52. Brave girl.

1K 19 0
                                    


***

Kathryn's POV

Matapos kaming turuan ni Master S ay nagpahinga kami sa sala nila kuya Ken. Ang saya saya ko ngayon. Masaya lang kaming nagkekwentuhang apat. Pinuri nila ako dahil daw ang galing ko. Todo pasasalamat naman ako at ibinabaling sa iba ang papuri.

Mas masaya sana kung sumali si Daniel eh. Kaso ayaw nya. Manonood na lang daw sya. Panonoorin na lang daw nya ako. Cheesy no?

Tuwang-tuwa ako kay Master S. Ang galing nyang magturo. Kapag nagtuturo syang magkarate, parang nagiging binata sya ulit. Madali kang matututo sa kanya. Sobrang galing nya. Para na talaga syang trainor ko simula pagkabata.

"Sure ka ba Daniel Kyle? Dito na lang kaya kayo matulog? Gusto ko pang makipagkwentuhan dito sa girlfriend mo." Kanina pa kami inaalok nyan ni Master S. Kanina pa nya kami pinipilit. Hanggang dito sa labas ay pilit nya kaming pinipigilan.

Natatawa na nga lang si kuya Ken at Daniel dahil sa kanya eh. Ang kulit kasi. "Sorry, Master. Pero hindi pwede dito si Kath." Natatawang sagot ni Daniel. "Don't worry, babalik kami dito."

"Sure yan ha?"

"Sure na sure."

Nagpaalamanan pa ulit kami kay kuya Ken at Master S. Nagpasalamat. Tapos maiksing kwentuhan pa bago kami nakaalis.

"Ang saya nilang kasama no?" Nakangiti kong sabi kay Daniel habang pinagmamasdan syang nagmamaneho.

"Sobra." Sabi nya nang hindi tumitingin sa akin. Nakatingin sa daan eh. Gabi pa naman.

"Gusto ko ulit silang makasama. Ang saya sa feeling." Matagal akong nangulila sa lolo. Kaya ang saya lang dahil parang lolo ko talaga si Master S.

"Mangyayari talaga yan Kath." Sagot ni Daniel na nakapagpangiti sa akin. "Iba ngiti mo ah? Baka naman ipagpalit mo
na ako sa kanilang dalawa." kunwaring nagtatampong saad ni Daniel.

Matagal akong napatitig sa kanya. Sa sobrang tagal ay bigla akong humirit ng tawa. Hindi bagay sa kanya ang mag-inarte!

"What's funny?" Inis na tanong nya sa akin dahil hindi pa rin talaga ako tumitigil sa pagtawa.

"Wait, hahaha! grabe hahaha! hindi hahaha! bagay hahaha! sayo!" Kita ko kung paano mangunot ang noo nya. Ramdam ko din ang kagustuhan nyang ihinto ang sasakyan pero hindi pwede dahil nasa gitna kami ng daan.

"What's funny Kathryn." Seryoso na sya nyan. Ano ba yan, hindi naman mabiro.

Pero di ko talaga mapigilan yung tawa ko eh. Hahahahahha! "Pfft.. eto naman, wala yun." pagpipigil ko pa rin sa tawa ko. Pero mukhang seryoso na talaga sya.

"Uy." Tawag ko pero ayaw sumagot. "Eto naman, tampo agad? Alam mo namang ikaw lang ang nagmamay-ari nitong puso ko eh. Kaya paano kita ipagpapalit, eh wala ka ngang katulad." Paglalambing ko.

Bibitaw na sana ako sa pagkakahawak sa kamay nya na kinuha ko kanina dahil mukhang seryosong nagtatampo talaga sya sa akin ng makita ko syang ngumiti. Ngumiti ng palihim. Kaya imbis na kunin ko ang kamay ko. Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

Napangiti na lang din ako. Kailangan lang pala nyang lambingin.

***

Matapos ang klase ay dumiretso ako sa bookstore. Hindi na ako nagpasama kanila Juls dahil kaya ko naman. Nagpaalam ako kay Daniel pero wala syang reply. Siguro busy o nakapatay ang phone nya.

Pagkatapos kong bumili ay pumunta akong sakayan. Nag-aantay ng jeep. Kaso sa oras na 'to, wala na atang jeep. 9:00 na din kasi ng gabi. Masyado akong napatagal sa bookstore.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon