***Daniel's POV
Simula ng makatapak kami sa Lambord, wala na kaming ginawa kundi ang magseryoso. Si Katsumi, bihira na syang magbiro. Si Lester, tinigil na ang pambababae. Si Seth, walang nagbago sa kanya. Si JC, nagseryoso na din katulad nila Kats. At si Diego.. naiinggit ako kay Diego dahil kahit malayo sya, hindi sya nakipaghiwalay kay Julia. Julia knows every thing about him. And that's the thing I can't do with her.
Paano ba kasi? Mahirap. Mahirap kasi iba kami. Iba sya sa akin. Kathryn doesn't deserve a guy like me in the first place.
Yes.. everyone thinks I am perfect.
Everyone thinks I am blessed.
But the truth is no.. really no.
Damn, my secret. If only I can turn back the time, babalikan ko ang panahon na hindi pa ako nakakapatay.
Maybe now.. some people think it's not a big deal when you killed. Marami ng tao ang pumapatay kaya normal na lang iyon sa karamihan.
Pero iba sa akin..
When I was young, pinalaki ako ng magulang ko ng may takot sa Diyos. Pinalaki nila akong alam ang sampung utos Nya. Hindi lang halata pero pinalaki talaga nila akong ganon. Nakilala ako ng karamihan bilang isang Daniel Kyle Ashton. Isang Daniel na walang awa. Isang Daniel na walang pakealam sa mundo. Baka nga ang iba, ang pagkakakilala pa sa akin ay isang Daniel na walang kinikilalang Diyos.
Pero hindi iyon totoo. Kada taon, kung alam lang ng karamahin na suki ako ng simbahan. Suki ako dahil hanggang ngayon, di ko pa rin napapatawad ang sarili ko.
Killing people is a mortal sin.
Kaya walang kapatawaran ang kasalanang nagawa ko.
"Kyle, eto na nga pala yung pinapakuha mo. Nakalagay na dyan ang mga lugar kung saan madalas pagtambayan ng Dark Guild. Kanina, palihim kaming pumunta ni Katsumi sa Gregor City. Ayos naman ang mga tao doon pero hindi lahat sila ay nakatira sa maayos na tahanan." Kinuha ko ang iniabot na file sa akin ni Lester.
"Alam naman nating matagal na silang walang pinuno dito, at wala silang ideya kung bakit sinisira ang kanilang bansa ng grupong hindi nila kilala." Sabi naman ni Katsumi na bigla na lang sumulpot sa kung saan.
Inilapag ko ang files sa table bago tumayo. "Hindi nila kilala ang Dark Guild?"
"No.."
"Much better," Kinuha ko ang isang susi bago ibinato kay Katssumi. "Take it."
Napakunot naman ang noo ni Lester. "Much better?" Takang tanong nya.
"Mas maganda na yon, para walang gulo." Lumapit ako sa may wall glass. Mula sa itaas, kitang kita ko ang nasa ibaba. Malinaw na malinaw dahil nasisinagan sya ng araw. Kung titingnan mo mula dito, napakapaya ng bansang 'to. Pero kung susubukan mong pag-aralan, matagal na silang sira, yun ang malalaman mo. "Anong araw ngayon?"
"May 10." Boses ni Seth ang sumagot sa akin. Kahit hindi ko sila tingnan, nakikita ko ang repleksyon nila mula sa wall glass kung saan ako nakaharap. Isa isang nagsidatingan ang SHAYDON at umupo sa kanya kanya nilang upuan sa long table. "Ngayon ang graduation nila diba?"
Hindi ako umimik.
"Ngayon nga.. Sabi sa akin ni Julia." Sagot ni Diego.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...