20. Him

1.1K 26 2
                                    

***

"Bes! Dun tayo! Tara! Tara!"

"Bes! Pagod na ako! Baka gusto mong magpahinga!"

Nandidito ho kami sa mall ng magaling kong best friend. Week end ngayon kaya may time kami para magmall. Actually, hindi ako pumayag eh. Kagabi pa sya tawag ng tawag sakin na magmamall daw kami. Hindi ako pumayag kasi alam ko namang shoppoholic tong si Juls at ang hirap makasama ang isang shoppoholic.

Pero kaninang umaga, naliligo ako nun at bigla ba naman nyang binuksan yung pintuan ng banyo namin! Porket sira sira na yung lock nun gaganyanin na nya! Buti na lang at nakabihis na ako nun bago nya ako hatakin sa labas kundi masasapok ko talaga ito kahit best friend ko sya.

At kaya nahatak nya agad ako ng dire-diretso sa labas kasi kakuntsaba nya yung magulang ko. Saklap dba? Huhuhu. Nagpaalam na pala sya kagabi pa na aalis daw kami kahit sya lang naman talaga yun. At eto ako ngayon, pagod na pagod! Halos malibot na namin tong mall na toh hindi pa rin sya napapagod! Hyper na hyper pa nga eh!

"Bes naman! Pagod ka na nyan?! Eh hindi pa nga natin nalilibot lahat eh!"

"Hindi nalilibot? Eh nalibot na natin to lahat eh! Hila ka ng hila sa akin kung saan saan! Tapos sasabihin mong hindi pa natin ito nalilibot lahat?!"

"Chill Bes! Okay! Okay! Hahaha ang epic ng face mo!"

"Tigilan mo ko Juls ha, masasapok talaga kita"

"Sabi ko nga, takot ko lang sayo"

Nahihigh blood ako dito kay Julia! May energy drink ba syang dala palagi kaya ang hyper hyper nya?! Kung meron sya nun baka gusto nya akong bigyan! Huhu kanina pa ako pagod na pagod!

Perks of being friends with Julia:

1. Mapapagod ka.
2. Mahihilo ka.
3. Maiirita ka.
4. Magkakanda bali-bali yung mga buto mo kakahila nya sayo.
5. Mawawalan ka ng lakas.
6. Mapapagod ka.
7. Mapapagod ka.
8. Mapapagod ka.
9. Mapapagod ka.
10. Mapapagod ka.

Ayan! Binabalaan ko kayo! Kaya wag na kayong makikipag kaibigan dito sa best friend ko kasi ganyan lang yung makukuha nyo sa araw araw!

"Wag mo naman akong pahiyain sa isip mo bes oh! Parang di ka naman kaibigan" nag pacute pa ang loka! Sanay na ako dyan, palagi yan yung line nya kapag pinapahiya o pinapatay ko na sya sa isip ko kasi pagod na pagod na ako.

"Oo na! Naku! Kung di lang kita kaibigan eh!"

"Yiee! Sweet talaga ng best friend ko!"

"Jusko Juls! Wag mo na akong idaan sa ganyan! Oh sige na! Saan mo gusto pumunta?"

"Yehey! Doon tayo sa Clyre Fashion Line! Magsusukat tayo ng damit!"

At hayun! Hindi pa ako nakakasagot hinatak na nya agad ako. Bali bali na nga ata yung buto ko kakahatak nitong babaitang ito eh! Sa susunod nga magpapa x-ray na ako para macheck ko kung buo pa ba yung mga buto ko sa katawan.

Nung malapit na kami sa sinasabi ni Juls, tanaw na tanaw agad ko kaagad yung mga magagandang damit doon. Mukha talaga syang mamahalin at babagay talaga ito sa mga mayayaman. Katulad ng best friend ko. Pagkapunta namin sa entrance, binati agad kami ng guard at pinapasok kami sa loob. Ang sosyal dito sa loob! Kumikinang yung mga damit nila dito! Nahiya naman yung suot ko eh. Mukhang hindi ako bagay dito. Paano kaya ako makakatakas dito sa best friend ko? Ayaw ko naman syang mapahiya dahil sa akin. Baka sabihin ng iba, nagdadala sya ng basura sa ganitong kagandang lugar. At ayaw ko na ding mapaaway itong si Juls.

"Ah bes, naiihi pala ako. Hehe. Aalis muna ako ha? Babalikan kita."

"Ha? Eh magsusukat ka pa eh! Ito nga oh, may mga napili na akong babagay sayo."

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon