***Kathryn's POV
"Bestie!!!!!!! Tara na!!! bilis!!!"
"Leche Julia! Ke aga aga, nagiingay ka na."
"Hehehe sorry ^_^." Adik talaga 'tong si Juls eh noh. Pano nga ulit kami naging magkaibigan?. Ayyy oo nga pala magkaparehas lang kami ng ugali hahaha. Pero mas matino pa naman ako sa kanya ah. Marunong pa naman akong mahiya. Kahit konting-konti lang. Hindi ko na din sinabi sa kanya yung nangyari sakin kagabi. Ayaw ko lang syang magalala. Syempre, baka kung ano pang magawa non kapag nagkwento ako. Marami pa naman syang tanong bakit kwento ko, hindi talaga nauubusan ng boses eh.
"Gaga! bilisan mo baka malate tayo!"sigaw nya sakin. Buti hindi 'to nawawalan ng boses o napapaos man lang. Kagabi pa 'to sigaw ng sigaw. Busog na naman siguro kaya ganito kahyper.
Nandidito nga pala sya sa bahay namin, nang-iistorbo ng tao. Si nanay at tatay umalis na kasi may trabaho pa sila kaya ngayon etong bestfriend ko nambubulabog agad. Halos araw-araw naman akong binubulabog nyan eh, kaya medyo nasasanay na ako. Maging nga mga kapit-bahay namin ay sanay na, kilala din nila si Julia. Kaclose pa nga nung iba eh.
"Anong malelate? Ang aga aga pa oh. Sa itsura mo ngayon parang first day of school pa lang ah. FYI 3rd Grading na po!" Totoo naman kase. Para syang excited na excited pumasok, well, araw araw naman ganyan sya. HYPER. Pero iba ngayon, mas lalong humayper. Ang lawak-lawak pa ng ngiti. Tapos yung mata parang kumikislap pa. Konti na lang, maiisipan ko na syang nababaliw.
"Gaga! Hindi mo ba alam na ngayon na papasok yung anak ng may ari ng school na pinapasukan natin! Kaya dapat nandoon tayo kasi balita ko gwapo daw yun kyaaaaaaaaaaa!!"
Lande talaga neto. Basta gwapo, go lang ng go.. buti pa ako, study first. Hehehe."lakom pake." sabi ko sa kanya bago kumuha ng tuwalya para maligo na. Kakatapos ko lang din kumain at maghugas kaya maghahanda na ako para pumasok. Kung hindi ko kasi bibilisan, baka hilain agad ako neto kahit hindi pa ako nakakaligo. Masyado syang delikado kapag ganyan syang kaexcite.
"Ouchh! Ganda mo teh ah! Ginaganyan mo lang yung anak ni Sir Ashton." Inikot ko na lang ang mata ko sa kanya bago ako pumasok ng banyo at iwan muna sya dun sa sala. Kaya nya naman sarili nya dun eh. Wala talaga akkng interes sa mga ganyan-ganyan. Paano ba kasi magkakainteres, hindi pa naman ako nagkakagusto sa isang lalaki. Masyado akong pihikan eh. Pero kapag nagmahal ako, wag ka.
"Talaga! Dati pa no!" Sigaw ko sa kanya mula dito sa banyo. Sagot ko yun sa sinabi nya, hahaha.
"Kapal ha! Gising gising din pag may time. Nanaginip ka pa ata eh." bestfriend ko ba talaga to?! Hindi man lang ako suportahan sa mga pangarap ko. Ni hindi ko nga nasasabi yang linyang yan sa harap ng maraming tao, kapag kami kami ko lang yan sinasabi, hindi nya pa ako kakampihan. Huhuhu, ang sama sama nya.
"Wow thank you ha? thank you! Damang dama ko yung suporta mo eh." sarcastic na sabi ko sa kanya. Binilisan ko na din ang pagligo at paghanda sa sarili ko kasi naaawa ako dito kay Juls kanina pa nagrereklamo na kesho daw hindi nya na makikita yung anak ni Sir Ashton. Bakit di na lang kaya sya mauna diba?!
pati tuloy ako, makakapasok pa ng maaga dahil sa ginagawa nya."Thank God kath! sa wakas tapos ka na din." sabi nya sabay irap sakin. Hahaha ang cute cute talaga neto pag nagagalit eh. Pero kapag seryoso, nakakatakot. Pffft.
Ilang oras pa nandidito na kami sa School. Andaming agad na tao!
Hindi halatang gusto talaga nilang makita yung anak ni Sir Ashton. Ako lang ata ang walang alam na pupunta sya. Ganon ba talaga ako ka-laye update?"Sabi sayo eh! Gwapo nga yun. Tingnan mo andaming nag- aabang sa kanya dito" Tama naman sya. Kahit yung mga mean girls dito sa school nag aabang rin sa kanya. Ganon ba sya kagwapo? May mga banner pa yung iba. Hindi ko naman makita dahil talon sila ng talon. Tsk. Ang daming babae, siguro, playboy yon. Mayayaman nga naman. Pero mabait namaa si Sir Ashton eh, baka mabait din yung anak nya.
"OMG!! OMG!! Ayan na sila Bestie!!" Rinig ko na ang sigawan at tilian ng mga estudyante dito sa Ashton High sa paparating na kotse. Ay erase that, MGA KOTSE pala. Andami at ang gagara pa. Mga limang kotse ata yun eh.
Nahirapan pa silang ipark yung mga kotse nila. Pano ba naman kasi andaming nakaharang kaya nahihirapan silang dumaan. Hindi din naman nagpapatinag yung iba, naguunahan talaga sila. Nagtutulakan pa nga tapos yung iba ay natutumba na. Ang wilddd.
"Mga Miss! Pwede po ba kayong tumabi dyan? Nagagalit na si Bossing!" Sabi nung isang lalaki na may red na Lamborghini. Sumilip pa talaga sya sa bintana nga para lang sabihin yon.
"KYAAAAAA!!!! ANG GWAPO MO, JC!"
"I LOVE YOU NA!!"
"PAKASAL NA TAYO, BABE!!"
Mga sigawan ng mga estudyante dito. Partida isa pa lang ang nag papakita ha, pano pa kaya kung lahat na sila. Tsk tsk. Pero hindi ko maitatanggi na gwapo nga yung JC na yun kuno. May ibubuga sya at may dating talaga.
Tumabi naman ang mga estudyante kaya nakapark na din silang lahat sa wakas. Huling nag park ung may kulay Black na Lamborghini. Tahimik lang ang mga tao dito, tila inaantay nilang lumabas ang mga driver ng mga naggagandahang kotse. Rinig na rinig ko din ang mga impit nilang tili. Para bang hindi na sila makapaghintay na makita ang mga yon.
Mayamaya pa eh lumabas na din silang lahat maliban doon sa may kulay na Black na kotse. Tss pa VIP, siguro yun na yung anak ni Sir Ashton. Baka tama ang hinala ko, playboy sya. Nagpagwapo pa siguro sa loob bago lumabas. Daming kaartehan.
"WAHHH! I LOVE YOU, LESTER!!!"
"MAS MAHAL KITA, BEBE SETH!!!"
"JC MY LOVES, GIVE ME A HUG!!!"
"KATSUMI! KYAAAA! PAKASALAN MO NA AKO! HUHUHU!"
Nakakarindi na yung tilian dito. Sakit sa tenga. Isama mo pa 'tong bestfriend ko na nakikigaya pa dun sa iba. Kala mo ay may napakasikat na banda na dumating. Taga-hanga nga nila 'tog mga 'to. Pati na din yung bestfriend ko.
"Bes alis na ko, ansakit na ng tenga ko dito." sabi ko kay Juls kaso hindi nya ata narinig kaya tumalikod na ako. Kaya lang hindi pa ako nakakatapak ng isang hakbang, mas lalong lumakas yung sigawan at nagtatalon talon pa yung iba. Para silang nakakita ng isang Daniel Padilla. Kaya wala akong nagawa kundi mag stay na lang sa kinaroroonan ko at magtakip ng tenga. Baka maapakan pa ko kapag umalis pa ko dito. Mas malaking problema yon. Tinakpan ko na lang ng mahigpit ang tenga ko, ngunit may nakakalusot pa rin sa aking pandidinig. At nakakarindi na talaga yon.
"Woooh! chill, girls!" rinig kong sabi ng isang lalaki. Ewan ko pero Katsumi ata yung pangalan nya eh. Narinig ko lang yun sa mga tao dito . 'Katsumi daw katsumi'. Mukhang masayahin sya, nakangiti kasi sya. Habang yung dakawa ay nakangisi, pero yung isa ay seryoso lang.
Kaso bilang isang mga malalande, chosss joke. Hindi pa rin tumitigil yung mga estudyante dito sa kakatili slash kakasigaw. Yung tinitilian talaga nila eh yung lalaking may black na kotse. Naka black na t-shirt sya tapos pinatungan nya ito leather jacket tapos may suot pa syang shades then nakataas yung buhok nya. Impyernes, gwapo!!!. No doubt na sa kanya ung malakas na tilian. Dahil deserve na deserve nya. Para syang isang goddess.. eto ba yung anak ni Sir Ashton?
Bigla lang natahimik yung mga tao dito sa parking lot ng bigla itong sumigaw. Isang sigaw na may halong awtoridad at napakaseryoso.
"Will you f*cking please shut your mouth up?!" Sigaw nito na talaga namang nagpatahimik saming lahat. Tila natakot sila dito, maski naman ako natakot din eh. Napaatras pa ako dahil sa sigaw nyang yon. Hindi gaanong kalakas pero madadama mo kahit nasa malayo ka, para bang may kapangyarihan yung boses nya. Pero di mo maaalis na gwapo pa rin sya kahit beastmode na sya. Nandodoon pa rin kasi yung karisma nya kahit na sumisigaw na sya. Kakaiba.
Pagtanggal nung lalaki sa shades nya ay napatingin sya sa direksyon ko. Biglang nanlaki yung mata ko sabay ng pagbuka ng bibig ko. O.MY.GHOD! A-ANONG...?? hindi pwede 'to!!
"P-patay na ako, ngayon…"___________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...