31. Sorry

1.2K 26 1
                                    

***

Kathryn's POV




Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin na hawak ko. Mapula pa rin ang aking pisngi. May bandage sa bandang ulo meron din sa gilid ng labi. Napangiwi ako dahil sa itsura ko ngayon. Gosh. Nawala ang aking beauty! Grabehan naman kasing magselos si campus queen. Mahal na mahal nya si Daniel eh. Wala namang pakealam sa kanya yung tao. Parehas lang kami, hindi pinapansin ng taong gusto namin. Buhay nga naman.


Hindi na ako mapakali kakaisip kung ano ang gagawin ko mamaya. Diba nga, sa bahay na nila Daniel ako titira for two days. Hindi naman pwedeng magpakita ako sa kanya na ganito ang lagay ko. Mukha akong hinostage ng mga sindikato. Pero inaasume ko kasing magaalala sya kapag nakita nya ang lagay ko ngayon, pero mukhang imposibleng mangyari yun sa tana ng buhay ko. Baka nga pagtawanan nya pa ako, pero imposible ding mangyari yon dahil bihira lang tumawa yung lalaking yon. Ang daming imposible kay Daniel!


Sila Julia ay lumabas muna. Iniwan ako dito ng mga gaga! Ako lang tuloy ang mag isa dito.  Sabi nila, wag daw akong lumabas at sumunod sa kanila hangga't hindi pa dumadating ang magsusundo sa akin. Eh ano na po kayang oras, magbebell na maya maya, hudyat na uwian na ng mga estudyante habang ako ay nakaratay pa rin dito sa kama ng clinic. Wala atang balak yung mga yon na balikan ako eh.



"Nurse Car, eto po ba yung pinapahanap nyo?" napahinto ako sa pageexamine ng mga sugat ko ng may pumasok sa clinic. "Ay, wala si Nurse Car." bawi nito ng mapagtanto na wala dito ang hinahanap nya. Kinamot nya ang kanyang batok bago tuluyang pumasok sa clinic at isinirado ang pinto. Mukhang hindi nya alam na may iba pang tao dito bukod sa kanya. Naglakad sya ng deretso patungo sa table ni Nurse Car at iniwan doon ang first aid kit na hawak hawak nya kanina. Paalis na sana sya ng makita nya ako na nakahiga sa kama. Nanlaki ang mata nya ng makita nya na may tao pa pala dito bukod sa kanya. Buti naman at napansin nya din.


"Aatakihin ako sa puso sa ginawa mo eh!" Singhal nya ng makarecover na sya sa pagkagulat. Huminga pa sya ng malalim nng makilala nya ako. "Wala akong ginagawa sayo." Sagot ko sa kanya dahil wala naman talaga akong ginawa sa kanya kanina. Sya nga itong pumasok agad ng hindi tinitingnan kung may iba pa bang tao sa loob.


"Tinakot mo kaya ako!" Pagtatanggol nya. Napairap ako sa kanya dahil don. Hindi nga ako gumalaw mula sa pagkakaupo ko dito sa kama tapos pagbibintangan nya akong tinakot ko sya? "Wala nga akong ginagawa kanina. Paano kita matatakot kung nakaupo lang ako dito?" pagtataray ko sa kanya. Lumapit sya sa akin habang nakangiti at umupo sa couch sa gilid ko. "Hindi mo na kasi kailangang gumalaw para matakot ako. Sa mukha mo palang ngayon, nakakatakot na eh." Binato ko sya ng unan na nahawakan ko pero nasalo nya lang iyon. Galit na galit ko syang tiningnan habang sya ay tumatawa. Nakakainis sya! Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking to! Wala pa talagang magandang naidudulot ang pagkikita namin simula noong una!


"Beastmode! Joke lang yon!" Bawi nya habang nagpupunas ng luha nya dahil sa kakatawa. Ang lakas ng loob nyang laitin ako, excuse me! Ang ganda ko kaya kahit na marami akong sugat ngayon! "Wag na wag mong susubukang lumapit sa akin dahil kapag hindi kita natantsa, sasapitin mo ang sinapit ko ngayon." Pagbabanta ko sa kanya ng subukan nya akong lapitan. Agad naman syang bumalik mula sa pagkakaupo sa couch. "Joke nga lang kasi." Sabi nya ulit pero inirapan ko lang sya. Bakit hindi pa sya umalis? Nabibwiset lang ako sa pagmumukha nya eh.


"Ang sungit sungit mo kapag nagkikita tayo. Kailan ko kaya makikita ang good side ng isang Kathryn Alexis Salvador?" Tanong nya habang nakatingin sa taas at ang kanyang dalawang siko ay nakapatong sa couch. "Eh ikaw kaya, kailan kaya mawawala sa paningin ko ang isang Thorse Zack Emith?" panggagaya ko sa kanya kaya napatingin sya sa akin ng nakakunot ang noo. "Ouch naman.." kungharing daing nya habang hawak nya pa ang kanyang dibdib.


That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon