53. Trust

962 31 0
                                    


***

Kathryn's POV

Hay! Bakit ba hindi sila maubos-ubos?! Nakakainis! Hindi na kaya ng katawan ko, pero ang dami pa ring nasa harap ko! Hindi naman ako si wonder woman para matagalan 'tong mga 'to eh!

"Kaya mo pa ba?" Nakangising tanong ng isang unggoy sa akin. Panget ng pagmumukha. Walang wala sa boyfriend ko. Tsk.

Sa totoo lang, kanina sa van. Takot na takot na ako non. Kinakabahan ako dahil sa mangyayari sa akin. At dahil na din sa kasama ko doon sa loob ng sasakyan. Pero paggising ko, mukha ng mga unggoy ang nakita ko, parang magic dahil biglang nawala ang takot ko. Kahit nga marami na akong natamong sugat, mas natutuwa pa ako sa mga reaksyon nila kapag naaasar sa akin. Paano ba naman, sila 'tong magsasalita ng walang sense, tapos kapag sinagot ko ng may sense, magagalit. Parang mga baliw.

"Pag sinabi ko bang hindi, titigilan nyo na ako?" Nakangiwing tanong ko bago tumayo. Ang sakit na ng likod ko. Kumikirot na yung katawan ko na parang gusto na nong magshut down.

Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandidito. Dinala-dala nila ako dito ng walang dahilan? Bwisit..

"Syempre hindi! Nag-eenjoy pa kaming makita kang nasa ganyang kalagayan eh." Napangiwi ulit ako ng magsitawanan silang lahat. Nasa bente na lang sila. Nauubos na. Kaya ko pa 'to!

"Edi kaya ko pa. Wala naman pala akong mapapala eh. Meron sana kung gwapo kayong kalaban ko, pero hindi eh. Mga panget." Sagot ko na parang walang iniindang sakit.

Natatawa ako sa sarili ko. Parang hindi ako normal! Kadalasan kasi, kapag ganitong nakikidnap ka, diba dapat ay natatakot ka? Pero ako hindi. Mas natutuwa pa ako. Para akong baliw na natutuwang makipaglaban sa mga unggoy na 'to.

Siguro ay natuwa ang katawan ko. Kasi naman, kakatraining ko lang kay Master S nung isang araw, lahat ng tinuro nya, naaapply ko ngayon kaya ang saya! Hindi nabalewala ang pagtuturo nya sa akin. Kaya imbis na matakot ako, nachachallenge pa nga ako.

"Tapusin nyo na 'to!"

Akmang susugod na sila sa akin ng biglang may kumalampog sa pinto. Kasunod ng malakas na pagkalampog non ay ang malakas at sunod-sunod na putok ng baril. Nanlaki ang mata ko bago nag-drop sa sahig para hindi matamaan ng mga putok. Agad akong tumakbo sa nakita kong parang box na gawa sa metal at doon nagtago. Kahit naman papaano, may takot pa rin ako kapag baril na no!

Rinig na rinig ko pa ang mga sigaw ng mga unggoy na kanina lang ay nagyayabang sa akin. Sigaw ng paghihinagpis. Napatakip ako sa tenga ng biglang may sumabog na sobrang lakas! Akala ko ay mawiwindang na ang kinatatayuan ko, buti hindi pa.

Nang wala na akong marinig, saka lang ako nakahinga. Puro usok pa ang paligid dahil sa pagsabog. Siguro ay nakita na ako ng mga pulis, buti naman.

Magpapasalamat na sana ako sa mga pulis kasabay ng pagtayo ko ng marinig ko ang pamilyar na sigaw. Pamilyar na boses..

"Kath?!" Para akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yon. Hindi ako nakakilos, nakatingin pa rin ako sa usok na tinatakpan ang kaganapan sa loob ng bodega. "Where the hell are you, Kath.." unti-unting lumakas ang boses kahit hindi iyon sigaw sa dereksyon ko. Napasinghap ako ng makita ko ang anino nya sa usok. Bago pa ako makasigaw, nawala ang usok na tumatakip sa kanya at malinaw ko syang nakita. Nandito na sya..

"Baby.." nanghihinang sambit ko. Nakangiti sa kanya ng hinang-hina.

Nabitawan nya ang baril na dala nya. Mabilis syang tumakbo sa akin bago ako hilahin sa mahigpit na yakap. "Shit. Shit. Shit." Sunod sunod na mura ni Daniel habang nakakulong ako sa mga bisig nya. Mahigpit ang yakap nya. Sa sobrang higpit ay nararamdaman ko ang pagkirot ng aking sugat. Pero hindi ako nasasaktan, kasi sya ang yumayakap sa akin.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon