***Kathryn's POV
Pagkatapos ng masamang nangyari sakin kanina sa parking lot, umalis naman din agad lahat ng mga estudyante doon. Susundan daw kasi nila yung SHAYDON. Pangalan ng grupo nung lalaking pinagkakaguluhan nila.
Pero dahil na din sa eksena kanina, andami ng galit sakin ngayon, huhu. Siguradong mabubully ako nito eh. Kung bakit ba naman kase sa dinami-dami ng tao, ako pa? Ako pa yung babaeng nakapasok sa condo nya at aksidenteng makita sya? Ang daming babaeng inggit na inggit sa akin ngayon, na kesho daw ako ang mas naunang nakakita kay Daniel kesa sa kanila, ni hindi nga daw ako fans, ba't ako pa? Eh, yun din naman yung tanong ko sa sarili ko eh. Pinagsisisihan ko na tuloy na pinairal ko ang pagiging makulit at ang kuryosidad ko. Napahamak tuloy ako ngayon. Buhay nga naman. Napakagulo.
Nandidito ako ngayon sa room ko. Hindi ko kaklase si Julia tuwing Math na kakatapos lang. At saka iba yung kursong kinuha naming dalawa. Business sakin, sa kanya naman eh Architect kaya bihira lang din ang magkasama kami sa school. Pero may mga subjects din namang kasama ko sya, marami-rami din. Pero ngayon, magisa tuloy ako, huhu. Ayos lang! Sanay naman akong mapagisa eh.. ayyyyt, hugot!!!! Hahahaha.
"Nakakabagot naman." bulong ko sa sarili ko sabay patong ng ulo sa desk. Gustong-gusto kong matulog, pero baka bumaba yung mga grado ko kung gagawin ko yon. Psh. Hindi ko kaya kayang mangyari yon!
"Oh she's here! Hindi ko alam na she's so malandi pala."
"Yahhh, your right! Kakadating palang ni Daniel nilalandi na nya."
"Tsss, If I know, isa lng sya sa mga naghahabol sa kanila!"
"Inaagaw nya si fafa Daniel ko!"
Bulungan agad ng mga kaklase ko pagkapasok nila sa room. ANONG PAKE KO, sa kanila? Wala naman akong ginagawa eh, kung gusto nila sa kanila na yung DANIEL nila. Hindi ko sya inaagaw at lalong wala akong balak na agawin sya noh. Isaksak pa nila sa baga nila eh.
Ni hindi ko nga kilala yung sinasabi nila. Mga judgemental! Makasabe ng malandi, akala mo naman, napakamahihinhin. Naku, naku, mga galawan talaga ng mga dalagita ngayon.
"Good morning Class!!" Sigaw samin ni Maam Tuazon. Adviser namin yan. Strikto pero mabait sya at magaling magturo. Economics naman yung tinuturo ni Maam. Nagsipagtayuan kaming lahat ng makarating na si Ma'am gitna. Bumati din naman agad kaming lahat sa kanya.
"Okay! I have an important announcement to all of you!" Tuwang tuwa nyang sabi. Sabik na sabik si Maam eh hindi halata. Lakas makabagets.
" Maam ano po yun? Matutuwa po ba kami dyan?" tanong ni cherry. Isa sa mga mean girls sa campus. Actually binansagan syang Campus Queen eh kasi andaming nagkakagusto sa kanya at andami na din nyang naging boyfriend. Pero lahat naman yun ay hindi tumatagal. Paano ba naman kase, hindi nagseseryoso sa isang relasyon. Yan tuloy..
"Yes naman Miss Mortel, pinapangarap ito ng lahat ng kababaihan. At isa na kayo doon. Nasisiguro ko yon."
"Spill it Maam!!!!!" Sigaw ng lahat ng babae samin. Maliban sakin. Kung sisigaw ako, sayang yung boses at laway ko non. Matipid ako eh.
"Okayyy, kalma!" Sigaw ni Maam kaya kumalma naman sila. Mga uto uto hahaha. Pero magaling naman talaga si Ma'am Tuazon na maghandle ng isang advisory class, matututo ka talaga. Kase kapag hindi, bagsak kung bagsak.
"Boys!! Come in!!" Utos ni maam sa mga lalaki sa labas.
"OMG!!!!"
"JUICEKOLORD!!!!"
"GWAPOOOOO!!"
