28. Trouble

1.3K 30 7
                                    


A/N: Sorry po kung bitin ulit✌ Last update ko na po ito this week, next week na po ang sunod.

So, enjoy~~

***

Third Person's POV

"Kath.. we f*cking need to talk." Napalunok ang dalaga dahil sa pagiging seryoso ng boses ng taong kaharap nya. Masyado syang seryoso at hindi iyon kaya ng atmosphere na nakapalibot sa kanila.

"A-ano.. p-pag-uusapan?" tanong ni Kath sabay lunok ulit. Pero hindi sumagot si Daniel. Nanatili syang nakatingin kay Kath ng seryoso.. sobrang seryoso.

Hindi na alam ni Kath ang gagawin nya. Natatakot sya na baka ipatapon o kaladkarin sya nito palabas ng bahay nila. Kinakabahan sya dahil hindi pa rin ito nagsasalita. 'Ano bang nasa isip nya?' ang tanong ni Kath sa kanyang isipan.

"D-daniel, ano ba yung pag-"

"Who the fuck was that guy?" Biglang napatigil si Kath sa pagsasalita. Sa wakas ay nagsalita na si Daniel, pero hindi nya pa rin naiaalis sa sarili nya ang kaba. Hindi tinatanggal ni Daniel ang seryosong titig nya kay Kath. Na parang may ginawa itong hindi nya ikinatuwa.

"Y-yun bang kanina? Si Zack yon." Sagot ni Kath. Nauutal sya sa bawat pagsasalita nya dahil sa mga tingin ni Daniel.

"Why are you with him?" Tanong ulit nito.

"Hinatid nya lang ako. Nakita nya kasi ako sa daan tapos nagoffer sya na ihahatid ako. Tumanggi ako pero sapilitan nya akong pinasakay kaya wala na akong nagawa." Pagpapaliwanag ni Kath.

Bumuntong hininga si Daniel para pakalmahin ang sarili. Hindi nya din alam kung bakit ba sya naiinis nung nakita nyang may kasama si Kath na ibang lalaki. Alam nyang yun yung lalaking umakbay kay Kath sa cafeteria, at wala syang tiwala dito.

Kung tutuusin, kayang kaya ni Daniel na saktan si Kath kapag nabwisit sya dito. Ano pa't naging leader sya ng SHAYDON na kinatatakutan sa buong campus at sa iba pang panig ng mundo? Pero hindi nya magawa.. kasi hindi nya kaya.

"Bakit ka ba kasi umalis dito ng walang paalam?" Sa pangatlong beses, napalunok ulit si Kath. Alam na ni Daniel na tumakas lang sya. Nakalimutan nyang matalino ito, at hindi ito tanga para hindi mapansin na tumakas lang sya.

"Gusto ko lang kasing makita yung mga kaibigan ko. Wala namang problema doon diba?" sagot ni Kath.

"Wala ngang problema. Pero kapag may nangyari sayo, ako ang malalagot. Ang sabi ni mommy, ikaw ang magbabantay sa akin. Pero ang kinalabasan, ako ang nagbabantay sayo." Nanlaki ang mata ni Kath sa sinabi ni Daniel. Alam na nya. Alam na nya ang plano ng magulang nya. Mas nauna pang malaman yun ni Daniel kaysa kay Kath. Hindi pumayag si Daniel sa walang kwentang 'kunong' plano ng mama nya. Pero dahil mahal nya ang mama nya, kahit ayaw nya ay napapayag sya nito. Sapilitang napapayag.

"P-paano.. mo.. nalaman?" tanong ni Kath habang nanlalaki pa rin ang mata. Ngayon, sobrang kinakabahan na talaga sya. Alam na ni Daniel, at wala syang ideya kung ano ang nasa isip nito ngayon.

"I'm not stupid unlike you."

"Ano ng gagawin mo? Papaalisin mo ba ako dito? Ipapatapon mo ba ako sa labas? Ano?"

"I won't do that. I will let you stay here. But, I have my own rules." sagot ni Daniel. Nakahinga ng maluwag si Kath sa sinabi ni Daniel. Kasi kung papaalisin sya nito ngayon, hindi nya alam kung saan sya pupunta. Hindi din naman sya papasukin ng sarili nyang magulang kapag umuwi sya sa kanila ng hindi pa natatapos ang dalawang araw.

That Guy [KN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon