18. .....??

1.1K 26 1
                                    


***

Kath's POV

Hmmm. Sarap ng tulog ko. Ang lambot ng higaan ko. Kasing lambot ng ulap. Nasa langit na ba ako? Wala pa naman siguro. Pero ba't ang lambot ng hinihigaan ko? Ang pagkakaalala ko banig yung hinihigaan ko sa bahay kapag natutulog ako eh. At hindi naman malambot yung banig. Ha? Teka? Asan na ba ako?

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!"

Anak ng! Muntik na akong atakihin sa puso! Papatayin nya ba ako! Kung patay na sya wag nya akong idamay uyy!! Kaso ang pogi naman nitong multong to?

"SINO KA?! SAN MO KO DINALA?!NASAN AKO NGAYON? KIDNAPPER KA BA?! HA?! SUMAGOT KA?!"

"Shut up" sabi ko nga. Napakabossy talaga nitong si Daniel eh noh. Kala mo naman nasa bahay nya ko. W-wait? Daniel?!

"Wahhhhhhh!!!!!! Nasa bahay nyo ba ako?!"

"Obviously. Stupid." Ahhh!!!! Nasa bahay ako ng Ashton. Paano ako nakapunta dito?! Ughh. Wala akong maalala. Kath! Alalahanin mo!

"Oh Kath! Naku! Mabuti na lang at gising ka na! Kamusta na pakiramdam mo? Ayos ka na ba?"

Bigla na lang bumukas yung pintuan at niluwal nito ang isang napakagandang babae at napakagwapong lalaki.Teka. Sino tong babaeng to. Hindi ko naman sya kapatid kasi maganda sya tapos ako hindi. Dyosa. Sino ba ito? W-wait.

"Tita Kylie?"

"Ay naku! Oo iha. Ayos ka na ba?"

"Ano pong nangyari sakin?"

"Nawalan ka ng malay kagabi eh matapos mong--"

"Hon."

"Ay oo nga pala. Sige Kath. Nasa baba lang si Manang Marcy. Kung kailangan mo sya, tawagin mo na lang. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sayo eh kaso Aalis na kasi kami eh. At si Daniel na din ang bahala sayo"

Tumango na lang ako tapos saka nya ako niyakap. Nagpaalam lang sila sa amin ni Sir pagkatapos ay umalis na din sila. Pagkasarado ng pintuan. Walang nagsasalita sa amin ni Daniel. Nakasandal lang sya sa pader malapit sa pintuan. Ang layo nga namin sa isa't isa eh.

Bigla na lang tumulo yung luha ko kaya pinunasan ko kaagad. Ngayon. Ngayon naalala ko na. Naalala ko na kung anong panghuhusga yung ginawa nya sa pamilya ko. Haha. Alam ko namang napaka straight forward nya eh. Kaso hindi pa rin pala ako sanay.

Nang mahimasmasan na ako ng kaunti ay tumayo ako kaagad sa kama. Inayos ko muna yun ng mabuti tapos binalik ko yung tsinelas na nakalapag sa sahig. Hindi naman sakin yun kaya wala akong karapatan na gamitin yun. Hindi ko kasi mahanap yung sapatos ko eh.

"What are you doing?" Tiningnan ko si Daniel na ngayon ay nakakunot yung noo sakin. Nakatingin sya sakin pero hindi pa rin sya umaalis sa pwesto nya.

"Wala. Naalala ko kasi na dapat mga mayayaman lang yung humiga sa ganyang higaan. Eh hindi naman ako mayaman eh diba? Baka madumihan ko pa yan mamaya, wala pa naman akong pangbayad. Mahirap nga lang kasi ako eh." Habang sinasabi ko yan. Nakangiti ako sa kanya. Ayaw ko ng maging mahina kapag kaharap ko sya. Kailangang ipaalala ko sa sarili ko na sya si Daniel.

Medyo naguluhan naman sya sa inasal ko pero bumalik ulit sya sa cold expression nya.

"Yeah."

Napangiti na lang ako tapos naglakad ako patungong pintuan. Ayaw ko ng magtagal dito. Baka magkasagutan na naman kami. Syempre wala akong laban. Si Daniel yan eh.

Pero bago ko mahawakan yung doorknob may humawak ng kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya. Ano pa bang kailangan nya? Wag mong sabihing sisingilin nya ako kasi dito ako natulog? Wala akong dalang pera. Ayyt! paano na ako makakauwi nyan?!

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon