!




Napahinto sya sa pagpasok nang maramdaman nyang hindi pa ako umaalis sa pwesto ko kanina. "What are you waiting for?" Ayyt. Kanta yun ah. Yung, love me like you do?





"Ulitin mo na kasi." Pagpupumilit ko pa sa kanya. Sinamaan nya lang ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag.




"Get inside... Just. fucking. get inside." Mas maautoridad na utos nya sa akin. Sabay tingin ng masama. Nakakainis naman eh! Ginagamit na naman nya sa akin yung pagkabossy nya! Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Sumakay ako ng padabog pero hindi gaanong padabog. Baka singilin pa nya ako kapag may nasira ako dito. Sumunod naman syang sumakay. Sinimulan nya na ang pagdadrive paalis. Nakatingin  ako sa labas habang nagmamake face. Hindi naman makikita ni Daniel dahil nakatingin sya sa daan. At isa pa, naiinis ako sa kanya! "Uulitin lang naman, hindi nya pa magawa.." bulong ko. Napafrown ako dahil sa pagkadismaya. Ewan ko ba! Gusto ko lang naman ulitin nya yung sinabi nya eh. Baka mamaya, masama pala yung sinabi nya tungkol sa itsura ko ngayon! Ayaw kong mapahiya sa pamilya nya noh!




That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon