58. Vengeance

1K 23 2
                                    


***

Third Person's POV

"Oh Boss! Musta? Hahaha! Balita ko pinagtripan ka ni Kathryn ah? Nyare bro? Dapat talaga pinicturan ka nya eh!" Tawa agad ang bungad ni Kastumi sa kakadating na si Daniel.

Umupo sya sa kanyang usual spot. Nasa private room sila sa mansyon ng Ashton. Kung saan pinaguusapan nila ang mga bagay na mahalaga. Mahalagang mahalaga. Kaya nga kompleto silang lahat ngayon.

"Okay lang yan Kyle, gwapo ka pa rin naman daw eh." Ngingising-ngising saad ni Seth.

"Pumayag kang magpamake up? Ibang klase talaga ah! Nagagawa nga naman ng pag-ibig." Gatong ni JC.

"Kamusta date naten? Nakaiscore ka na ba?" Mapaglarong tanong ni Lester. Sinamaan naman sya ng tingin ni Daniel.

"Fuck you. Wag mo kong igaya sayo."

"Ouch namen! Samantalang dati, ganon ka din naman."

"Dati yon, hindi ngayon." Nagtiim bagang ito.

"Nga pala, bakit mo pala kami pinatawag?" Pagiiba ni Diego ng usapan.

Biglang nagiba ang atmosphere sa loob ng kwartong iyon. Sumeryoso ang kanilang leader kaya ayon din ang ginawa nila. Alam kasi nilang wala ng biru-biruan kapag ganito na ang aura nya.

May long table sa gitna nila. Kung saan nasa pinakadulo nakaupo si Daniel tanda na sya ang kanilang lider.

Tumayo si Daniel bago ilatag ang folders sa lamesa. Isa isa naman iyong kinuha ng SHAYDON upang basahin.

"Susugod ba tayo sa Lambord?" Tanong ni Diego habang patuloy na binabasa ang file na hawak nya.

"No. Napag-alaman ko na may kuta ang Dark Guild dito sa Pilipinas. Alam ko na kung saan sila mahahanap. Ang kailangan nyo lang gawin, sirain yon. Sirain nyo, ubusin hanggang sa wala ng matira." Madiing saad ng kanilang lider.

Kinilabutan naman si Katsumi sa paraan ng pagsasalita ni Daniel. 'Wooh, king ina, galit sya.' Sabi nito sa kanyang isip. Ayaw nyang magsalita eh.

"Kailan natin sila susugurin?" Tanong naman ni Seth na pinagaaralan ang kabuuan ng kuta ng Dark Guild sa hawak nyang blue print nito. 'Malaki din ang pwesto nila ah. May ibubuga nga talaga.' Saad nito sa kanyang isip.

"Mamayang gabi."

"Ha?!" Hindi na napigilan ni JC ang magtanong. "Agad agad?!" Gulat na tanong nito.

Sinulyapan naman sya ni Daniel. "Oo." Seryosong saad nito. Siguradong sigurado sa kanyang sinasabi. "Dahil walang kapatawaran ang ginawa nila. Ilang beses na nilang pinahamak si Kath. Nanahimik lang ako kasi alam kong kaya nya. Pero tangina.. sinagad nila ang pasensya ko. Kaya tapusin na natin 'to." tugon ni Daniel bago ilapag sa mesa ang iba't ibang klase ng baril, granada, kutsilyo at iba pang pwedeng gamitin sa laban.

Agad namang nagsikuhaan ang ibang myembro ng SHAYDON at nagkanya kanyang linis sa kanilang gagamitin.

"Sa tingin mo, seryoso si Boss sa sinabi nya?" Bulong ni JC sa katabi nyang si Lester. Nagbubulungan lang sila. Yun bang tipong hindi sila mahahalata. Kahit rinig naman ang boses nila dahil sa sobrang tahimik ng kwarto.

"Tang ina, kailan pa ba nagbiro yan?" Sagot ni Lester.

"Hoo, katakot. Magdadasal na lang ako mamaya." Kinikilabutan pang ani ni JC.

"Bakit ka naman magdadasal?" Nagulat ang dalawa sa biglaang pagsali ni Katsumi sa kanilang diskusyon. "Uy, bakit?"

"Baka sa sobrang galit ni bossing, pati tayo mabaril nya! Boplaks, naranasan ko na yon dati at ayaw ko ng maranasan ngayon!" Tila naalala pa ni JC ang katakot takot na muntik ng pagtatapos ng kanyang buhay.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon