***Kathryn's POV
"Nakarating na itong anak nyo sa bahay. Tanda ko pa nung bumisita kayo ni Daniel Kyle doon. Sobrang saya ko ng makita ka doon apo."
Napapikit ako matapos akong halikan ni Master S este ni lolo sa noo. "Pero mas masaya ako ngayon." Sobrang lawak ng ngiti nya.
Napatingin ako sa mga taong nanonood sa amin. Mangiyak ngiyak sa tuwa si mama at tita Kylie. Habang di naman matawaran ang saya sa mata ng ama ko. Nakangiti ng tipid si tito Dave. Habang tumatawa naman sina kuya Ken at kuya Rio.
Ang saya panoorin ng ganito. Sobrang sarap sa pakiramdam.
"Master S? Ngayong ayos na ang lahat. Kukunin nyo na ba sila sa amin?" Nakangusong tanong ni tita Kylie habang pinapasadahan kami ng tingin nila nanay. Napatawa naman ito bago paluin sa braso si tita Kylie na lalong nagpahaba ng nguso nito.
"Emote ka na naman?" Natatawang tanong ni nanay sa katabi nya.
"Ano ba bes! Aalis ka na nga lang mananakit ka pa." Napanganga ako sa tawag ni tita Kylie sa nanay ko. Ganon na ba sila kaclose? Ang taray ng bes. Lakas makateenager ng dating.
"Ang sabihin mo, mamimiss mo lang kami." Panunukso ni nanay kay tita. Hindi rin nakatakas sa aking mata ang pagsundot nito sa tagiliran nya.
Waah! Bigla ko tuloy namiss si Julia! Ganyang ganyan kami eh!
"Aba syempre! Mamimiss ko kayo no! Lalo na 'tong daughter-in-law ko! Tsk. Akala ko pa nga eh aabutin sila ng kasal dito."
"Dadalaw dalaw naman kami eh. At saka lilipat lang naman kami ng bahay bes. Hindi naman magkakahiwalay itong dalawang anak natin. May kasalan pang magaganap." Natatawang saad ni nanay.
Namula naman ako sa sinabi nya.
"Oo nga no? Hahaha." At nagapir pa ang dalawa sa sarili nilang kalokohan.
"Pasensya na pare, ang bagal ng anak ko eh." Nabaling naman ang atensyon naming lahat kay tito Dave na tatawa tawang nagsalita. Ibang iba ang aura ni tito Dave ngayon sa nakasanayan ng ilan.
"Hahaha ayos lang pare. Kaso nga lang nanghihinayang ako. Ang tagal namin dito pero walang nangyari." Napakunot naman ang noo ko ng sagutin sya ni tatay na tatawa tawa rin.
"Hahahaha," napalingon ako kay lolo ng tumawa ito ng mahina. Naramdaman nya ata ang tingin ko sa kanya kaya lumingon sya sa akin. Ang kaninang tumatawang boses nya ay napalitan ng isang ubo ng magtama ang paningin namin. Pero agad din nya iyong binawi.
Bakit parang pakiramdam ko may ayaw sabihin sa akin si lolo?
"Tsk tsk.. Ikaw kasi Dave eh! Hindi mo ba tinuruan yung anak mong yon?!" Pataray na binulyawan ni tita Kylie si tito Dave. Napasandal naman si kuya Ken at kuya Rio sa sandalan ng upuan para magkakitaan ang dalawa. Kita ko din kung paano sila lumunok ng laway habang palipat lipat ang tingin sa mag-asawa. Lalo na si kuya Rio. Nasa kaliwa kasi nila sina tita Kylie at nanay. Habang nasa kanan naman sina tatay at tito Dave. Bale silang dalawa ang nasa gitna.
"Hon naman.. syempre tinuruan. May mga CD pa nga yun sa kwarto nya. Nililigaro namin ni Davis t'wing birthday nya.." Pagpapaliwanag ni tito Dave sa asawa ngunit inirapan lang sya nito.
"Eh bakit ang bagal bagal nya?!" Nakataas ang kilay nitong bulyaw habang magkakrus ang dalawang braso sa dibdib. Kung titingnan, parang nagaaway sila ni tito Dave sa lagay nila.
"Malay ko don.." kamot ulong saad ni tito Dave bago bumaling sa akin kaya bahagya pa akong nagulat. "Bakit di mo na lang itanong sa kanya? Malay mo may nangyari na, hindi lang nila sinasabi."
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...