***Kathryn's POV
Pagkabalik ni Daniel ay natigil din sina Katsumi sa mga ginagawa nila. Naglalakad na sya palapit sa amin kaya umayos na ang SHAYDON ng tayo. Nakapamulsa pa sya habang ang susi ay pinapaikot nya sa kanyang daliri. Ang gwapo ng shota ko..
"Let's go." Sabi nya agad habang nakatingin sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at marahang inalalayan papasok sa kanyang sasakyan. Nang makapasok na ako ay isinarado nya ang pinto ng kotse nya. Nanatili pa rin sya sa labas dahil kinakausap nya pa ang SHAYDON. Hanggang sa nakapasok na din sya sa tabi ko.
"Saan ka nagpunta?" Tanong ko nung nasa daan na kami.
"Sa sinundo natin sa Airport. Hindi ko kasi sya nakita non dahil nga nawala ka. Hinanap agad kasi kita non kaya hindi ko sya naabutan. Kaya nung nahanap kita, pumunta ako agad sa kanya, sakto lang dahil hindi pa sya nakakaalis." Ako pala yung inuna nya. Bigla tuloy lumambot ang puso ko. Ang pagkakaalam ko kasi, sobrang importante ng taong sinundo namin. Pero ako pa rin yung inuna nya.
"Thank you.." nakangiting saad ko kay Daniel habang nanatiling nakahawak ang isa kong kamay sa kanya. Saglitan nya akong tiningnan bago ibalik ang tingin sa daan.
"For what?"
"Kasi.. inuna mo ko kahit na napakaimportante ng taong pinuntahan mo don." Para pa tuloy akong naiiyak sa sobrang saya.
"Baby," inihinto nya ang sasakyan sa gilid bago hawakan ang magkabila kong pisngi. "No matter what happen, you will always be my first priority. Nangako ako sayo na poprotektahan kita, at gagawin ko yon hangga't nasa tabi mo ako." Nakangiting saad nya sa akin gamit ang malambing na boses. Napayuko ako ng halikan nya ako sa noo. "I love you.. always remember that."
"I love you too."
"Tahan na," nang makatahan ako ay nagsimula na ulit syang magdrive. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang ang isa ko kamay ay nakahawak pa rin sa kamay nya.
"Sino nga pala yung sinundo natin?" Tanong ko ulit. Naalala kong hindi ko nga pala yun natanong. Lahat ng importante sa kanya, gusto kong makilala.
"Master S." Nakangiting sagot nya sa akin. Masayang masaya sya base sa nakikita ko sa mga mata nya.
"Sinong Master S?"
"Sya yung nagtrain sa aming SHAYDON nung bata pa kami. Hinubog nya ang kakayahan namin kaya kami naging magaling. It's been how many years nung umalis sya dito sa bansa. Kaya talaga masaya kami ngayon dahil nakabalik na sya. I'm sorry Kath kung ngayon ko lang sinabi sayo. Biglaan din kasi."
"Ayos lang, naiintindihan ko."
"Mom and Dad plans to fly back in the philippines when they received the news about Master S's come back. Sa katunayan, sa kanila namin nakuha ang balitang yon."
"Edi uuwi na sila tita at tito dito?"
"Nah.. there's a lot of business over the country that they're not yet done. Kahit anong gustuhin nila, they need to fetch the problems about our company. Maybe, soon, they will be here. You don't have to worry, baby.."
Ang sipag talaga ng magulang nya. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit naging ganito katunog ang apelyidong Ashton sa buong mundo.
"Gusto kong makilala si Master S." Galak na sabi ko. Feeling ko kasi, madali lang syang makasundo. Pero hindi mo pa rin maaalis sa akin ang kabahan.
"You will meet him later.." matamis ang ngiting baling nya sa akin. Excited na ako!
***
7:00 pm.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...