14. Groupmates

1K 29 2
                                    


***

Kathryn's POV

"Hayyy kapagod!" Nandidito ako ngayon sa resto ni kuya Rio. Ang dami na namang costumer. Masyadong mabenta toh kahit kakabukas pa lang. Kapag may lalabas, may papasok din kaya pagod na pagod ako ngayon eh. Nakakanosebleed pa kasi puros mayayaman yung suki ni kuya Rio. Kaya ayun, kailangang englishan para daw syosyal. Eh mga pilipino din naman yung iba sa kanila, ba't pa sila nag eenglish. Parang mga tanga lang eh.

"Lalim. Di ko mahukay." muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko ngayon ng may nagsalita sa tabi ko. Pagtingin ko si kuya Rio lang pala.

"Ginulat mo ako doon kuya Rio!" Bulalas ko sa kanya nung nakaayos na ako ng upo. Bigla na lang kasing susulpot eh. Nakakagulat kaya yun.

"Hahaha, Sorna. Ano ba kasing iniisip mo at mukhang malalim ata?"

"Kung paano oonti yung costumer mo dito. Napapagod kaya kami noh kuya Rio. Samantalang ikaw, sitting pretty ka lang dyan."

"Wooy. Anong sitting pretty? Marami din akong ginagawa ano. Akala mo lang wala."

"Nye nye. Whatever you said."

"Haha eto naman.. Malalaki naman sweldo nyo eh kaya ayos lang yan." inirapan ko na lang si kuya Rio dahil sa naging sagot nya. Napakawalang hiya talaga ng lalaking toh eh. Sagad sagaran.

"Oh. Dumadami na yung costumer, haha goodluck sayo. Bilis, magtrabaho ka na."

"Eto na nga po eh noh boss!"

Banas. Parang tanga talaga yung si mokong. Nagtrabaho na din naman agad ako. Inasikaso ko yung mga order nila. Kaso ang dami talagang tao kaya hirap na hirap ako ngayon.
Pero habang nagtatrabaho ako, may nakapukaw ng atensyon ko. Isang lalaking pumasok. Nakasalamin sya. Siguro nasa mid 40's na sya ngayon. May kausap sya sa cellphone nya at may dala pa syang brief case. Umupo sya bandang dulo kaya hindi ko naririnig yung usapan nila. Wala din naman akong balak. Ewan ko nga kung bakit ako napatingin sa kanya bigla eh.

"Huy. Bakit mo tinitingnan si sir Jao?"

"Sir Jao?" Yun ba yung lalaking umupo sa dulo?

"Oo. Yun oh." sabay turo ni kuya Rio doon sa lalaking nasa dulo. Ahhh, si Sir Jao pala sya. Pero teka, paano nya nakilala yun.

"Paano mo sya nakilala?"

"Ahh, Regular costumer kasi natin sya eh. Gabi gabi syang nandidito tapos nakikipagmeet sya sa isang tao."

"Ano daw yung pinag uusapan nila?"

"Ewan ko. Bakit curious ka?"
Ewan ko kung bakit curious nga ako. Parang kasing may kakaiba sa kanya eh.

"Wala lang. Parang may kakaiba sa kanya."

"Hmm. May sasabihin akong sikreto sayo tungkol sa kanya." Napatangin naman ako kay kuya Rio nung sabihin nya yun. Sikreto? Anong sikreto?

"Ano naman yun?"

"Ewan ko lang pero sabi nila yung mga taong minimeet nya eh mga drug dealer. Bumibili daw sya ng mga drugs doon tapos may ginagawa sya doon. Ewan ko lang kung sya yung gumagamit nun. Tapos yung brief case na dala nya? Dyan nya daw nilalagay yung mga drugs na nabili nya o binebenta."

"Talaga?"

"Pero 'wag ka munang maniwala. Sabi sabi lang naman yun eh." Grabe pala si Sir Jao eh. Bumibili sya ng drugs? Ano namang gagawin nya doon. Kaya pala may parang kakaiba sa kanya eh.

Haaay. Bakit ko nga pala pinapakealaman yung buhay ng iba? Hindi naman nya pinapakealaman yung buhay ko eh kaya hindi ko na din sya papakealaman. Isa pa, sabi sabi lang naman daw.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon