10. Bully.

1.1K 26 0
                                    


***

Kathryn's POV

Monday na naman. As usual. Kailangan ko na namang pumasok ng maaga.
Bumangon na ako at ginawa ko na ang mga morning rituals ko.
Pagkatapos ko sa mga dapat kong gawin, bumaba na agad ako at nakita ko naman agad sila mama at papa sa lamesa na kakain na din.

"Nak! Saktong sakto! Nakapaghanda na din ako. Upo ka na at mag simula na tayong kumain." ani nanay. Oo mahirap kami pero hindi ko yun kinakahiya. Mabubuti ang mga magulang ko kaya hulog sila ng langit sakin.

"Sige lang 'nay. Uhm Nay, Tay, nakahanap na nga po pala ako ng trabaho."

"Talaga anak?! Maganda iyan. Pero paano na ang pag aaral mo? baka mahirapan kang pagsabayin iyon"

"Hindi po 'nay. At isa pa, kay kuya Rio po ako nag tatatrabaho kaya ayos lang po." ayaw ko ng mag alala pa sila mama. Kaya sinabi ko kaagad na kay kuya Rio ako nagtatatrabaho.

Kilala ng mga magulang ko si kuya Rio kaya alam nila na magiging ayos ako sa kanya. Ha! Malaki tiwala nila dun sa mokong na yun eh!

Nagtanong din naman sila mama at papa kung pano kami nagkita ulit ni kuya Rio. Kaya ayun. Kinwento ko sa kanila simula UMPISA. Napahaba nga eh. Kaya eto ako ngayon, tumatakbo papuntang school.
Matapos ko kasing magkwento sa kanila, hindi na namin namalayaan ang oras at mag aalasyete na! Shete talaga ako neto sa teacher ko eh huhuhu.

"Ayy! ANAK NG KALABAW!" sigaw ko at napahawak pa ako sa dibdib ko nang may bumusina sa likod ko na sasakyan. Tiningnan ko iyon pero parang paalis na ata. Hinabol ko nga. Ha! Hindi nya ako pwedeng takasan ng ganun ganun lang noh?! Muntik na nya ako masagasaan.

"Hoy! Leche ka ihinto mo yung sasakyan mo!!!" Sigaw ko dito sa taong may nag mamay ari ng lecheng sasakyan na ito.
Ayun! Inihinto na din naman nya kaagad yung sasakyan. Buti naman! May sapak ata 'to sa utak eh.

"What the hell is your problem?!!" Sigaw ng lalaking nasa harap ko ngayon. Shete! Ang gwapo!!! ayyyyt talande.
'Wag magpapadala sa mapanibughong damdamin Kath! Kaaway mo yan! Muntik ka na ngang sagasaan diba?'

Pero bakit parang pamilyar sya?
Alam ko, nagkita na kami eh? Nakng tupa, magmememo plus gold na talaga ako. "Hoy ikaw! Alam mo bang muntik mo na akong masagasaan?!" Sigaw ko sa kanya. Tama yan kath! Magpakatapang ka kahit sa loob loob mo takot na takot ka na. Fighting! Paanong di matatakot? Walang kaemo-emosyon yung mukha nya. Para syang robot!

"So?" Aba't-!!siraulo pala 'toh eh. Siningkitan ko sya ng mata. Sinusubukan ba ko neto? "So, so-in mo mukha mo! Pssh. Bulag ka ba?! Di ka tumitingin sa daanan eh!" Nakakaasar na 'tong lalaking 'to ah. Nakasandal lang sya sa kotse nya sa harapan ko at nakapamulsa pa. Ang cool nyang tingnan. Pero may atraso pa rin sya sakin! Hindi man lang ako matingnan sa mata eh.
Siguro nagagandahan to sakin kaya di ako matingnan sa mata. kasi baka mafall sya. Whaa!!! Sasaluin kita! Wag kang mag alala. Ayyyyt tama na ang kahibangan kath!

"Do you think I forgot about that?" Ang lamig ng boses nya pero nakakatakot. Huhuhu nabasa nya ba yung utak ko? Ano bang hindi nya nakakalimutan? Eh, yung sinabi ko lang naman, sasaluin ko sya. Sinabihan ko ba sya dati ng ganon?  Pero mukhang nabasa nya eh.
Ano sya? Mind reader?

"Ha? Yung ano?" sige kath! Mag maang-maangan ka muna dyan. Baka kasi nasabihan ko na sya dati na sasaluin ko sya. Bakit ba kasi hindi ko sya mamukhaan. O talagang nagiba yung itsura neto, siguro dati, gwapo na ito, tas ngayon, gumwapo lalo.

Pero sa halip na sagutin nya yung tanong ko. Tinaasan nya lang ako ng kilay tapos yung mukha nya nababalutan ng black aura. Napalunok na lang ako ng di oras. Tinitigan ko sya ng mabuti, lalo na sa mata. At talaga namang nanlaki ang mata ko ng sa wakas ay namukhaan ko sya! Sabi ko na nga ba eh! Kaya sya familiar! Yung taong iniiwasan ko pa talaga yung nasa harap ko ngayon? Huhu, paktay ka talaga kath!

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon