***Kathryn's POV
What did he just... said???
"M-m-m-magulang m-mo sila?! P-paanong n-nangyari yon?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Daniel. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili na ituro ang dalawang puntod sa aking harap. Gulat na gulat ako sa sinabi nya! Hindi ako makapaniwala! "H-hindi ba sina tita Kylie at tito Dave ang magulang mo? A-a-anong pinagsasabi mo dyan?!"
Napabuntong hininga si Daniel bago ako hilahin paupo sa wooden couch na meron sa loob ng pinagawa nyang libingan. "I know you wouldn't believe at first," mahinang bulong nya.
Tinamaan naman ako ng konsensya doon!
"H-hindi naman sa ganon.." pagsusuyo ko. Nilambingan ko din ang aking boses. Waah! Ang sama kong girlfriend!
Tiningnan nya ako bago ngumiti. "It's okay.. I understand Kath. Alam ko namang hindi kapani-paniwala yung sinabi ko. Pero katulad nga ng sinabi ko kanina, You wouldn't believe AT FIRST. Ibig sabihin, sa una lang. Alam kong pinagkakatiwalaan mo ako kaya wag kang mabahala dyan."
Napahugot ako ng malalim! I felt relieve!
"So.. paano nga nangyari?" Takang-taka na talaga ako. Sa simpleng, meet my real parents nya kanina,marami na agad na tanong na umikot sa isipan ko.
Katulad na lang na paano nangyari yon? Diba sina tita Kylie at tito Dave ang magulang nya? Ampon lang ba sya? Bakit namatay yung magulang nya? Kilala ba sila nina tito Dave? May kapatid ba sya bukod kay Clyre?
Marami pang tanong na umiikot sa isip ko, pero hindi ko yun pwedeng pagsabay-sabayin. Isa isa muna.
"My real mom and my mom were bestfriends. Oh, scratched that, they are cousins. Pero dahil sila ang pinakaclose, tinuring nila ang isa't isa na magbestfriend non," malungkot na ani ni Daniel habang nakatingin sa isang puntod.
Puntod ng tunay nyang ina.
Nakalagay doon kung kailan ang birthday nya at kung kailan sya namatay. Maging ang kanyang pangalan.
Klara Ashton.
Napakagandang pangalan..
"While my real dad and my dad are siblings. Their family already owns Ashton High that time,"
Tiningnan ko naman ang puntod ng kanyang ama.
Davis Ashton.
"Napili nila dad na mag-aral sa Ashton High. Kahit na marami pa silang paaralang pinagaarian. Sakto ding doon nag-enroll sina mom. At doon nga sila nagkakila-kilalang apat." Hinawakan ko ang kamay ni Daniel na nakapatong sa kanyang tuhod para mabawasan ang kanyang lungkot.
Kitang kita ko sa mata nya kung gaano nya kamiss ang kanyang magulang. Ang lungkot lungkot nitong nakatitig sa puntod. Puno ng hinanakit. Puno ng pagkasabik.
"They became friends. Best buddies. Sikat sina dad noon dahil sila nga ang nagmamay-ari ng eskwelahan. Pero hindi yun naging hadlang para makipagkaibigan sila sa dalawang transferee. Which is mayayaman din naman. Hindi nagtagal, they fell inlove with each other. Mas naging matibay ang relasyon nila ng dahil don. Lahat ng ginagawa nila ay dapat magkakasama. Hindi sila naghihiwalay. They are really a good defenition of friendship."
Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay. "Bakit namatay ang mga magulang mo?"
Ang kaninang malungkot na mata nya, lalo pang lumungkot. Feeling ko tuloy ako ang may kasalanan! Ugh! Bakit ko pa kasi naitanong!
Babawiin ko na sana ang aking tanong ng magsalita sya.
"Gabi non. Birthday ni daddy. I was 7 years old back then. Naikasal na silang apat. Naging successful din. Marami ang nakidalo dahil nga sa isa ng sikat na businessman ang daddy ko. While tito Dave, which is my dad now, took criminology. He wants to be a detective. Pero tinulungan nya si daddy sa paghahandle ng mga naiwang pamana sa kanila ng lolo ko. My mom and tita Kylie took business too. Naalala ko pa non, masaya ang lahat. Ang daming bisita. Lahat may kanya kanyang ginagawa. Pinagsasaluhan ang mga handa. Masayang bumabati kay dad para sa kanyang kaarawan. Even Clyre was present on that day. Anak sya nila tita Kylie. Magkasing edad lang kami." Ohhh. Kaya pala magkasing edad sila. At medyo magkahawig pa. Naalala ko din na sinabi nya sa akin noon na half sister nya si Clyre. Kaya nya pala sinabi yon dahil hindi nya talaga totoong kapatid si Clyre.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...