***
Kathryn's POV
"Buti na lang talaga maaga kong nalaman na pinsan kita!" inakbayan ako ni kuya Ken sabay gulo ng buhok ko. "Kundi.. hahahhaha!" tawa na naman nya. Kanina pa sya ganyan.
"So matagal mo na palang alam na magpinsan tayo ganon? Tapos hindi mo man lang sinabi sa akin? Para naman nakapaghanda-handa ako kung saka-sakali." Ipinagkrus ko ang braso ko sa aking dibdib sabay taas sa kanya ng isa kong kilay.
Sobrang tagal kong madigest lahat ng nalaman ko kanina. Hindi ko talaga kinaya yung rebelasyon ni Master--este ni lolo ko, kanina sa akin.
Mabuti na lang nandyan sina nanay para ipaliwanag sa akin ang lahat.
"Syempre hindi ko talaga sasabihin sayo!" Sabi nya habang nakangiti ng malawak. "Panget kaya maging spoiler!" Daming alam ni kuya Ken!
"Salamat sa concern ha?" sarkastikong saad ko.
"Hahaha welcome insan! Ang sarap kayang panoorin ng gulat na gulat mong mukha!" Hindi naman ako naaware na may sapak na ang isang 'to. Ibang iba sa Ken Jackson na nakilala ko noon! Mas matino pa sya dati eh!
"Kaya pala hindi ka na nakakapunta sa Resto ko dahil big time ka na Kath!" Sumiksik pa si kuya Rio sa tabi ko at nakisali sa usapin namin ni kuya Ken. "Hindi mo na ako kailangan kaya hindi ka na nagpaparamdam." Drama pa nya.
"Tumigil ka nga kuya Rio! Di bagay sayo!" Sabay batok ko sa kanya. "Pasensya na nga pala kung hindi na ako nakakapagtrabaho doon, hindi ako pinapayagan ni Daniel eh."
"Tingnan mo! Tingnan mo! Kinalimutan mo talaga ako eh! Ni hindi mo nga sinabi sa akin na kasintahan mo pala yung anak ni Dave! Edi sana pala araw araw na akong nakakapunta dito!"
"Hindi ko ba talaga nasabi sayo yon kuya Rio?"
"Hindi Kath! HINDI!"
"OA kuya ha? Ikaw nga hindi mo din sinabi sa akin na kaibigan mo pala si tito Dave eh!"
"Sabi ko nga quits na tayo! Sino pa ba yung umaangal!" Nababaliw na naman sya.. kadalasan talaga magulo ang utak ni kuya Rio.
"Pero.." nginitian ko ng nakakaloko si kuya Rio na syang ipinagtaka nya.
"Pero ano?!"
"May sweldo pa rin maman ako diba?" Malawak ang ngiting tanong ko bago hawakan ang braso nya. Agad nya naman iyong binawi sa akin.
"Magtigil ka Kath ha! Ang yaman yaman mo na susuhulan mo pa ko!"
Di ko naman sya sinusuhulan ah! "Di naman ah!"
"Oo kaya!"
"Tumigil na nga kayo! Para kayomg mga bata dyan." pagpipigil ng pinsan ko. Wow.. akala mo talaga hindi sya isip bata eh.
Hindi ko naimagine na magiging pinsan ko ang minsang tinulungan ko na. Ngayon ko lang napansin na magkapareho kami ng mata. Magkapatid ang tatay ko at ang papa nya. Dalawa lang silang anak nila lolo at lola. Mas matanda si tatay pero unang nagkaasawa si tito Den, papa ni kuya Ken. Sayang lang dahil namatay ang nanay nya. Namatay nung ipinapanganak sya.
Kaya mag-isa si tito Den na nag-aalaga noo kay kuya Ken. Pero ngayon nasa ibang bansa sya. Nagaasikaso ng mga negosyong kalaunan ipapasa nya sa kanyang anak.
"Hindi ko talaga alam kung anong nakita sayo ng anak ni Dave at nagustuhan ka nya. Eh ang panget panget mo naman!" Sinamaan ko ng tingin si kuya Rio ng magbiro sya.
Sinulyapan ko sila nanay pero nakikisakay pa sila sa biro nitong mokong na 'to.
"Sobrang sama mo!" Inis ko syang pinalo sa braso. Pero tawa pa rin sya ng tawa.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...