Samu't saring sigawan at kumento ang maririnig mo sa mga babae sa loob ng klase. Yung iba nag tatalon talon pa kaya di ko makita kung sino ba yung pinagkakaguluhan nila. Karamihan ata mahihimatay na sa sobrang tuwa. Halos magtakbuhan pa sila papunta sa pinto ngunit sinita sila ni Ma'am.
"Ehem." may umubo sa harap mula dun sa limang bagong lalaki. Nabilang ko base sa anino nila na nakikita ko sa labas. May parte sa loob kung tayuin at tingnan kung sino yon dahil parang pamilyar. Pero, tinatamad pa ako eh.
Bigla namang tumahimik ang lahat at nagsiayos sila ng upo. Ayyyy mga takot?! Nakita ko yung lalaki na umubo. Gwapo sya di mo mapagkakaila, sya pa lang yung nagpakita siguro kasi, ang ingay kanina kala mo nga magkakalindol na eh. Nasa labas pa ata yung iba. Natakot ata sa mga kaklase ko, akala siguro, sasakmalin sila. Pero wala naman sa itsura nung lalaki eh. Mukha ngang wala lang sa kanya. Parang pamilyar 'to ah. San ko nga sya nakita? alam ko, nagkita na kami, hindi ko lang alam kung kailan at saan. Kung magmemo plus gold na kaya ako? Nagiging makakalimutun na ako ngayon.
"Can we introduce ourselves now?" Tanong nya ng mahinahon. Para naman kaming tangang tumango sa kanya habang nakatulala pa rin. OO KASAMA AKO!!! ang gwapo kasi nya, at yung aura nya. Parang may dalang kapangyarihan, nakakatakot din. Parang yung mayabang na yon, mas lamang nga kang sya. Psh. Mas lamang sya sa lahat, yun ang katotohanan.
"Seth Jayson Macrael, is the name." sabi nya samin. Tapos may pumasok ulit na isa. Gwapo din at mestiso ito.
"JC Lythe Lim here!!!!" Masiglang pagpapakilala nito. Sabi ko na nga ba eh. Pamilyar kasi 'tong lalaking toh. San ko nga sya nakita? Hindi ko mahalungkat ang utak ko, dahil napuno na ng pesteng lalaking yon sa parking lot!
May pumasok ulit na isa pa. Gwapo din sya katulad ni JC ay Seth. Pero halatang chickboy.
"Lester Jack Hoelin, Nice to meet you all." sabi nya sabay ngiti. Nakakatunaw yon.
May pumasok pa ulit na isa. Makikita mo na masayahin tong isang 'to. Nakangiti kasi sya ng wagas habang pumapasok sa room. Parang batang binigyan ng chocolate. Tuwang tuwa.
" Katsumi Dianon luixon guyssss!!! Helloooooooooo--- aray!" sigaw nya sabay himas sa kanyang ulo. Napangiwi na lang ako dun kasi alam ko na masakit yun. Yun yung batok na ayaw kong maranasan, sa buong buhay ko.
Binatukan kasi sya ni Seth ng pagkakalakas lakas, akala ko nga matatanggal na yung ulo nya. Maswerte sya dahil malakas ang kapit ng kanyang ulo, kundi, goodbye na sya don.
"Aray ko Seth!! bakit mo naman ginawa yun?!" Sigaw ni katsumi habang hinihimas ang parte ng ulong binatukan ni Seth.
"Para kang tanga." diretsahang sabi ni Seth sa kanya. Kaya tumahimik na lang sya at nag pout pa. How cute~~ kung ako ang sinabihan nya non, baka mabungangaan ko pa muna sya bago manahimik.
Tapos meron pang isang pumasok. Tahimik lang ang buong klase na nagaabang sa susunod na papasok. Maya maya pa hindi na mapigilan ng mga kaklase ko ang kanilang sarili kaya napatili na sila ng super super.
Nakita ko yung lalaking pumapasok sa room namin. Yung tindig nya, yung lakad, yung katawan, ANG GWAPOOOOOOOO!!!
Tumahimik din agad ang mga kaklase ko ng biglang huminto yung lalaki sa gitna. Nakatagilid pa sya kaya di ko gaanong makita yung mukha nya.
Pero parang may hawig sya.....
Maya maya pa eh humarap na sya samin wearing his blank slash cold expression.
t-teka WAG MONG SABIHING SYA SI???!!!
"Daniel Kyle Ashton"
______________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...