Part 10. 2. END

1.4K 29 6
                                    

***

Kathryn's POV

Pabalik-balik ang tingin ko sa mga babaeng hindi magkandaugaga sa pag-aasikaso sa akin. Like what the eeef? Nagulat na lang ako ng biglaang sinugod nila ako dito sa kwarto ko para sabihing maligo na ako. Kakagising ko lang non nang bigla silang pumasok. Sapilitan pa nila akong tinulak papasok sa banyo.

"Maganda 'to!"

"Hindi! Ito ang mas bagay sa kanya!"

"Gaga! Simplehan mo lang!"

Pinagkunutan ko sila ng noo dahil sa mga pinaggagawa nila. Sila Cherry, Genemy at Cristine ang pumipili ng susuotin ko na hindi ko naman alam kung para saan, ayaw din naman kasi nilang sabihin. Habang sina Julia at Sofia ang nakatoka kuno sa pagmemake-up sa akin. "Teka lang ha? Ano ba talagang meron ngayon?" Hindi ko na napigilang magtanong sa kanila. Kanina pa ako clueless kung ano ang mga nangyayari. Di ko naman birthday. Wala rin namang kahit na anong espesyal sa araw na 'to kaya nagtataka ako kung bakit ganito ang mga kinikilos nila. Nakabihis na silang lahat ng desente at nakapag-ayos na rin. Ako na lang ata ang hindi pa at walang kaalam-alam kung bakit sila nagkakaganyan.

"May pupuntahan kasi tayo." Sabi ni Cristine habang inilalapag ang isang dress sa kama ko. Napagkasunduan nilang tatlo ang dress na may design na bulaklak na hanggang tuhod ang haba {Multimedia}. Maganda ang combination ng kulay ng bulaklak sa kulay ng damit. Ang ipinang-partner nila doon ay ang kulay blue na heels na kumikinang sa mga glitters nito.

"Party ba ang pupuntahan natin at kailangan pang ganyan ang isuot ko?" curious na tanong ko. Ngumiti lang sa akin si Cherry. Masyado kasing bongga. Jusko, para naman akong aatend nito sa isang espesyal na kaarawan.

"Mas maganda ng wala kang alam..." Ngumiti sya sa akin ng pagkatamis-tamis. "Suotin mo na 'to para mamake-upan ka na nila Sof at Juls."

Kahit na nagtataka ako sa mga galawan nila, hinayaan ko na lang sila at sinunod kung ano ang iniuutos nilang gawin ko. Jusko, wag lang talaga nila akong isasama sa mga kalokohan nila. Baka mapahamak pa kami.

"Pak na pak ang ganda mo ate gurl!"

Pinagmasdan ko ang sarili ko na nakatayo sa harap ng salamin nang matapos na sila. Saktong sakto sa akin ang napili nilang dress na tinernuhan ng blue na sandals na kumikintab dahil sa glitters. Pinusod nila ang kalahati ng buhok ko habang ang kalahati ay kinulot nila at hinayaang nakaladlad. Nag-iwan sila ng ilang hibla ng buhok sa mukha ko at kinulot din nila iyon. Minake-upan nila ako ng light na make up na bumagay sa akin. Dahil natural na kulay pula na daw ang labi ko, lip tint na lang ang nilagay nila doon.

Napangiti ako ng wala sa oras. "Ganda ah.." Puri ko sa gawa nila. Kanya-kanya naman silang pagmamalaki sa akin kaya natawa ako ng bahagya.

Sa huli ay napagdesisyunan naming sumakay sa iisang kotse lang. Si Julia ang magdadrive. Nakaupo sa shotgun seat si Genemy at Sofia. Kasya silang dalawa dun eh. At kami namang tatlo sa back seat. Nasa gitna namin ni Cristine si Cherry.

"Yung totoo? Saan ang punta natin?" Hindi ko na talaga makayanan ang hindi magtanong. Ayoko na wala akong alam. Curiousity kills me. Idagdag mo pa ang mga ngisi nila sa tuwing mapapatingin ako sa kahit na sino sa kanila. Nakakakilabot kaya.

"Wag ng madaming tanong, sis. Malalaman mo rin mamaya." Saad ni Julia habang nakangiti ng malawak.

"Oo nga Kath, sigurado akong magugustuhan mo yon." sabi ni Sofia.

"Pupunta tayong heaven, Kath." taas-baba ang kilay na sabi ni Cherry.

"Don't worry Kath, hindi ka mapapahamak don." Malokong sabi ni Cristine.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon