***
Kathryn's POV
"Manang Marcy! Ako na po dyan!" Sabi ko kay manang Marcy bago tumakbo palapit sa kanya. "Sigurado ka ba iha?" Tanong sa akin ni manang Marcy. Tumango naman ako sa kanya." Opo naman po!" Nginitian ako ni manang Marcy bago lumipat ng pwesto at kamustahin ang ibang maids na naglilinis. Naglilinis kami ng buong bahay ngayon eh. Alas syete pa lang naman ng gabi. Kanina lang din nangyari yung engkwentro namin ni Daniel. Pagkatapos nya akong halikan sa noo at itinulak palabas ng kwarto nya ay sinaraduhan ba naman agad ako ng pinto! Walang pasabi! Buti na lang at hindi ako naipit non.
Sinimulan ko ng punasan ang maliit na cabinet sa harap ko. Inuna ko muna ang mga picture frames na nakapatong sa taas ng maliit na cabinet. Kinuha ko ang isa at pinagmasdan ko muna yon. Ang perfect talaga nila, ang gaganda't gwapo ng lahi eh. Nakapormal suits silang lahat. Nakangiti ng malawak si tita Kylie. Nakangiti naman ng tipid si Sir Dave at si Daniel ay nakapoker face lang pero lalo iyong nagpalakas ng kanyang dating. Pinunasan ko na lang yon bago ibinalik sa pagkakalagay. Binuksan ko ang unang drawer at tinanggal ang lahat ng laman non. Pinunasan ko ang loob bago ibinalik ang mga laman. Ganon din ang ginawa ko sa iba. Ngunit ng sa panghuling drawer na ay may nakita akong isang picture frame na nakataob. Kinuha ko yon bago ako tumayo. Pinunasan ko ang picture frame bago ko tinitigan kung sino ang nandodooon. Parang nanliit ang tingin ko sa sarili ko nung nakita ko ang larawan. Isang magandang babae na parang kaedad ko lang din na nakangiti ng abot sa tenga na lalo nyang ikinaganda. Sino naman 'to?
Binalik ko na lang ulit ang picture frame sa drawer matapos kong punasan ang loob. Hindi ko naman sya kilala kaya bakit ko naman iyon poproblemahin. Baka pinsan lang ni Daniel yon. Pero hindi nya masyadong kamukha eh. Posible kayang girlfriend nya? Pero ang sabi nya sa akin, wala naman daw syang girlfriend.
Nakarinig ako ng yapak ng paa sa hagdan na parang pababa na ito. Pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ko at hindi iyon pinansin. Ako lang ang naglilinis dito sa living room dahil karamihan sila ay nasa taas at kusina o di kaya sa bakuran. Una din naman kasi naming nilinis itong living room kaya malinis na sya ngayon. "Anong ginagawa mo?" napatingin ako kay Daniel na nakapamulsang nakaharap sa akin. Gulo gulo pa rin ang buhok nya na parang kakagising nya lang. Natulog na naman siguro ito nung umalis ako sa kwarto nya. Pero mas lalo syang naging hot sa gulo gulo nyang buhok. "Ano sa tingin mo? Sumasayaw?" Pangbabara ko sa kanya. Obvious naman kasi, tinatanong nya pa. Bigla ko tuloy namiss yung pagsasayaw ko. Hindi din naman kasi silang nagpapameeting sa dance club. Hindi pa daw kasi ito yung time para magpasikat. Parang timang lang.
"You know what? Ikaw lang ang nakakabara sa akin." saad nya bago ako tinaasan ng kilay. "Hindi lang pala ikaw.. pati din pala sya." Sabi pa nito bago naglakad papunta sa kusina. Siya? Sinong sya?
Nagkibit balikat na lang ako bago maglinis ulit. Lumipat ako sa mga vase at iyon naman ang pinunasan ko. "Kumain ka na?" napalingon ako kay Daniel na nakasandal sa pader habang may hawak na isang tasa sa kanyang kamay at yung isa naman ay nakapamulsa lang. Gabi, nagkakape sya? "Oo. Ikaw, kumain ka na. Hindi puros kape yang iniinom mo." Pangaral ko sa kanya pero parang wala syang narinig dahil hindi nya pinansin ang sinabi ko. Naglakad sya papunta sa sofa at doon umupo pero nakatingin pa rin sya sa akin. "Wag kang magbabasag dyan ah." sabi nito. Inirapan ko na lang sya, as if namang gagawin ko yon. Edi nagbayad pa ako.
"Eto pa oh, ang daming dumi dito." tiningnan ko ang tinuturo nya at nakitang may dumi nga doon ngunit isang kapiraso lang naman. Lumapit na lang ako sabay pinulot yung basura. Hindi pa ako nakakalayo sa kanya ng mag-utos na naman sya sa akin. Ang dami nyang inuutos at sunod sunod pa! Halatang inaasar lang ako netong lintek na lalaking to ah!
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...