8. Work.

1K 27 0
                                    


***

Kathryn's POV

Naglalakad na ko pauwi. Tapos na din naman yung klase kaya uuwi na ako. Hindi naman ako mayaman para maglakwatsa pa eh. Mas pipiliin ko na lang ang matulog kaysa sa gumala. Hindi pa sasakit ang paa ko.

Yung kanina. Sa sulat. Huhuhu, nakakatakot ng pumasok. Sabi ko na nga ba eh! Imposibleng hindi nya ko naalala! Sulat pa lang yon, pero kinabahan na ako. Pero ewan ko lang kung baket.. kinabahan ako, oo. Pero hindi talaga ako yung totally-ing takot na takot. Natatakot ako sa kanya pero hindi yung sobrang natatakot talaga. Gets nyo? Basta, ganon yon. Medyo magulo nga lang. At saka nakakalito lang.

Seryoso pala talaga sya dun?! Eh hindi ko naman sinasadyang pasukin yung condo nya eh! Aksidente kaya yun. Dba readers?! Hindi ko naman kasalanan kung bukas yung pintuan ng condo nya. Bakit ba naman kasing hindi uso ang magsara sa kanya ng pinto. Napapasukan tuloy sya. Kung hindi nga lang ako mabait, baka ninankawan ko na yung condo nya.

Eto ako ngayon, naglalakad at tila malalim ang iniisip. Iniisip ko kung pano ko sya maiiwasan. Hayy.. dumating lang sya, nagkandaleche leche na yung buhay ko. Nakakabaliw.

"Ay! Naku! Sorry po! sorry po!" Tanga mo talaga Kath! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan eh! Waah! Baka hambalusin ka pa nyang nakabangga mo!

"Naku, ayos l----- KATH?!!" OMG!!!! Si kuya Rio!!!!!

"Kuya Rio?! OMG! kamusta ka na?!" Namiss ko 'tong lalaking 'to! Ang tagal ding di naming nagkita! Nakakamiss yung kabaliwan nya!

"Naku kath! Eto gwapo pa rin, hanggang ngayon." May pagkamakapal nga pala itong lalaking toh. Kaya pagpasensyahan nyo na.

"Hahahaha palabiro ka pa rin pala kuya Rio eh!!!" Nakita ko naman syang nag pout. Hahaha inaasar ko lang naman sya eh. Pero totoo naman na gwapo sya. Masyadong makapal lang talaga ang mukha at gwapong gwapo sa sarili kaya inaasar ko. Pero wag ka, ang daming naghahabol dyan. Tumatanda na kasi, wala pa ring girlfriend.

"Ikaw Kath ah! away mo ko!"

Isip bata talaga. -_-

"Hahaha syempre joke lang kuya! Eto naman! di mabiro!" Nagusap pa kami ni Kuya Rio ng ilang minuto. Namiss namin yung isa't isa, nakakamiss talaga yung kaulitan nya. Yung mga biro nya, nakakamiss ang lahat lahat sa kanya!

Si kuya Rio nga pala yung manager ko sa dati kong pinagtatrabahuhan. Sa bar. Wag kayo! Hindi ako yung dancer dun noh! Kumakanta ako dun at sya din ang nagpasok sakin doon. Maraming negosyo itong si kuya Rio kaya sobrang yaman nyan! Hindi nga namimigay, masyadong madamot. Pfft..

Umalis lang ako kasi nga pasukan na. Kailangan kong magpokus non sa pag-aaral dahil last year ko na sa high school. Medyo busy din nung pasukan at sobrang daming project nitong nakaraang grading. Buti nga ngayon, maluwag na ang sched ko, pwede na ulit akong magtrabaho.

"Naku kath! Kailangan mo ba ng trabaho ngayon?"

"Ha? Oo naman! Pano mo nalaman yan? May pagkastalker ka pala, kuya Rio." naghahanap talaga ako ng trabaho ngayon eh. Para matulungan ko na sila papa at mama.

"Wala lang. Tamang tama! Kailangan ko din ng aplikante ngayon eh! Free ka ba?" Tanong nya. NAMAN! sayang oportunity!

"Oo naman yes! Free na free! Ano ba yung magiging trabaho ko?"

"Kababagong bukas pa lang kasi ng Restaurant ko. Actually, puro dessert lang naman tinda dun. Parang 7 11 lang ganon. Tapos kulang yung trabahador kaya eto naghahanap ako. Yung magiging trabaho mo dun, eh yung sa counter."

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon