***Kathryn's POV
"Grabe Master lolo, ang saya sa lugar na yon! Yung mga bata ang ku-cuteee! Ang sarap nilang iuwi! Kung pwede nga lang eh! Hahahaha! Ang saya nilang kalaro. Parang bumalik ako sa pagkabata ko noon. Kahit bata sila ang mamature na nilang mag-isip. Ang simple lang nila at sobra yong nakakatuwa!" Sunod sunod ang pagsasalita ko sa loob ng sasakyan habang nakangiti ng sobrang lawak. Inaalala ko yung nga ginawa ko doon sa Villa Fallen. Grabeeeee! Sobrang memorable talaga non!
Yung mga ngiti nila sobrang totoo. Iyon bang parang hindi nila alam ang salitang peke? Ang saya sya nilang kalaro. Hindi ko akalain na iwewelcome nila ako ng ganon! Buti hindi sila naawkward sa akin dahil mas matanda ako sa kanila. Hahaha
Kaso nung may naalala ako bigla din akong nalungkot. "Pero nakakaawa sila.. hindi ko alam na sa likod ng mga ngiti nilang yon, ulila na pala sila sa kanilang mga magulang." Totoo iyon. Pagkatapos kasi naming maglaro ng mga bata doon, siguro mga nasa bente sila, nagkwentuhan kami. Ang akala ko pa nga ang ikekwento nila yung tungkol sa mga bago nilang laruan. Yung mga bagong natanggap nilang regalo. Yung mga ganon ba? Pero nagulat ako ng magkwenro sila isa isa sa kanilang mga pamilya. Naawa ako ng malaman kong wala na silang magulang. Ang nagbabantay lang pala sa kanilang bahay doon sa Villa Fallen ay iyong mga hinired na yaya ng may-ari ng Village na iyon. Mababait naman daw ang nagbabantay sa kanila at itinuturing na talaga silang parang tunay na anak kaya kahit papano, naiibsan ang pangungulila nila sa totoo nilang magulang.
Sobrang thankful daw sila sa may-ari noong village na nagpatuloy sa kanila doon. Sya daw kasi ang nagasikaso ng lahat, iyon ang sabi sa kanila ng kanilang mga yaya. Ngunit hindi sinabi sa kanila kung sino. Kaya habang lumalaki sila, lalo silang naeexcite na makilala ang may-ari ng kanilang tinitirhan. Gusto nila itong makita upang magpasalamat ng sobra sobra.
"Iba sila mag-isip sa ibang kabataan. Masyado silang mature.." Pakiramdam ko nga ay mas matured pa sila kaysa sa akin.
"Nalulungkot ka ba?" Tanong ni lolo.
Tumango ako. "Pero po nakakahanga ang personality nila. Kahit po ganon yung pinagdaraanan ng bawat isa, hindi pa rin po nila nakakalimutang ngumiti." Hindi alam ng mga batang iyon kung ano ang itsura ng kanilang mga magulang. Sanggol pa lang daw sila nung mawala ang mga ito. Ang iba naman ay isang taon o dalawa ng mawalay sila sa kanilang mga magulang.
Ginulo ni Master lolo ang aking buhok kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin. "May mga bagay na hindi na kailangang sabihin apo.. ngunit may mga bagay ding kailangang malaman ng tao."
Napanguso ako. "Master lolo naman eh! Ano pong connect nyang words of wisdom nyo sa kinekwento ko?" Bigla bigla na lang huhugot si lolo ng hindi ko alam. Nakakaloka!
"Hahaha! Wala lang."
Habang papasok sa loob ng bahay ay tuloy lang ako sa pagkekwento. Nakangiti namang nakikinig si lolo. Minsan ay tatawa pero madalas ay nakangiti lang. Ako naman ay halos mapunit na ang mukha sa sobrang pagkangiti.
"Sobrang sayaaaa talaga! Balik po tayo.. doon.. Clyre?" Unti unting humina ang boses ko ng makita ko ang pigura ng isang babae na nakaupo sa couch sa living room. "Clyre?" Pagtawag ko ulit sa babae ngunit hindi pa rin sya lumilingon.
"Maiwan muna kita apo." Nilingon ko si lolo ng magpaalam sya. Nakangiti nyang tinapik ang aking balikat bago umakyat sa hagdan patungo ata sa kanyang kwarto.
Agad akong tumungo sa living room upang makita ng maayos si Clyre. Ngunit ganon na lang ang gulat ko ng makita ko silang kompleto doon. Nandoon sina Julia, Genemy, Sofia, Cristine at Cherry na nakahalukipkip na nakatingin sa akin habang nakanguso pa.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...