***
"YIEEEE!!!!!"
"Bes, tumigil ka nga"
"Hindi bes!!!! Ahh!!! Tanggap ka na ng pamilya nya!! Pwede na kayong ikasal!!"
"Ikasal? Agad? Eh kinamumuhian nga ako ng mokong na yun eh"
Minsan ewan ko kung ayos lang magkaroon ng kaibigan na OA masydo. Kinwento ko kay Julia yung mga pangyayari. Simula
nung hatakin ako ni Jc at sa mga sumunod pang pangyayari. Kinwento ko din sa kanya yung mga pangbubully na natanggap ko. Syempre nainis sya, pero sabi nya ituloy ko pa daw yung pagkekwento ko. At hayun, hanggang sa napadpad na kami sa nangyari kanina. Kinwento ko sa kanya LAHAT. Pati na rin yung panglalait ni Daniel sa magulang ko. Pero alam nyo kung anong naging reaksyon nya? Ayun! Kilig na kilig ang bruha! Kasi daw tanggap na ako nila tita Kylie, nakita ko pa daw si sir Ashton pati na rin yung bahay nila. Eh halos maiyak na nga ako dito nung kinikwento ko sa kanya yung panglalait ni Daniel pero nasa iba pala yung utak nya! Mas interesado pala sya dun kanila tita Kylie! Ang gandang best friend diba?!"Alam mo bes! Ang swerte mo! Naging kaibigan mo ang SHAYDON, nakilala mo family ni Daniel at hanep! Tanggap ka nila!"
Swerte? Swerte ba yun?! Ang malas malas ko nga at nakilala ko pa sila. Maliban kanila tita Kylie, sir Dave at Manang Marcy.
Mga asungot sa buhay ko!"Anong swerte dun? At isa pa, hindi ko sila kaibigan! Tsaka syempre tatanggapin talaga nila ako kasi mababait yung magulang ni Daniel. Ewan ko nga kung saan nagmana yung mokong na yun!"
"Ang bitter mo bes!"
"Umuwi ka na nga! Bukas ka na papasok diba?"
"Ayy oo nga pala! Sige bes! Alis na ko! See you tomorrow! Magshoshopping pa tayo!" Sigaw nya bago lumabas sa kwarto ko. Ang adik talaga nun sa shopping. Hindi ko din namalayan na gabi na pala. Masyadong napasarap yung pag uusap namin ni Juls eh. Namiss ko talaga yung bruhang yun.
"Umpisa pa lang ito. Kung gusto mo talaga akong makilala edi ibibigay ko sayo. Tama na yung Kathryn na palagi mong inaapi. Kasi simula bukas, makikita mo kung sino ba talaga ako."
Biglang nagflashback sa utak ko yung sinabi ko kay Daniel. Hindi ako sigurado kung kaya ko. Sabi din sa akin ni Juls na ipakita ko na daw yung Kathryn na kilala nya nung nasabi ko sa kanya yun. Ipapakita ko na ba talaga? Siguro nga ito na yung tamang oras.....
***
"Bes! Tara na! Ang bagal mo eh!"
"Hindi ka naman excited pumasok eh noh?!"
Nasa labas palang kami ng school, dinig na dinig mo na yung sigawan namin ng best friend ko. Kanina pa kasi to sa bahay eh. Excited na excited pumasok. Lahat ata ng araw ginagawa nyang first day of school.
Dahil sa pagkakaladkad sakin ng magaling kong best friend, nasa tapat na agad kami ng room ko. Hindi kami magkaklase ngayon kasi science yung first subject ko. Kaya umalis na din sya. Pustahan tayo, sumama lang sya sakin dito para makita yung SHAYDON. Adik kasi yun eh pero Sorry sya, palaging late yun.
Pumasok na din ako lasi nakikita ko na si sir Allies na papunta na dito. Baka mamaya sabihin nyang late ako kahit hindi naman. Pumasok na si sir kaya bumati na din kami. Hindi na din hinanap ni sir ang SHAYDON dahil alam nyang palagi namang late yung mga yun.
Nagdisscuss na rin si sir pero wala akong ganang makinig ngayon. Kahit matalino ako, tinatamad din ako noh.
Malapit ng matapos yung time ni sir pero hindi pa rin pumapasok ang SHAYDON. Imposible namang papasok pa rin sila kaso super late na nila. Wala siguro silang balak pumasok ngayon. Dahil ba sa nangyari kahapon? Ayaw ba talaga akong makita ni Daniel? Hays! Bakit ko ba kasi iniisip yung mokong na yun!
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...