34. Her Punishment.

1.2K 25 7
                                    


***

Kathryn's POV

We stayed in that position for I don't know how many minutes. Nakahalik pa rin sya sa gilid ng labi ko that made my heart beat faster. Hindi ko alam ang gagawin ko, I'm still shocked. Ni hindi ko nga kayang igalaw ang katawan ko. Humigpit ang hawak nya sa beywang ko dahilan ng mas lalong paglapit ko sa kanya. Iniangat nya na rin ang kanyang ulo pero yung hawak nya, hindi nya pa rin inaalis. Nakatingin lang ako sa chest nya dahil hindi ko kayang tingnan ang mga mata nyang nakakalunod. Damn! Ngayon ko lang narealize ang ginawa nya! That was too close for pete's sake! Konting konting konti na lang, labi ko na ang mahahalikan nya.


"That was your first punishment, and get ready for the next." Sabi nya bago kalasin ang pagkakakapit sa beywang ko. Napahawak naman ako sa table para suportahan ang bigat ko dahil nanghihina pa rin ako sa ginawa ng lecheng lalaking nasa harap ko. Ngayon ko lang din napagtanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga. "I.. I.." nangangapa pa rin ako sa sasabihin ko. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang ginawa nya. At hindi yun maganda!


"Why so shocked?" tanong nya na nakapagpabalik sa akin sa katinuan. Nakangisi sya sa akin habang tinititigan ang itsura ko ngayon. "You look hot in that position." tukoy nya sa posisyon kong nakaupo sa table na medyo nakabukaka dahil nga kanina ay nasa pagitan sya ng hita ko. Napatalon naman ako pababa sa table bago ko sya sinamaan ng tingin. "Bastos!" Singhal ko sa kanya.


"Is that your first time?" Kalmado nyang tanong sa akin kaya naging kalmado na din ako. Bakit ba parang wala lang sa kanya yung ginawa nya? Hindi man lang sya naapektuhan.


"Yung ano?"


"Halikan ng isang lalaki." Simpleng sabi nya na nakapagpamula ng buong pisngi ko. Bakit nya pa ba pinaalala?! Tinatakasan ko nga yun eh!


"Hindi ah!" Tanggi ko.


Nakita ko namang kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko. "What do you mean by that, may nauna ng nakahalik sayong lalaki?" Taas-kilay nyang tanong sa akin. Nanlaki naman ang mata ko at agad na iniling ang aking ulo. "Wala! H-hindi ganon ang ibig kong sabihin!" Tanggi ko ulit. Tinitigan nya lang ako ng matagal pagkatapos ay tumalikod na sya sa akin. "Linisin mo na ang naiwan mong kalat sa baba." -_- sabi ko nga. Akala ko pa naman bumait na sya, nakalimutan kong si Daniel pala ang kausap ko kaya imposibleng bumait sya.


Lumabas na agad ako sa kwarto nya dahil naaalala ko ang nangyari sa loob. Bakit ba ayaw mawala ng eksenang yon sa utak ko? Waaah! Bumibilis yung tibok ng puso ko kapag naaalala ko yun eh! "Paasa.." mahinang banggit ko kasabay ng pagngiti ko ng mapait.


***


Pagkatapos kong malinis ang mga papel na iniwan ko kanina ay nagpahinga muna ako saglit. Hindi na din kumikirot ang sugat ko dahil magaling ang naggamot sa akin, yun nga lang masyadong paasa. Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagpaalam na din ako kanila manang Marcy at sa iba pang maids. Pagkapasok ko sa kwarto ay naligo agad ako. Stress ngayong araw! Ang daming nangyayari sa akin.



"Guess it's true I'm not good in a one night stand,

But still need love cause I'm just a man,

This nights never seen to go to plan,

I don't want you to leave, will you hold my hand,

I want you, stay with me

Cause you're all I need

This ain't love it's clear to see

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon