41. Confession

1.2K 33 9
                                    


***

Kathryn's POV

Katahimikan ang namayani pagkatapos kong sabihin yon. Natulala si Clyre sa akin. Tiningnan ko ang SHAYDON, ngunit katulad ko lang sila, nagaantay kung ano ang susunod na mangyayari. Ibinalik ko ang aking tingin kay Clyre, ganoon pa rin ang reaksyon nya, parang hindi makapaniwala. Ahh.. mukhang ayaw nyang ipagkalat ang relasyon nila ni Daniel, kaya ganyan ang reaksyon nya? Pinapangunahan mo kasi Kath eh!

Manghihingi na sana ako ng patawad nang matigil ako dahil sa malakas na pagtawa ni Clyre.

"HAHAHAHAAHAHAHA!!" Tawa nya. Nagulat pa ako dahil tawang tawa talaga sya. Akala ko ba ayaw nyang ipagkalat ko? Pero bakit ngayon, para namang ayos lang sa kanya?. "Hahahahaha! Omy! I think.. I think... hahaahaha!" Hindi nya pa matuloy tuloy ang sasabihin nya kapag tumitingin sya sa akin. Mukha bang nakakatawa ang itsura ko ngayon?

"Hahahahaha! Wait ha, wait." Huminga ng malalim si Clyre ng makaraos na sya sa pagtawa nya. Mangiyak-ngiyak din sya dahil don. Nginitian nya muna ako bago tumingin sa SHAYDON na mukhang nawiwierduhan na din sa kanya. Maliban kay, uhmmm, sa ex ni Julia na si Diego. Kasi sa akin sya nakatingin habang umiiling din pero nakangiti. "Seriously guys?" Mukha pang hindi makapaniwala si Clyre ng makita ang reaksyon ng SHAYDON. Parang sa simpleng tinginan nila, naintindihan nila yung pinaparating ng bawat isa.

"Kath? Iiwan ka muna namin ha, kakausapin ko lang sila. May dapat lang akong ipaliwanag." Paalam ni Clyre bago tumayo sa tabi ko. Nagtaka naman ako dahil sa sinabi nya.

"Bakit hindi na lang dito?" Tanong ko. Natatakot kasi akong magisa dito noh! Malay mo may multo! "Hindi ko ba pwedeng marinig ang sasabihin mo sa kanila?" Kasi kung hindi pwede, ayos lang naman sakin. Kakaibiganin ko na lang ang mga multo kung saka-sakaling magpakita sila sa akin.

Ngumiti si Clyre sa akin. "Hindi naman. Pero hindi kasi ako ang magpapaliwanag sayo nyon. Antay antay ka lang." Tumango na lang ako sa kanya. Pagkatapos non ay niyaya na nya ang SHAYDON. Tumingin pa ulit si Diego sa akin bago isara ang pinto.

Ngayon, mag-isa na lang ako dito. Huhuhuhu.

***

Clyre's POV

"Aminin nyo nga sa akin, magshota ba ang tingin nyo sa amin ni Kyle?" Deretsahang tanong ko sa SHAYDON. Napili kong puntahan ang garden dito sa Hospital na pinagdalhan namin kay Kath dahil mas kumportable. Nasa harap ko sina Seth at katabi ko naman si Diego.

"Oo," deretsa ding sagot nila habang nakakunot ang noo. Sa pagkakataong yon, gusto ko ulit tumawa ng bonggang bongga! Hindi ako makapaniwala! All this time?

"All this time? Ganyan talaga ang inaakala nyo?" Tatawa-tawang tanong ko. Tumango naman sila. "Hahahahaha!"

"Clyre, wag mo na nga kaming tawanan."

"Okay.. okay, hahaha. Hindi ko lang mapigilan." Hinto ko. Mukhang seryoso na sila eh. "Guys, lilinawin ko ha? Lilinawin ko sa inyo ang lahat." Paninimula ko. Tumingin pa ako kay Diego na prente lang nakasandal sa puno. Mukhang wala syang balak tulungan ako dito ah? Bad Diego! Hmmp!

"Unang una, saan nyo naman natsismis yan?"

"Halata naman na kase. Kilos nyo pa lang eh. Close na close kayo at alagang-alaga nyo ang isa't isa. Parang magshota ang turingan nyo. "Saad ni Lester. Natural naman na alagaan ako ni Kyle eh!

"Pangalawa, gaano katagal nyong inakala na magshota kami?"

"Simula nung makilala ka namin." O.MY.GHOD! Ganon na sila katagal naniniwala sa isang kasinungalingan? Pati tuloy si Kath, naniwala! Aish! Bakit kasi hindi sinabi ni Diego eh!

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon