Part 7.2. Kilig

1.1K 26 4
                                    

***



Kathryn's POV





"Anong ginagawa mo dito?"


"This is a bar right? What do you want me to do, then?" balik na tanong nya sa akin. Napaface palm ako. Inis ah. Teka, bakit parang sya pa ang naiinis sa aming dalawa?



"Oh, edi ano pang ginagawa mo dito sa labas? Pasok na sa loob." Iritado kong sabi.



"Prinsipe ang kausap mo binibini.. Baka nagkakalimutan tayo." binigyan nya ako ng nakakapang-asar na ngiti. Tumingin sya sa gilid ko. "Paano ako makakapasok kung nakaharang ka." agad kong tiningnan ang dadaanan nya kung nasasakop ko ba. Pero walangya lang! ang lawak lawak naman ng daan!



"Malawak po ang daan, Sir." Sarcastic kong sabi.



"Gusto kong dumaan dyan sa pwesto mo eh." para hindi na tumagal ang pag-uusap namin, tumabi na lang ako. Bwiset, ano bang inaanga mo Kath? Kala ko ba kapag kaharap mo sya dapat fierce? Anyare? Bakit parang mas fierce pa sayo ang lalaking yan?



Pinanood ko lang syang humakbang ng humakbang. Nakacross arms ako habang inis na nakatingin sa kanya. Putek kasi eh, kung alam ko lang na susugurin nya ako dito edi sana nakapagsuot ako ng sexy-ing damit para naman maglaway sya sa akin. Edi sana hindi lang ako ang naglalaway ngayon. Putek kasi bakit ba napakagwapo ng isang 'to?



"What?" Huminto sya bigla sa harap ko kaya bahagya akong napaatras. Bwiset nakakagulat yun ah! Walang pakundangan! Pag sya hinalikan ko dyan.



"Kailangan talaga ilapit yung mukha?"



"Mukha kasing nahihirapan kang titigan ang mukha ko sa malayo eh. Baka kamo gusto mo ng mas malapit." Nginisian nya ako na para bang isa ako sa mga fangirl na baliw na baliw sa kanya.



"Asa." napapairap na saad ko. Ang hangin ah. "Kumapal ata yang mukha mo nitong mga nakalipas na taon? Anong ginawa mo?"



"Hindi ko kasalanang maging gwapo, nasa lahi kasi yan." Proud na proud na aniya. Ha.. First time kong makakilala ng isang prinsipe sa personal, or should we say isang hari. Pero sobrang kapal naman ata ng mukha ng isang 'to. "You know what? I badly want to hug you right now." Biglang naging seryoso ang boses nya na ikinabigla ko. "But I can't."



Kumunot ang noo. "Why?"



"I don't have your permission." kibit balikat na saad nya. Lumamlam ang tingin ko sa kanya. Parang may paru-paro sa tyan ko dahil nakikiliti ako mula doon. Hindi ko alam kung dahil ba yon sa kanya o ano.



"Kailangan pa ba ng permiso ko?" Tanong ko. Tiningnan nya ako bigla ng nakakaloko. Saka ko lang naalala na hindi malinaw ang pagkakatanong ko sa kanya. Sigurado akong namisunderstood nya yung sinabi ko! "What I mean is--"



"Sa bagay.. Bakit pa nga pala kailangan ng permiso mo kung kayang kaya ko namang gawin yon?" Naiinis ako sa ngisi nyang hindi matanggal tanggal. Alam kong inaasar ako ng isang 'to! "Ikaw nga, pumasok sa condo ko ng walang permiso sa akin na pasukin mo eh.. Hindi naman ako nagalit. So maybe it's my turn?"


The heeell?! At talagang naisingit nya pa yon? Hell! Limang taon na ang nakakalipas hindi nya pa rin yun nakakalimutan? Tindi ah! At saka di ko naman kasalanan yun eh. Kasalanan ko bang maging tanga nung panahong yon?



"Talagang hindi mo--" Napahinto ako sa pagsasalita at nanlalaki ang matang tinitigan sya ng marahan nya akong itulak at isandal sa pader. "Anong ginagawa--" Muli akong napahinto sa pagsasalita ng hawakan nya ang dalawang kamay ko gamit ang isa nyang kamay at ipwesto iyon sa aking likuran. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak nya pero taena ang lakas ng isang 'to!



That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon