65. Real Life.

826 16 0
                                    


***

Daniel's POV

"Namiss mo ba bossing?" Tanong ni Katsumi pagkatapak ko palang sa entrance.

"Hindi."

"Weeeeeh?! Sinungaling!"

Naglakad ako papasok. Agad na bumungad sa akin ang malawak na field kung saan nagtetraining ang mga tauhan dito sa organisasyon na tinitrain ni Master S. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa building ng Driovis. Pagkapasok ko ay agad akong pumasok sa elevator at pumunta sa secret room namin. Sumunod naman sila.

"Here's the file." Inilapag ko ang mga papeles na nakuha ko at nakuha nila na ipinagsama-sama ko sa isang copy. "Pag-aralan nyo." I sat on my chair here. May kanya kanya kaming upuan at walang ibang uupo doon kundi ang may-ari.

"Eh napag-aralan na namin 'to ah?" Sabi ni Lester habang binabasa ang nasa file. Napangisi ako.

"May sinabi ba akong ayan lang?" Umikot ako at kinuha ang ibang papeles sa cabinet na nasa likod ko lang nakapwesto. "Basahin nyo." Sabay abot ko sa kanila.

"Woah.." manghang sabi ni JC. "Paano mo 'to nakuha?" Ngumisi lang ako sa kanya bilang sagot.

"Planado mo na pala lahat."

"Oo Diego, planado na nga nya! Baket? May angal ka?"

"Manahimik ka nga, Luixon." pagsuway ni Seth. "Kailan tayo susugod?"

Kinagat ko ang dulo ng ballpen na hawak ko. "Right after this week."

"Eeeeh? Ang aga naman?"

"I want to end this war, Kats. I. want. to. end. this. as. soon. as. possible."

"San tayo magsisimula?" Tanong ni JC.

Inilapag ko sa mesa ang mapa ng kabuuan ng Lambord. "Iba ka talaga Daniel!" Sigaw ni Lester habang nakatingin ng mabuti sa mapa.

Syempre meron ako neto. Dahil ako na ang susunod na mamumuno.

Binilugan ko ang isang lugar sa bansang Lambord. "Isa yan sa minassacre ng Dark Guild, ang Gregor City. Malawak at maunlad na lugar sa Lambord noon. Sinakop nila dahil alam nilang marami silang mapapakinabangan dito, kaya alam kong dyaan sila nagtatago." I explained to them after I put a red mark to the exact location.

"Edi ayan ang pinakakuta nila?" Good question Lester.

"Hindi." Nakangising saad ko.

"Ha?"

Binilugan ko ang isang lugar sa mapa na kahit kailan hindi mo mapapagkamalang nasakop nila. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nila. "Seryoso?!"

"Nandyan ang kuta ng Dark Guild."

"Eh king ina! Eh ayan yung--"

"Oo Diego, ayan nga yon. At hawak na nila ito ngayon." Pagpapatuloy ko sa dapat nyang sabihin.

"Utak din ng mga yon ah!"

Napatingin na lang ulit ako sa mapa at pinagmasdan iyon. "Pero dahil nandon sila, wala tayong magagawa kundi dito magstay." Bilog ko sa isang lugar hindi kalayuan sa totoong kuta ng Dark Guild. "Minomonitor na nila ang mga taong pumupunta sa bansa nila, at kapag nalaman nilang may alam ang taong pumupunta doon sa totoong nangyayari sa bansang iyon, pinapatay nila agad."

"Brutal!"

"Kaya bago pa mangyari yon, kailangan na natin silang pigilan."

"Sigurado ka bang kaya mong wasakin ang kuta nila Kyle? Alam mo na.."Kita ko ang pagaalinlangan sa mga mata ni Diego.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon