***
Third Person's POV
"It's been a years," Casual na saad ng dalaga habang umuupo sa isang couch na pagmamay-ari ni Zack. Hindi nya maalis ang tingin kay Daniel na ngayon ay gulat at hindi makapaniwala sa nakikita.
'What the fuck.' Malutong na mura ni Daniel sa kanyang isip. Hindi kasi sya makapagsalita dahil sa gulat. Ni hindi nga nya mabukas ang kanyang bibig para makapagsalita.
"So.. ito pala ang pupuntahan mo?" Tanong ni Kath habang inililibot ang mata sa chamber. Ang mga tao sa loob ay tahimik lang at parang natatakot na magsalita dahil nararamdaman nila ang tense na namamagitan sa dalawa. "Lambord.. nice country isn't it?" Umangat ang gilid ng labi ni Kath habang nakatingin kay Daniel. Nakakrus ang kanyang hita habang nasa harap ng binata.
"Y-you.. fuck shit." Malutong na mura na pabulong ni Daniel nang hindi nya matuloy tuloy ang kanyang sasabihin.
Napangiti si Kath bago tumayo. Sa paraan ng pagtayo nya, makikita mong naging successful sya sa mga nagdaang taon. Malakas na kapangyarihan ang makikita mo sa pagkatao nya.
Ibang Kath ang makikita mo. Iba sa simpleng Kath na nakilala ng mga tao.
Naglakad ng dahan-dahan si Kath paikot sa chamber. Huminto sya sa painting na may nakasulat na 'KING'. Marahan nya itong hinawakan. Natakpan ng buhok nya ang kanyang mukha. Napangiti sya ng palihim at sa isip ay pinagmamalaki ang taong kausap nya. "Dati, isa kang pinuno ng pinakasikat na grupo, ang SHAYDON. Pagkatapos ay naging pinuno ka rin ng isang sikretong organisasyon, ang DRIOVIS. Ngayon.. hindi ko lubos isipin na pinuno ka na rin ng isang bansa, ang LAMBORD.." Lumingon sya kay Daniel bago ito nginitian. Iyong ngiting totoo.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Daniel sa naging turan ni Kath. Hindi nya alam kung saan nalaman ni Kath ang tungkol sa Driovis. Walang nakakaalam don bukod sa pamilya nya, kaibigan, at kay Master S.
Gusto nyang tanungin ang dalaga tungkol don pero hindi sya makapagsalita. Magkahalong gulat, pagkasabik, saya at kaba ang nararamdaman nya habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. Sari-saring emosyon ang gusto nyang ilabas ngunit hindi nya magawa. Hindi nya alam kung galit ba ito o hindi. Hindi nya magawa ang nagagawa nya dito dati dahil iba na ngayon. Dahil sya ang nang-iwan. Sya dapat ang maghabol. Yun ang nakatatak sa isip ng isang Ashton.
"Says what?" Lumapit si Kath papunta kay Daniel. Napakagat ng labi ang binata habang pinagmamasdan na lumapit ang dalaga sa pwesto nya. Ipinatong ni Kath ang dalawang kamay sa taas ng lamesa at bahagyang inilapit ang mukha kay Daniel. Nasa kabila si Daniel at nasa pagitan nila ang lamesa. "Wala ka man lang sasabihin?" Tanong nito.
Napahakbang ng isa si Daniel sa likod bago umiwas ng tingin. Umubo sya ng mahina at inayos ang collar ng kanyang suot. Pinagpapawisan sya. Pinagpapawisan sya dahil sa babaeng kaharap nya.
'So fucking sexy.. damn.' saad nito sa kanyang isip habang sinisilip ang dalaga ng palihim. Napaiwas sya ng tingin ng mahuli ni Kath na nakatingin sya sa kanya.
Lumunok sya ng madiin. Feeling nya ay hindi na sya makahinga. Na para bang walang hangin sa loob dahil pinagpapawisan sya ng sobra.
Ibinalik ni Daniel ang posture nya sa dati. Ibinalik nya ang kanyang seryosong titig at walang emosyon na mukha. Muli syang tumitig sa dalaga na nakadungaw pa rin sa lamesa nya sa kanyang opisina. Nilabanan nya ang titig ni Kath kahit na mahirap. Hindi sya nagpatalo. Nilapit nya din ang mukha sa dalaga. Ngayon ay kaonting space na lang ang natitira sa kanila. Pero sapat lang para magkakitaan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...