***Kathryn's POV
"Waaah! Sige na, please? Please? Sige na sige na!"
"I said no Kath."
"Daniel! Sige na kasi!"
Pagtapos kong kumain para sa lunch ay pinuntahan ko si Daniel dito sa office nya sa school. Ipagpapaalam ko kasi yung tungkol kay kuya Ken. Sakto din dahil wala dito ang SHAYDON, may binili ata sila. Kanina ko pa kinukulit si Daniel na pasamahin ako pero ayaw nya talaga. Ayaw nya kasi lalaki. Hindi nya pa daw yun kilala.
"Seryoso ka bang hindi mo pa kilala si kuya Ken?" Tanong ko. Pero hindi nya ako sinagot, nagpatuloy lang sya sa ginagawa nya sa kanyang laptop. "Daniel..."
"Pumunta ka na sa next subject mo." Poker face na sabi nya na hindi inaalis abg kanyang mata sa kanyang ginagawa.
Pero hindi ako aalis hangga't hindi sya pumapayag! "Payagan mo muna ko." Nilapitan ko sya at puwesto sa likod nya. Niyakap ko yung leeg nya kaya napahinto sya sa kanyang ginagawa. "Please???" Pagpupumilit ko pa pero tinanggal nya lang yung kamay ko.
"Hindi mo talaga ako papayagan?" Pagmumukmok ko. Sinilip ko pa yung mukha nya pero hindi nya talaga ako pinapansin.
"Daniel?" Ayaw pa rin akong tingnan.
"Uy.." ang hirap naman papayagin nitong lalaking 'to!
Wala na din akong nagawa kundi ang sumuko sa pagpilit sa kanya. Malungkot kong kinuha ang bag kong nakalagay sa sofa kanina. Sasabihin ko na lang kay kuya Ken na hindi ako pwede. "Una na ko.." malungkot na malamig ang boses na sabi ko sa kanya.
Tiningnan ko sya pero ni hindi man lang ako tiningnan! Great! Hanep ng boyfriend ko. Nagtatampo na ako dito eh. Bwisit..
Kaya ayun, lumabas ako ng office nya ng sawi. Nakakainis sya! Swear, hindi ko sya papansinin mamaya. Hindi dahil sa hindi nya ako pinayagan. Kundi dahil hindi man lang nya pinahalagahan yung presensya ko don sa loob! Ginawa nya akong hangin! Hindi nya ako pinapansin. Nakakainis sya! Gagantihan din kitang bwisit ka!
"Oh Kath? Bakit ganyan yung itsura mo?" Tanong sa akin ni Clyre pagkaupo ko sa tabi nya. Wala pang teacher at konti palang ang tao dito sa room. Si Clyre lang din ang kaklase ko ngayon sa subject na 'to. Habang sina Julia at yung tatlo eh magkakaklase.
"Si Daniel kasi eh.." pagsusmbong ko na parang bata sa kanya.
Naibaba nya naman ang ballpen na hawak nya sa desk at tumingin sa akin. "Anong ginawa sayo nung kapatid kong yon?"
"Huhu.. ayaw nya akong payagang sumama kay kuya Ken." Grabe.. gusto ko lang namang sumama eh. Hindi ko naman sya ipagpapalit. Ang OA lang talaga nya.
"Lalaki naman kasi yung sasamahan mo." Saad nya. "Alam mo naman yon, masyado ka nyang mahal."
"Ayos lang naman sa akin na hindi nya ako payagan. Naiintindihan ko yon. Pero ang nakakainis kasi! Kaninang nasa office nya ako, para lang akong hangin sa kanya!" Kahit na sinong girlfriend ang nasa posisyon ko, ganito din ang mararamdaman nila. Yung tipong mas mahalaga pa ang mga papel sa kanya kaysa sayo. Grrr!
"Ayy, kaya naman pala eh. Sige, wag mong pansinin yon."
Tong babaeng din na 'to eh. Hindi kinakampihan ang kapatid. Hahaha, pero yun yung gusto ko sa kanya. Mas kinakampihan nya kasi ako kaysa kay Daniel. "Yun talaga ang gagawin ko mamaya. Ipaparamdam ko sa kanya yung pinaramdam nya sa akin. Kala nya ha.." waaah! naeexcite ako sa gagawin ko!
***
Nagdaan ang mga oras at uwian na namin. Maaga kaming lumabas nina Clyre at agad naming sinundo sina Julia sa room nila. Naglalakad na kami paalis ng makasalubong namin ang SHAYDON at Daniel.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...