54. Brown Envelope

1K 19 0
                                    


***

Kathryn's POV

Tatlong araw na din magmula ng iconfine ako sa ospital. Tulad noong una, araw araw nandidito sina Julia. Binibigyan nila ako ng notes nila dahil hindi ako nakakaattend sa klase. Sa tatlong araw na yon, hindi ko na nakausap si Daniel. Oo, nandidito sya sa kwarto. Nakamasid pero hindi pa kami nagkakausap ng kaming dalawa lang.

Naalala nyo pa ba yung lumabas sya? Hindi na sya bumalik nung araw na yon. Bumisita sya ulit sa akin kinabukasan. Pero may nakita akong kakaiba sa kanya, may pasa kasi sya sa bandang pisngi. Pero hindi naman malala. Siguro nakuha nya yun nung inililigtas nila ako, pero wala naman akong nakitang pasa sa kanya nung pagkakita ko eh. Kaya saan nya nakuha yon? Tapos para pa syang lutang. Kahit nandito sya sa loob, minsan nahuhuli ko syang nakatulala. Parang may iniisip sya na sobrang lalim. Kung ano man yon, alam kong importante yon kasi nagawa nong pag-isipin ang isang Daniel Kyle Ashton. Kahit na nagtataka, hindi na ako nagabalang tanungin sya.

Naitanong ko sa SHADON kung paano nila nalaman na nakidnap ako at kung saan ako naroroon. Ang sabi nila, may unregistered number daw ang nagtext sa cellphone ni Daniel kaya nila nalaman. Nung nabasa daw nila ang mensahe, halos madurog daw ni Daniel ang cellphone na hawak nya gamit ang isang kamay lang. Nanguna pa nga daw syang pumunta. Sinubukan daw nilang pigilan pero hindi daw nagpapigil. Pagdating daw doon sa bodega, halos ubos na daw ang lahat ng tao sa labas. Galit na galit daw sya. Mabuti na nga lang daw hindi pa pumapasok si Daniel sa loob nung naabutan nila, kasi daw mas delikado kung sya lang mag-isa ang pumasok. I wonder kung sino at ano ang sinulat nung taong yon sa text.

Nung araw na nagising ako, laking gulat ko din nung nakita ko doon sina nanay at tatay. Nangatog pa ang buo kong katawan sa pagaakalang papagalitan nila ako. Pero laking gulat ko ng ngumiti lang sila at sinabing magiging ayos din ang lahat. Kahit halata naman sa mga mata nilang dalawa na kakagaling lang nila sa pagiyak. Natuwa ako dahil hindi na sila nagtanong, hindi ko kasi alam kung paano ipapaliwanag.

Sumunod namang pumasok noon ang mama at papa ni Daniel. Daig pa ni tita Kylie si mama kung umiyak sa harap ko. Habang si Sir Dave ay nakatayo lang sa pinto non pero dama ko ang awa nya sa akin. Nagmadali daw talaga silang umuwi ng malaman nila ang nangyari sa akin. Hindi daw nila ito mapapalagpas.

At hindi pa don natatapos ang pagkagulat ko. Dahil sunod na pumasok sina Master S at kuya Ken. Katulad ng iba, kinamusta nila ang pakiramdam ko. Paulit ulit naman akong nagsasabing ayos lang ako. Nakakapagtaka lang noon una dahil nakangiti si Master S sa tatay ko. Habang si tatay naman ay ngumiti din kay Master S. Humalik naman sa pisngi si nanay at yung mama ni Daniel. Si Sir Dave maman ay ngumiti lang din.

Nung tinanong ko kung magkakilala ba silang lahat, ang sabi nila ay nagkakilala lang sila kanina. Nakakapagtaka lang dahil sobrang close agad nila. Pero kung ganon, ayos na din yun. Atlis nameet na nila mama sa personal sina tita Kylie. At nameet na din nila si Master S at kuya Ken.

Sa sumunod na araw, wala namang pinagbago. Ganon pa rin. Minsan, salit-salitan sila sa pagbabantay sa akin. Maliban nga lang sa pamilya ko. Hindi pa sila dumadalaw sa akin hanggang ngayon simula nung isang araw. Ayos lang din naman dahil nagpaalam sila. Ang sabi nila, may aasikasuhin lang daw sila ngayon. Magpagaling daw muna ako bago nila sabihin kung ano ang ginawa nila.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nawala ako sa pagbabalik alaala ng marinig ang boses nya. Kahit hindi ko alam, bigla bigla na lang akong napapangiti.

Daladala ang tray na may lamang pagkain, umupo sya sa kama ko. Nakaupo na din naman na ako simula kanina pa kaya hindi na ako nahirapang mag-adjust. "Medyo." Nakangiting saad ko habang pinagmamasdan ang ginagawa nya.

Nakaitim sya na v-neck. Nakapantalon at simpleng sapatos. Magulo ang buhok nya. Na para bang hindi na syang nagabalang ayusin yon. "Kain ka muna."

Pagkatapos ihanda ang mga pagkain ay sinimulan na nya akong subuan. Ang sabi ko sa kanya, kaya ko na. Pero nagmatigas sya at sya na daw ang gagawa. Hinayaan ko na lang.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon